Now Showing...
Clue: "Hey! Hilarious love-bites."
A prominent secret member of a well-known secret society, a secret group from not so far away invisible landscape who trespass into this physical plane to bring entertainment and enlightenment to mankind manifesting through multimedia form.
Sabado, Marso 30, 2013
Spot the Similarity
Mga etiketa:
difference,
eragon,
Gen Thalz,
love,
movie,
similarity,
spot,
superman,
x-men
TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (an FB broken serye by Gen Thalz)
Ang
Nakaraan…
Nag-register
sa unlicall si Rogelio upang matawagan ang bespren na si Jobert “as a friend”,
at bilang kaibigan nga, daglian itong sumaklolo sa naghihimutok na kaibigan…
episode
4 season 1: “Yakap sa Dilim”
“Ohmagad!”,
sigaw ni Jobert as friend. “What the fuck dude?”, gulat naman ni Rogelio.
“Shet
chong! Base dito sa text ni Genoveva sayo at sa mga sulat mo sa kwarto, na-realize
ko na pang labing-isa sa English Alphabet ang letter K! At alam mo ba ibig
sabihin nun chong?”, napalunok si Jobert as a friend.
“Alam
ko na ‘yan, eleven, number of synchronicity…”, buntong hininga ni Rogelio.
“Exactly
chong! It means one mind kayo, one soul, one heart! Bet mo?”, galak na bulalas
ni Jobert as a friend.
“Haaay…”,
sagot lang ni Rogelio.
“Furthermore
K ang letrang ginamit nila Bonifacio para sa kanilang secret society. KKK. Code
‘yun chong code! Tatlong eleven! 11+11+11 = 33, thirty-three or 33rd
degree, the highest degree in Freemasonry!”, naghuhumiyaw na sabi Jobert as a
friend.
Napabalikwas
naman itong si Rogelio sa kinauupuan. “What do you mean chong?”
“Ibig
sabihin installment ‘tong text ni genoveva sayo chong! Need mo pa maka-receive
mula sa kanya ng dalawa pang ‘K’ reply to form KKK or 33rd degree,
at pagnangyari ‘yun…”, habang hinihimas ang goatee.
Sumabat
agad si Rogelio. “Ibig sabihin mahal niya ko! Highest degree means highest
feelings! KKK, three K means I Love You! Whoohoo! Mahal nga din niya ko!”
“Hindi
lang ‘yan chong maaari ka pa niyang ayain sa tinatawag na KKK (Kataas-taasan,
Kadulu-duluhan, Kadilim-diliman) secret place ng sinehan sa first ever date
nyo!”
“Tama-tama!
Whoohoo! Salamat chong mataas na ule self-esteem ko!”
“What
are friends are for?”, naluha habang niyayakap ang kaibigan.
Biglang
bumukas ang pinto ng kwarto.
“Oh
my ghad…M2M!”, nabitiwan ng ermat ni Rogelio ang dala-dalang meryenda.
Nagkalansingan
ang nabasag na pitsel at baso kasama ng platito.
“Ma!”, gulat na sigaw ni
Rogelio.
Agad niyang pinuntahan ang ermat, hinihimas-himas sa likod.
“Oh
my ghad…oh my ghad…hinde…ang anak ko…oh hinde!”, tulala nakatingin sa kawalan.
“Ma!
Ma!”
“Hindi
‘to maaari, ano na sasabihin ng pa- nila- oh my ghad! Hinde…”
“Ma
let me explain!”
“Tita
mali po ang inaakala niyo…”
“Sapat
na ang nakita ko. Oh my ghad hindeee! (nilamukos ang mukha at buhok) Anak ano
ba naging pagkukulang namin sayo?! Hindeeee!”. Humahagulgol na ang ermat.
“Ma
ano ka ba? Mali sabi ang iniisip nyo!”
“Oo
nga tita…wala po kameng rela-”
“Hinde!
Ayoko na marinig mga plaiwanag nyo. Makakarating agad ‘to sa papa mo Rogelio
Bragancia Jr. pati sa parents mo Jobert!”, nanggagalaiti na bitaw ng ermat.
Biglang
nag-ring ang cellphone ni Rogelio.
Sino
ang nasa likod ng pagtawag na ito? Totoo nga kaya ang hinala ng ermat ni
Rogelio tungkol sa kanila ni Jobert as a friend na SO o Secret On sila?
Hanggang kaylan magaantay ng dalawa pang K reply ni Genoveva si Rogelio upang
mabuo ang KKK at masabi sa sarili na mahal nga din siya nito? Mahimasmasan pa
kaya sa pagkawindang ang ermat ni Rogelio? Bakit kasi hindi nila ni-lock ang
pinto bago magyakapan? Alin ang alin? Ano ang ano? Sino ang sino?
