Ipinapakita ang mga post na may etiketa na writings. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na writings. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Setyembre 18, 2013

WALANG MASABE NGAYONG BUWAN NG SITYEMBRE!


“I write to empty my mind and to fill my heart.” ~ Paulo Coelho

Sobrang sang ayon at naka-relate kame sa tinurang ‘yan ni pareng Paulo, kumbaga “He nine inch nail it!”.  Totoo na kapag nai-release mo na ang mga nais mong sabihin ansarap sa pakiramdam ang gaan sa loob, para kang nakawala sa bulid at gapos ng mga sandamakmak na daldalang nagbabatikos sa isa’t-isa sa iyong isipan.

Subalit minsan sumasapit ang punto na wala talaga tayong masabi, walang maisulat para bang may naka-block. Eto ba ‘yung writer’s block? Lahat nakakaranas nito kahit hindi manunulat, kung minsan nga kahit magbuklat ka pa ng aklat sa pagbabakasakali na meron kang maaangkat mula roon ay para bang wala talagang pumapasok sa iyong utak. Nasobrahan ba sa pagka-empty o wala lang masabi?

Pero hindi about sa writer’s block condition ang sulatin na ito o sa pag-empty ng mind, sadyang wala lang talaga kameng maisulat o mapagusapan ngayong buwan ng Setyembre. Masyado naman na kasing gasgas kung tatalakayin pa natin o hihimayin ang mga conspiracies na bumabalot nung Martial Law na dineklara nung September 21, 1972. Let’s move on eka nga, dalamhati nga ni Billie Joe “Wake me up when September ends” pero pilit itong pinapaalala ng Earth-Wind & Fire in a dance-y-groovy tunes “Do you remember the 21st night of September?”

Ang hipster naman kung tungkol sa pork barrel. Ang gulo kung tungkol sa gera na nangyayari ngayon sa Zamboanga. Mooncake festival kaya? Hindi uubra, dehins pa nga namin natitikman ‘yun…

Wala talaga, nakailang tasang kape na, amoy sa singit at kilikili wala pa din masabi kundi “wow solve, solid! Paumbong na pinakurat!”. Hindi mapakali, alumpihit sa upuan, uneasy ang pakiramdam. Bakit ganto? Kung ano-ano na tuloy nasasabi sayo.

Eto siguro ang reverse ng quote ni Paolo Coelho, “When you write with empty mind, it troubles your heart.”, ambigat sa dibdib e. Nakakabanaag. Nakakabagabag.

Kaya siguro ititigil na namin ang kabuangang ito, sumasakit lang ang aming ulo, bawi na lang sa mga susunod na linggo at baka sakaling may matanto. Tatambay na lang muna kame sa kanto doon sa may bahay na bato kila mang Berto.

Pero eto biglaan lang. On the spot joke. Bigla lang naming naisip dahil sa mga words na Tambay, Kanto na ka-rhyme ng Trabaho, at Puso na tagalong ng Heart. Please pabigyan at tawanan mo na, may maisulat lang talaga.

Nanay: Alfredo! Walangya kang bata ka, panay ang twerking mo dyan maghanap ka ng trabaho ngayon din!!!

Alfredo: Nay ang trabaho parang pag-ibig, hindi ‘yan hinahanap bagkus kusa itong darating nang hindi mo inaasahan.

Nanay: Ay punyetang bata to napakapeste mong hinayupak talipandas ka!

Pwede na din di ba? Hindi na masama. May maisulat lang. Hindi ka man natawa, nagalak naman ang aming puso sa pagkaka-release ng pambihirang joke na ‘yan sa aming mura at sariwang kaisipan ;)

Pano hanggang dito na lang muna ‘to, next issue ule. Nyt






Lunes, Hulyo 15, 2013

BRA AND PANTY VS. TWO PIECE BIKINI




Nairaos kamakailan lang ang FHM 100 Sexiest Women in the Philippines 2013 at talaga namang umulan ng mga naggagandahan at nagsesexihang katawan! Sana next time gawin nilang 1000 sexiest women para solid one to sawa talaga…

Subalit ang ikinakabagabag namin ay kung bakit may mga kababaihan na ayaw masilipan ng bra o panty pero kung makapagsuot ng two piece bikini sa beach, kita pa minsan ang kuyukot at singit e proud na pround, magpapa-picture tapos ipo-post pa sa mga social network sites para mas maraming makakita at para ito ay komentan o i-like, bakit? Dahil ba akma naman sa beach ang bikini kaya ok lang? Pero public places din naman ang mga beach maliban kung nasa private pool ngunit ganun pa din kasi ipo-post din sa internet ang mga pictures. Ah kasi yung bra and panty pang bahay lang talaga at pamproteksyon o support sa private part kaya hindi pwede ipakita sa madla o sa lansangan? Ngunit maski garter man lang kasi nito ayaw nila pakita talagang tatakpan, siguro nahihiya, longga na kasi…

Wirdo nga e, kapag nabosohan ng panty ang isang artistang babae halimbawa o tipong nagpe-perform sya at biglang tumaas ang palda kita panty instant controversy ‘yun na para bang nakakahiya o nakakatawa. Kasi nga nasilipan sya ng panty which is hindi dapat? Pero ‘yung same girl na ‘yun ay nagsusuot din naman ng two piece bikini sa mga movie, tv, and magz. Anong pinagkaiba nun? May bayad kasi ‘yung pagsuot nya nun? ‘Yung tela ba? O isa lamang itong social upbringing at media programming?