Abangan
ang mga eksplosibo at naglalakihang kasagutan sa mga eksklusibong tanong na
nanganganak nang nanganganak pa ng panibagong tanong dito lang sa nagiisang
brutal drama serye sa internet ang… Tilamsik sa Gabing Maligamgam.
Para
sa karagdagang katanungan…
“Anong
meryenda ang dala-dala ng ermat ni Rogelio?”
*Available
soon
-
Tilamsik sa Gabing Maligamgam on HD, DVD and 4D format.
-
Tilamsik sa Gabing Maligamgam OST on CD and Mp3 (in 5.0 dolby surround sound).
-
and Tilamsik sa Gabing Maligamgam Magic Tumbler and Memorable Keychain.
Teenage Angst Brigade
iLLUSTRATION no. 26 (doodle):
"Teenage Angst Brigade"
*Recovered from my old notebook, exact date unknown, skateboard and rap-metal era. Doodled during class boredom or when your teacher talking about the things he/she too don't even know.
"Teenage Angst Brigade"
*Recovered from my old notebook, exact date unknown, skateboard and rap-metal era. Doodled during class boredom or when your teacher talking about the things he/she too don't even know.
The Hunt For The Easter Egg Hunt
Mabuhay! At muli na
namang nabuhay si Kristo, buhay na naman tayo, tapos na ang pagtitika, nagwakas
na din ang pagdurusa. Pasko ng Pagkabuhay, Easter Sunday ano man ang iyong
katawagan iisa lang ang nilalaman – takdang araw upang hagilapin ang mga
itinagong Easter Eggs ng Easter Bunny.
Bagamat unti-unti nang
nawawala ang ganitong kaugalian at tradisyon may mangilan-ngilan pa din ang
nagsasabuhay nito. Malimit na lang ‘to minsan sa mga malls, munisipyo, at bara-baranggay. Masaya din
naman lalu na pag may loko kang kapitbahay na magse-setup ng lata ng Bona sa
mga lugar na pinaghihinalaang itinago ang Easter Egg. Pagtungkab mo ng takip
higit pa sa Jack-in-the-box at Barrel Man ang supresa! Kaboom! Splat! Parang
sumabog na septic tank.
Ang tanong ng bayan,
“Ano ang kinalaman ng itlog at kuneho sa muling pagka-buhay ni Kristo?”.
Napahapyawan na ‘to sa The Secret Book of the Philippines pero singit lang
talaga kaya eto medyo palawigin natin.
Ano nga bang kinalaman
ng egg and rabbit/hare sa Easter Sunday? Alam nating lahat na mahilig sa
tinapay si Jesus pero wala ata ko nabasa si bibliya na nagpalaman siya ng itlog
or may pet siyang kuneho, ewan lang siguro hindi naisulat.
Madaming paliwanag ang
Christians and Catholic ukol rito tulad ng Egg is symbolizing new beginning,
seed of life, re-birth. Naniniwala ang ancient Rome na lahat ay nagsimula sa
itlog, tama nga naman sperm cell + “EGG” cell = humans. At saan galing ang
sperm cell? Sa itlog! In english Scrotum, sa salitang kalye Betlog, Beklog,
Jetlog, BAYAG.
Sinisimbolo din daw ng
egg or “egg hatching” to be exact ang pag-rise or the Risen Jesus from the
tomb, the cracked of the egg being the tomb opening. Sa madaling salita, Easter
Sunday simply means New Hope and New Life matapos ang ilang araw na pagpaparusa
sa sarili, pagre-reflect, contemplate, beach, sunbathing, and strolling.
How about the Easter
Bunny? Nung ancient times daw kasi pinaniniwalaan na hermaphrodite ang mga
rabbits meaning kaya nilang mag-reproduce kahit hindi nadodonselya or hindi
nade-devirginized, in short para daw si Virgin Mary. Ganun lang kasimple.
Common notion na na
symbol of fertility and spring ang Easter Egg at Easter Bunny (capable ang
rabbits for multiple births) subalit kung babalik tayo sa ancient Babylon,
sacred ang kuneho sa ilang pagan belief dahil mahilig sa rabbit ang god nilang
si Tammuz.
Pinagdiriwang rin nila
ang pagkamatay nito nang hindi kumakain ng karne lalu na ng baboy dahil wild
boar daw ang nakapatay ke Tammuz.
E sino nga pala si Tammuz?
Bugtong na anak siya ni
Ishtar (originally pronounced as Easter). Ayon sa pagan belief noon, lumabas si
Ishtar a.k.a Astarte, Eastre, Queen of Heaven, Goddess of Fertility, Goddess of
Spring and Sexual Love sa isang Egg na nalaglag sa Euphrates river mula sa
Moon. Tinawag nila itong “Ishtar’s Egg”. Nabuntis si Ishtar through sunbeam ng
Sun-God na si Baal a.k.a. Baalim, Molech, God of Fire. At si Tammuz (the
promised seed, the savior - promised by God) nga ang naging bunga ng
supernatural lovemaking virgin birth na ito.
Naniniwala din sila na
nag-resurrect at nag-ascend si Tammuz sa sun kapiling ang kanyang ama, tawag
nila rito “Ishtar’s Sunday” na pinagdiriwang with eggs and rabbits.
At dahil nga pig ang
nakapatay ke Tammuz, pig din ang handa nila sa okasyon na’to, gantihan lang ba
kumbaga.
Kaya’t ano pang
inaantay natin, ngayong Pasko ng Pagkabuhay atin din ipaghiganti si Tammuz
laban sa mga babuy! Lantakan na ang lechon, lechon de leche, lechon kawali
maging ang chicharon ‘wag palampasin! Kapit lang Tammuz igaganti ka namin! (background
music “Sarsa Platoon [Galit Kami sa Baboy]” by Datu’s Tribe)
*Lyrics
Libu-libong liempo
Daan-daang pige
Mag-ingat kayong mga baboy kayo
Parating na kami
[Chorus]
Kami, mga alagad
Mga alagad ni Mang Tomas
Kami, mga alagad
Mga alagad ni Mang Tomas
***Karagdagang Kaalaman
(Trivia)
- Did you know that the
largest egg on record weighed 2.589 kg (5 lb 11.36 oz) and was laid by an
ostrich (Struthio camelus) at a farm owned by Kerstin and Gunnar Sahlin
(Sweden) in Borlänge, Sweden, on 17 May 2008. (Guiness World Record)
- Darius, the world's
biggest rabbit who is 4ft 4inches and weighs a whopping 3.5 STONE. He already
held the title of world's biggest rabbit but has now smashed his own record
after vets measured him a month ago and realised he had had grown another inch.
(Guiness World Record)
- The largest scrotum
in the world as of February 2013 is owned by (sadyang hindi pinangalanan upang
protektahan ang kanyang katauhan). Size (unmeasurable).
[photo not fit on screen]
Mga etiketa:
blog,
easter egg,
easterm bunny,
essay,
Gen Thalz,
hunt,
post
Miyerkules, Marso 27, 2013
HOLY WEEK NOON at NGAYON:
*ang susunod mong mababasa ay base at hango sa tunay
na buhay…
Nung kabataan ko
ayokong-ayoko sumasapit ang Mahal na Araw, hindi naman sa antikrismo ako kundi
dahil sa napakarami lang kasing bawal noon, grabe ang sikat ng araw, at walang
magawa, as in. Patibayan talaga sa pagkainip, buryong, at aburido sa init.
Walang mapanood sa t.v. meron man marathon ‘yun ng Bible In The Beginning, Ten
Commandments, Jesus of Nazareth, Ben Hur etc. at kung may cartoons tiyak The
Flying House ‘yun or cartoon version ng mga nabanggit na pelikula sa itaas.
Mapagkakasunduan naman
ng pamilya namin na manood na lang ng vcd or vhs na ni-rent bago pa mag Holy
Week. Alam mo na kung ano ang ni-rent, mga pelikula din na nabanggit sa taas.
Wala din makausap sa
telepono at wala din matambayan dahil nasa probinsya ang tropa. Walang
mapakinggan sa radyo kundi puro bible explorations, preachers, at audio version
ng mga pelikulang nabanggit sa taas. Bawal naman magpatugtog ng tape, or cd dahil
bawal mag ingay or magpatugtog ng kahit anong music. Wala kang ibang ingay na
maririnig kundi ang alingawngaw sa megaphone ng mga lolang nagpapasyon kaya
para maka-survive makikikanta na lang din.
“Nang si Hudas ay
madulas tatlong balbas ang nalagas…”
Lumabas ka man para
mamasyal o magpalamig, sarado lahat ng mall, parang may epidemya sa karsada
napakadalang ng tao, walang trapik.