Ganun din kasi kahit sa mga ordinaryong kababaihan tulad nito, “Tang ina pare nakasabay ko kanina sa jeep ‘yung classmate natin si ano _____________ nakabukaka sa harap ko kita panty kulay maroon!” na para bang nasilayan na niya ang buong kalangitan kung makapagkwento sa kaklase. Syempre hindi magpapatalo ‘yung kaklase, “Sarap naman! Nakita ko nga picture nya last summer kagabi sa FB, anseksi tol!”. Natural hindi papayag ‘yung nakaboso ng panty ni ano __________ na maungusan sya ng kaklase, siya dapat bida e. “Wala ‘yan chong, ‘yung sakin live e sa harap ko mismo…”.

Marahil mas secretive at mas private kasi ang datingan ng panty kesa bikini kaya mistulang sacrilege o blasphemy ito kapag nasilip ng kung sino. Naitanim na din kasi sa ulirat natin na ang bikini ay pang swimming at ang panty pang akit sa partner. Pero ano pa man suot ng partner mo sa kama huhubarin pa din ‘yan.

E ano kaya kung bra at panty naman ang suot ng mga babae sa beach or pool o mag papic lang ng naka bra at panty kaht sa loob ng kwarto lang ba ganun or pag bagong bili undies nila at i-post din sa internet? Sana may makaisip gawin 'yun maiba lang…

Lunes, Hulyo 1, 2013

Our book is now available (Fully Booked Branches)

The Secret Book of the Philippines is now available at the following Fully Booked branches:

Bonifacio Global City
Bldg. 6
902 Bonifacio High Street
Bonifacio Global City
1634 Taguig City

Rockwell
Level R3, Shop 330
The Powerplant Mall
25 Lopez Dr., Rockwell
Center 1211 Makati City
Metro Manila

and

Greenbelt
Ayala Center
Makati City


Linggo, Hunyo 23, 2013

Episode 12: “Where You End I Begin”


Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

~Ang Katapusan~

Ang Nakaraan…  
                                                             
Sa sobrang tagal maaari itong makalimutan at hinding-hindi na kaylan man matandaan. Hindi na nga ba talaga matandaan ang nakaraan o hindi na lang alam kung papano duduktungan?

Pero syempre tulad ng napagkasunduan na huling kabanata, narito na ang katapusan. Katulad din ng lahat ng bagay sa mundo, lahat may hangganan, lahat may wakasan…

Parehong naospital si Rogelio at ang guy na nakabukas ang polo na may sandong fit sa loob. Ang kanilang maaksyong suntukan ay nauwi sa malagim na kapinsalaan subalit mas malala ang lagay ng guy na nakabukas ang polo dala ng pagkakapukpok ng bato ni Genoveva sa kanyang ulo. Halos mag 50-50 ang guy na ‘yun at ma-comatose.

Ilang buwan na syang nakaratay sa banig ng karamdaman habang si Rogelio makalipas ang dalawang linggo ay naka-recover na dahil syempre ‘yon sa mapagmahal na alaga ni Genoveva at palakaibigang asikaso ni Jobert as a friend kahit na may plaster of paris pa syang puno ng vandal ng mga kaibigan, kaklase, kaanak at mga kapitbahay sa kanyang nakomang na braso dala ng pagkakatapak-tapak sa kanya ng mga nagsasayaw habang sya’y nakahandusay sa dance floor.

Isang mahangin at ‘di kainitang araw habang naglalambingan si Rogelio at Genoveva sa may bakuran, nagkakatuwaan sila kasama si Jobert as a friend na komang, pinagkukwentuhan nila ang mga masasayang nagdaan nang biglang isang nakakagulat at malakas na ring ng cellphone ang bumasag sa kaunti nilang kasiyahan. “Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg!!!”

“Hello???”, nagtataka at medyo gulat na sagot ni Rogelio habang nakatingin lang sa kanya ang dalawa, nagaabang.

“Yes speaking.”

“Opo kilala ko po. Opo-opo kilala namin.”

“Ha? Ay yes andito po kasama ko sila ngayon. Eh-“

“As in ngayon na?”, pa-hesitate na tugon ni Rogelio sa kausap habang nakakunot na ang noo ni Genoveva at Jobert as a friend na komang na sa kawa-wonder na may halong pagkainip na malaman kung ano kaya ang pinaguusapan at sino ang kausap ni Rogelio sa cellphone.

“San po ulet?”

“Ah yes opo alam po namin ‘yan. Sige po punta kame diyan.. eh-“

“As in ngayon na mismo talaga? Gano daw ba kaimportante?”

“Ah sige-sige po papunta na kame mga after 30mins.”

“Ok. Sige po thank you bye.”

Nakatitig ang dalawa kay Rogelio naghihintay ng makabuluhang impormasyon.