Pero nakaka-missed din
pala ‘yung ganun. Ngayon kasi andami nang mapaglilibangan ng tao, cellphone,
tablet, at eto nga computer and internet. Andali na din mahagilap ng tropa, may
GPS na at Google map. Iba na din ang palabas sa t.v., swerte pa may cable na, open
mga istasyon sa radyo, pwede na mag patugtog ng na-download na mp3 at manood ng
downloaded movies. Basag ang tanikala at pagkagapos sa boredom. Bukas na din
ang ilang mall, at dahil sa climate change medyo malamig na ang panahon,
umuulan-ulan pa sa ilang karatig na lalawigan ‘wag ka.
Na-realized ko mas
boring pala ngayon kumpara noon. Andun ang sakripisyo talaga ng tao noon,
pagpipigil, at pagtitika. May challenge. Pakadaming bawal in 3 days, kulang na
lang bawal huminga.
Bawal kumain ng
paborito kong karne. Naalala ko kapag Kwaresma hindi talaga namamalengke si
Nanay, umaasa lang kame sa pakain sa Pabasa. Makikipila para sa sarsyadong
isda, munggo, pansit, sopas, at eskabeche. Ambagan ‘yun ng magkakapitbahay simula
ng Maundy Thursday night ‘yan (dinner) hanggang Black Saturday (lunch).
Kumpleto may midnight snack, breakfast, at meryenda sa hapon. Abangers lahat. At
sa last day may rondalya pa! Parang piyesta.
Ngayon hindi na
nagagalit si Nanay kung magprito ko ng hotdog o magbukas ng corned beef kapag
Semana-Santa, andun na din ang evolution of consciousness niya ‘di ba? Hindi na
din siya nagagalit kung manood kame ng ibang pelikula gaya ng Saw (1-7
marathon) o magpatugtog ng “shine bright like a diamond” by Rihanna at Bad
Romance ni Lady Gaga.
Noon bawal na maligo
after 3pm ng Biyernes Santo, dugo na daw ni Kristo ang ipampapaligo mo. Bawal
din masugatan kaya bawal maglaro sa labas, hindi na daw gagaling forever kahit
gamutin mo pa ng Merthiolate, Betadine, at Agua Oxinada. Ngayon eto sa Biyernes
Santo nasa Beach kame, siguro aahon na lang sa dagat bago mag 3pm, hindi na
siguro masama ‘yun ‘di ba?
Subalit ang
nakaka-missed talaga ‘yung pagtungo ng buong barkada at mga kapitbahay sa
grotto na nakapaa lang, malayong lakaran ‘yun, tiyagaan. Minsan nga lang
nakakalito na kung mali ba ‘yun dinadaanan namin, may mga dala kasing bandera
‘yung mga grupong nakakasabay namin. ‘Di ko alam kung Mayo Uno ba nung time na
‘yun or what, parang may welga o rally e.
Mga mid-90’s ‘yun
kaputukan pa ng bangayan sa Metal, Punks, at Hiphop noon. Kanya-kanyang
bandera. May malaking A na may Bilog symbolizing Anarchy para sa mga punks,
inverted cross para sa mga pure blood death and black metal, at peace symbol
(‘yung parang Y na nasa loob ng bilog) naman sa mga hiphop. Habang nagmamartsa
papuntang grotto asaran ‘yan. Parinigan “Punks not dead!”, “Metal kalawang!”,
“Hiphop Luslos!”. Ulitin ko lang papuntang simbahan ‘yang mga ‘yan ha, pero
after naman na ng mass isasagawa ang rambol. Batuhan ng pillbox, basagan ng
mukha, hampasan ng sintrong de bakal.
Ay putangna buti na
lang mahusay ako umilag baka madamay ako, Black Sabbath t-shirt ba naman ang
suot ko e, naka-short na maong tastas ang dulo tapos naka-boots super high cut!
Isang nakakatuwang
experience pa nung rap-metal era, hiniram ng kapitbahay ko ‘yung pinagawa kong
sombrero closed cap ‘yun pinaburdahan ko ng “Korn” sa harap (baligtad ang R
niyan siyempre pa) tapos logo ng Major League Baseball sa likod (ala Fred Durst,
oo aaminin ko biktima din ako ng Teenage Angst Brigade noon). Gagamitin daw
niya pampuntang grotto. Pinahiram ko naman kaso hindi na bumalik, may nang
hablot daw habang naglalakad sila. Ulitin ko ule papuntang grotto ‘yun ha.
Kainam talaga, ambubuti.
Sa ngayon wala nang
ganun, cellphone na kasi ang hinahablot. Wala na ding rambol tuwing Mahal na Araw,
natapos na kasi ang ilang dekadang hidwaan ng mga punks, metal at hiphop.
Salamat sa mga makabagong technology natapos na ang gera, hindi na buryong at
aburido ang mga kabataan ngayon pagkat may pinagkakaabalahan na sila hindi
tulad noon ang iinit ng ulo.
As of now abala na ang
mga kabataan sa picture-picture, pa-picture sa grotto, sa tabi ng Mahal na
Birhen, group picture with Father and sakristan, sa tabi ng crucified and
bloody Jesus etc. tapos naka peace sign sa mata, matic post agad ‘yan with eternal
tagline “simba-simba din much”.
Marami nang nabago,
naiba. Wala na nga ding Easter Egg Hunt ngayon e, madami nang nawala, eto wala
na din akong masulat, wala na masabi. Wala na, pwede na lahat e, ngayon ang
Holy Week para na magbakasyon at magpahinga hindi na para mag-reflect at
magtika.
Pano hanggang dito na
lang ‘to enjoy kung saan man kayo lalamyerda o lalangoy! Ingat lang pamahiin
kasi ni lola nangunguha daw ng buhay ang mga dagat o ilog tuwing Semana-Santa
lalu na kung Good Friday (Verum Est: Totoo ba ito?). Happy long weekend!
Top 7 Movies to watch
ngayong Kwaresma habang nagpa-fasting…
- Stigmata
- The Body (starring Antonio Banderas)
- Monty Python’s Life of Brian
- Gabriel
- Dogma
- Constantine
- Huwag Mong Buhayin ang Bangkay
Eat Me, Drink Me
Mga etiketa:
concrete poetry,
drink,
eat,
Gen Thalz,
illustration,
me,
poem,
poetry
Lunes, Marso 25, 2013
TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (an FB broken serye by Gen Thalz)
episode
3 season 1: If You See “K”
Ang
Nakaraan… May kasabihan tayo diyan, “Past is Past” so who cares?
Animoy
Walter Sparrow ng The Number 23 movie ang peg ni Rogelio matapos ma-receive ang
“K” reply ni Genoveva. Pilit niyang dini-decipher kung ano ibig sabihin nun,
kung may kaakibat ba iyong emosyon? May kaukulang pahiwatig o palipad hangin
man lang sa kung anong tunay na nadarama ni Genoveva para sa kanya? Ang daming
katanungan ang bumalot sa kanya.
“Bakit
ganun ang reply niya? Ano kayang ginagawa o iniisip niya nung tinext niya ‘yun?
May kinalaman ba ‘to sa past life ko? May BF na ba siya? Dahil ba ‘to sa
Quantum Physics and Theory of Relativity or sa Law of Gravity? Tang ina ang
hirap! Kung gagamitan ng psychology, dahil ba ‘yun sa repressed childhood
memories niya kung meron man? Tangna talaga durog na durog na ko, mababaliw ako
kaylangan ko ng tulong…”
Nag-dial
ng number sa cellphone. “Di mo!”, biglang naalala hindi pala siya naka-unli
call. “Shet!”, kinansel ang call, nag-reg muna. Buti mabilis ang network
ngayon. Dial ulit. “Di mo alam dahil sayo ako’y ‘di makakain, ‘di rin makatulog
buhat ng iyong lokohin, kung ako’y muling ii-“. “Hello Chong! Sakto andito na
ko sa tapat ng pinto mo.”.
Agad
palang nagtungo sa bahay ni Rogelio si Jobert “as a friend”. At bilang kaibigan
naroon siya upang manggatong este sumaklolo.
Pagpasok
ni Jobert sa kwarto ni Rogelio magkahalong gulat at mangha ang kanyang nadama
sa kanyang nakita. “Wow chong eto ba papakita mo sakin? Asteeeg! May artistic
side ka pala hindi ko alam, lupet mo chong!”.
Nagmistulang
graffiti wall ang buong kwarto ni Rogelio. Tadtad iyon ng letter K. Iba;t-ibang
font size, font color, at fonts. Naubos niya ata lahat ng font style sa
Microsoft Word. Maski kama, unan, t.v. at bintilador meron.
“Chong
tulungan mo ko gusto ko malaman ano ibig sabihin at bakit ganun ang reply sakin
ni Genoveva? Letter K lang!”.
“E
chong baka dahil lang ‘yun sa kakapakinig niya ng Kpop? Or baka nagtitipid siya
sa load?”.
“Tang
ina na naman chong hindi ba uso sa kanya ang unlitext pareho naman kame ng
network!”
“Chong
baka busy siya nung nag-text ka, pwede din na nagmamadali siya, infinite
possibilities chong. Or baka tamad lang talaga siya mag-text, ganyan talaga mga
babae chong! Bakit kasi hindi mo tawagan unlicall ka naman?”
“Awkward
pa chong ‘di pa kame close e. Alam ko may something sa reply niya na ‘yun…”
“Pabasa
nga ule ng text niya chong?”. Inabot ni Rogelio ang cellphone na naka-open na
doon sa text ni Genoveva.
Ilang
sandali ding pinagnilaynilayan ni Jobert ang reply ni Genoveva. Bigla siyang tumayo at masinop na pinagmasdan
ang mga letter K na sinulat ni Rogelio sa pader, dingding, kisame, sahig at
kung saan-saan pa. Salitan ang kanyang tingin sa cellphone at sa mga sulat sa
kwarto.
Ano
ang natuklasan ni Jobert? Hanggang kaylan magdurusa si Rogelio? Karma ba niya
iyon dahil sa pamamana niya ng butiki gamit ang tingting ng walistingting at
gomang intsik para mas malakas ang tira nung kabataan niya? O dahil iyon sa
climate change na tinatamasa natin ngayon?
Sundan
ang mga kapanapanabik na rebelasyon, aligasyon, kasagutan, sampalan at
sabunutan dito lang sa Tilamsik sa Gabing Maligamgam…
Para
sa ating Question of the Day Promo:
“Anong
network ang gamit ni Rogelio?”
A.Globe
B.Smart
C.Sun
D.TM
E.Talk
and Text
F.Red
Mobile
Para
sumali i-comment lang ang inyong kasagutan together with your name, address,
signature, highest and lowest grade nung grade 6, favorite color ng Kabesa de
Baranggay sa inyong lugar, at lakipan ng iyong natatanging larawan (passport
size).
Andali
lang ‘di ba? Kaya ano pang inaantay mo? Sali na! At manalo ng naglalakihang
papremyo tulad ng African Elephant (for 1st prize), Bulldozer (2nd
prize), and billboard size poster ng promong ‘to (3rd prize).
Goodluck!
Mga etiketa:
drama,
episode,
fb serye,
gabi,
Gen Thalz,
maligamgam,
serye,
teleserye,
tilamsik,
tilamsik sa gabing maligamgam
Linggo, Marso 24, 2013
TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (a broken Serye by Gen Thalz)
*Disclaimer: Any
resemblance of all characters to real persons - dead or alive, situations,
places, quotations in this realistic and super passionate work of art is purely
coincidental and just used for creative purposes only.
(episode 2 season 1: Message Sent)
Babala: Ang susunod
mong mababasa ay makapanindig balahibo…
“Tunog ng kinakamot na
blackboard”
Nasa kamay na ni
Rogelio ang cellphone number ng kanyang natatanging Genoveva. Kung nagtataka ka
kung pano niya nakuha o nalaman ‘yun ay mamaya baka ipaliwanag niya in solo
shot, close up with matching dramatic symphony music on the background.
Hindi makapaniwala si
Rogelio, totoong nasa phonebook na niya si Genoveva. Ilang gabi na din siyang
hindi makatulog, nababalisa kung ano ang kauna-unahang mensaheng ite-text para
sa babaeng kanyang sinisinta.
Nakailang beses na
siyang type-bura-type-bura hanggang sa hindi niya namalayan na dire-diretso na
pag-type niya na para bagang may ispiritung nag ga-guide sa kanya.
“Hi Gen-gen. Musta u?
Aq ult 2 c Rogelio, Roges 4 short pro mas bet q Gelo pra same nicknme ntn start
with G hihi, oks b? Nkuha q pla 2ng # mu dun s tndhan s skool n pnglolodan mu,
aftr mu ilista # mu dun sa listahan ni manang pg alis mu ngplod dn aq, inbngan
tlga kta dun xenxa n ha bka sbhin u ini stalk kta pro hndi tlga pwamis, swear,
mamatay man bespren qng c Jobert. Wla lng kc q alam n ibng way pra mkuha # u,
sori ha sna d u glet. Abt nman dun s pm q syo s fb khit bgla u nag offlyn gus2
q mlaman u 22o lhat un. Mhal n mhal kta. Save u 2ng # q ha, w8 q reply m.
ngatzzz!”.
Click SEND, loading,
message sent.
Hintay reply.
Hintay…
Hintay…
Bulsa cellphone…
Tingin sa kaliwa-tingin
sa kanan.
Sumipol.
Check ang cellphone.
Binasa ulit ang
minesage.
Tinitigan ang screen
Hintay.
Hintay…
Tititit-ti-tit-tititit!
Tititit-ti-tit-tititit!
“Oh my gad shet nag reply
siya o! Kamusta naman ‘yun di ba? Eto na! ‘Yung tipong wala ka na pagasa pero
ayun e, ayun! Whoohoo!”, dali-daling binuksan ang message.
Halos mawala sa ulirat
si Rogelio nang mabasa ang reply ni Genoveva.
“K”
Capitalized, without
period, solid.
Saan hahantong ang
Karumaldumal, Kagimbal-gimbal, Kakilakilabot na reply na ito? Totoo kayang may
nabubuong Fibonacci Sequence sa mga numerong nalilista ng mga nagpapaload sa
mga loading stations?
Abangan…
Spot the Similarity
Mga etiketa:
blog,
Gen Thalz,
god,
post,
similarity,
spot,
walt disney
Biyernes, Marso 22, 2013
Preamble:
Imaginin mo nakasakay
ka sa fx, jeep, o bus. Medyo trapik, pagod ka at pauwi na. Walang music, ingay
at sari-saring tunog lang sa paligid ang maririnig. Dala ng low and slow vibes
ng gabing ito lumutang ang iyong kamalayan habang nakatanaw sa labas, hindi mo
namalayan na halos lahat ng naka-vandal sa daan, mga posters at billboards ay
binabasa mo. Mula doon nabuo ang isang conspiracy theory sa iyong subconscious
and conscious mind, “What if may mga hidden messages, subliminal messages, or
secret codes na naka-encrypt sa mga vandal-vandal at ad-ad na ‘yun? ”.
Nagsasalita ka na sa
isip mo. Tuluyan pang gumulong ang iyong bukas na diwa sa ideyang mind-control
ang mga nakatagong mensahe na ‘yun upang i-manipulate ang sambayanan sa kung
anong secret agenda meron “sila”. Naisip mo tuloy na responsibilidad mo at
nakasalalay sa iyong kamay na tukuyin, himayin, at analisahin ang mga mensaheng
iyon upang isiwalat at iligtas ang lahat sa tiyak na kapahamakan nang biglang
may nag “Hello” sa isa sa mga katabi mo na siyang bumasag sa iyong pantasya…
“Hello! Gutom na ko,
anong ulam natin? Hahaha sige-sige! Hahaha! Oy alam mo ba kanina…Ha? Teka eto
pababa na ko…”
Inihahandog ng Gen
Thalz Entertainment
In association with
Ex-Nihilo Studio and Delta-9 Production
Ang kauna-unahang
brutal drama serye sa kasaysayan ng digital world na tiyak na magpapaluha at
magpapakalma sa napapagal mong kalooban, ang…
“TILAMSIK sa GABING
MALIGAMGAM” (a broken serye)
Kinatatampukan nina…
Rogelio Bragancia bilang
ang Torpeng Lalaki sa Susunod na Pinto
Genoveva Putingsisiw
bilang ang Babaeng Haliparot pero Pakipot
Tampok din si Jobert as
a friend
Tilamsik sa Gabing
Maligamgam (episode 1 season 1: Midnight Private Message)
Ilang araw na lang
graduation na pero hindi pa din napagtatapat ni Rogelio ang kanyang tunay na
nararamdaman sa schoolmate na si Genoveva. Ni-makausap man lang ay wala, zero,
nada, buta. Parati na lang siyang daydreaming at stalking sa FB account nitong
belyas.
Subalit isang
hating-gabi, may kung anong lakas ng loob ang pumaimbulog sa pagkalalaki ni
Rogelio nung biglang mag-online si Genoveva habang tinititigan niya mga old
pics nito lalu na ‘yung mga summer photos.
“Oh my gad online
siya!”, napasigaw si Rogelio sa tuwa. “Eto na pagkakataon ko, kaylangan ko na
masabi ‘to bago man lang kame grumadweyt, ano kayang magandang banat…”
Napagisip si Rogelio ng
ilang sandali hanggang sa sinisimulan na niyang mag-type pagka-click ng name ni
Genoveva.
“Hi ako nga pala si
Rogelio, roges for short. Alam ko ‘di mo ko kilala pero schoolmate tayo. Lapit
na graduation no? Congrats satin! Alam ko awkward na dito ko sabihin ‘to pero
wala na ko ibang maisip na paraan e, nahihiya kong lapitan ka… Pero una pa lang
kita nakita nabighani na ko sayo siguro nga mahal na kita. OO mahal na nga kita.
Mahal na mahal higit pa sa buhay ko! Shet nasabi ko, sori. Hindi mali, seryoso
‘yan pramis!”, sabay click ng ENTER, mabilis at may halong diin. Tagumpay,
sent.
Biglang nag-offline si
Genoveva.
Saan hahantong ang
usapang ito?
Sundan…
Lunes, Marso 18, 2013
Biyernes, Marso 15, 2013
NURSERY RHYMES HIDDEN CRIMES
“Nursery rhymes
are said, verses in my head
Into my
childhood they're spoon fed
Hidden violence
revealed, darkness that seems real
Look at the
pages that cause all this evil”
~ Korn (Shoots and Ladders)
Naaalala mo pa
ba ‘yung mga panahon na mistulang bigote ng pusa ang bakat ng sipon mo sa
mukha, tag-libag ang leeg at kilikili na tipong pwede nang taniman ng kamote
kakalaro at kakakanta sa gitna ng kalye? Kung hindi na, malamang sign of aging
na ‘yan. Kung oo naman, malamang alam mo din ‘tong mga pambatang kanta na babanggitin
ko. Tara mga bata tuklasin natin ang hiwaga… (tutugtog ang I Love You song by
Barney)
Laos na ang
Angry Bird, Plants vs. Zombies, Farmville at ang Bad Piggies hindi nag-click
pero sariwa pa din sa aking balintataw ang mga laro noong araw (“noong araw”
talaga, halatang matanda na). Kung bakit bigla ko nag-nostalgic mode ay dahil
sa kaka-slice ko ng prutas sa larong Fruit Ninja, putragis hindi ko ma-beat
high score ng pamangkin ko! Bigla ko naisip ‘yung ilan sa mga kanta sa mga laro
noon, at ngayon ko lang natanto, ngayon mismo, eksakto-impunto 5:07pm March 15,
2013 Friday na kung hindi nonsense ay may pagka-morbid ang mga kantang ‘yun
kasama na ang ilan sa mga Filipino folk song.
Umpisahan natin
sa Nanay-Tatay Gusto Kong Tinapay.
Kung papansinin mo masyadong mautos ang kantang ‘to, at kung hindi ka sumunod
pipingutin ka sa tenga. Sort of childrens domination over the elders, in short
inuudyukan tayong maging spoiled brat.
Next ang Langit-Lupa-Impyerno. Despite sa fact na
metaphysical ang topic sa chant na ito na masyadong heavy para sa mga chikiting
ay ito ang pinakapopular sa lahat. Take note ang lyrics ha, “saksak puso tulo
ang dugo”, bayolente hindi ba? Wala pa kasing MTRCB noon. Mantakin mo bata pa
tayo ino-open na ang ating murang kaisipan sa 3 possible worlds and that death
is inevitable.
Subalit in reality,
soft pa talaga ‘yang dalawang kanta na ‘yan dahil kung brutality ang paguusapan
ay wala nang mas bubrutal pa sa Sitsiritsit
Alibangbang! Andun ang art of cursing, biruin mo “Kung ayaw mong
magpautang, Uubusin ka ng langgam”, napaka-rude hindi ba? Eto pa mas wicked ang
susunod na linya, “Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila, Ipagpalit sa
manyika.” saka “Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon, Ipagpalit sa
bagoong.”. Solid ang cruelness ‘di ba? Bata ipagpalit sa manyika, sanggol ipagpalit
sa bagoong. Taob ang lyrics ng mga brutal bands like Cannibal Corpse, Slayer,
and Slipknot!
‘Yung iba naman
medyo nagpreno. Hindi sila brutal pero sensual, tulad ng Si Nena Ay Bata Pa, Asawa ni
Marie, atsaka ‘yung may “Pulis-pulis titi mong matulis, bumbay-bumbay titi
mong matibay”. Meron pa ‘yung “Sabihin mo sa Nanay mo break na kame, nakita ko
panty niya ganun kalaki (momostra ng malaki)”.
At kung nonsense
na ‘tong mga pinagsasasabi ko e mas nonsense talaga ang Penpen de Sarapen. Masarap kantahin, catchy, at makulit ang mga
words pero don’t make any sense talaga.
Maski mga English
nursery rhyme may mga tinatagong dark messages din like Ring Around The Rosy, London
Bridge and many more.
Naku mukhang
inaantok na si baby sa kwento ko, sige kantahan na lang natin siya ng Rock-a-bye Baby.
“Rock-a-bye baby, on
the treetop, When the wind blows, the cradle will rock, When the bough breaks,
the cradle will fall, And down will come baby, cradle and all.”
So anong punto
ng artikulong ito? Simple lang ang ma-realize natin na mahirap hulihin ang
Alimango sa dagat pagkat ito’y nangangagat.
Bonus Question (isulat sa
kwaderno then i-send to all or GM sa mga textmates): “Totoo bang nangangagat ang Alimango?”.
Mga etiketa:
blog,
crimes,
essay,
Gen Thalz,
hidden,
hidden messages,
nursery,
post,
rhymes,
subliminal,
writing
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)