Mga ilang Segundo din muna ang lumipas bago nakapagsalita si Rogelio, huminga muna sya ng malalim ‘yung tipong muntik na siyang hindi maka-exhale sa sobrang lalim.

“Guys need natin pumunta sa ospital.”

“WHAT?!”, oa na sigaw ng dalawa.

“Pinapapunta daw tayo nung guy na nakasuntukan ko sa bar, ano ba name nun?”

“Hindi ko din alam first meet namin dun nun may sasabihin daw sya tapos nung sasabihin pa lang niya name niya bigla ka umeksena kaya ‘yun ‘di na nya nasabi…”, maliwanag na paliwanag ni Genoveva. “Bakit daw ba?”

“May importante daw sasabihin sa atin sabi nung nurse na kausap ko.”, sagot agad ni Rogelio.

“E baka ‘yun ang sasabihin niya sa atin kung anong name niya?”, proud na hirit ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Hindi mukhang seryoso e.”, malumanay na tugon ni Rogelio.

“Guys baka gaya ‘to ng mga napapanood ko sa tv na tipong mamamatay na ‘yung may sakit tas may ibibilin sa atin na misyon o kayamanan, chance na natin ‘to yes!”, proud ule na hirit ni Jobert as friend na komang na.


“Ano pang inaantay natin?”, patanong na kayag naman ni Genoveva.

“Tara.”, nagiisip na sagot naman ni Rogelio.

Hindi na ilalahad dito kung pano sila naglakad papuntang kalsada, pumara ng jeep pero puno lahat kaya napilitan silang mag-taxi na lang papuntang ospital, mabilis ang byahe hindi gaanong trapik. Natural ambagan sa pamasahe P150.00

Pagdating sa kwarto ng guy na nakabukas ang polo, agad silang pinapasok ng nurse na nagbabantay rito.
“Ma…ma…bubu…ti..naka…kaka..ra..ting..kayo.”, nangangatal at hirap-hirap na pagbati sa kanila ng guy na nakabukas ang polo.

“Oo nagmadali nga kame. Kamusta ka na?”, tugon ni Rogelio.

“Hihin…di…na…mahalagagaga…’yon…Ang im…im…por…tatatatan…te…ay mala…mamaman…nyo na hindididi…pwede… maging kakakayo..”, medyo paangil na sabi ng guy na bukas ang polo.

“Hanggang ngayon pa din ba hinahadlangan mo kame? Tama na please… Ang importante gumaling ka at makalabas dito.”, slightly imbyernang sagot agad ni Genoveva.

“Tama sya pare. ‘Wag mo na muna isipin ‘yon, importante lumakas ka…”, segunda ni Rogelio habang si Jobert as a friend abala sa pagdu-doodle sa plaster of paris nya sa braso.

Dinalahit ng ubo ang guy na nakabukas ang polo, hinamas naman agad nila Rogelio ang kanyang umbok na dibdib. Pinipilit nung guy na makapagsalita at mai-deliver ng maayos ang susunod niyang linya.

“Hi-hindi nga pu-pwede maging kayo dahil magkapatid kayo!”, sabay ubo ule na animoy may TB ang guy na may bukas na polo.

Gulat na gulat naman ang tatlo pati na din ang nurse na nakikiusyoso sabay-sabay sila malakas, malagong “WHAAAT!!!”

“Oo tama ang narinig nyo (ubo), magkapatid kayo at kapatid nyo din ako. ‘Yun ang dahilan kung bat ako nandito at yun din ang sasabihin ko sayo sa bar Genoveva. Magkakapatid tayong tatlo…(ubo-ubo-ubo)”, pagpapatuloy ng guy na nakabukas ang polo.

“Papa- She- Hindi ako makapaniwala!”, sigaw ni Genoveva.

“Oh my gad! May nagya- shet o hindi! Bakit hindi mo agad sinabi?!!!”, may halong suklam sa sariling sigaw naman ni Rogelio.

“Ang askad mo kasi bigla ka umeksena nagtatakbo ka pa nung inawat ko kayong maglaplapan.”, paliwanag ng guy na nakabukas ang polo.

“Pare totoo ba ‘yan? Panong nangyari na naging magkakapatid kayo?”, taking tanong na sabat naman ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Nagkahiwa-hiwalay kame nung mga bata pa kame. Dinala sa ampunan at muola doon nagkalayo-layo kame ng landas dahil iba-ibang pamilya ang umampon sa amin… Ilan taon ko kayong hinanap mga kapatid ko salamat na lang sa facebook na-search ko kayo tinaype ko lang name nyo lumabas agad. At tyak naman akong kayo nga ‘yan dahil na din sa sandamakmak nyong photos at pagpost ng lahat ng nangyayari sa inyo. Thank Lord talaga nagkita-kita tayo.”

Isang rebelasyon ang gumimbal sa tambalang GeloGen, papaano na ang mga nangyari sa kanila? Ano ang magiging hitsura ng kanilang anak kung sakali man ngayong magkapatid sila dugo’t laman? Sa tono ng mga tanong na ‘to may mga kasagutan pa kaya ito gayong sinabi na sa unahan na ang episode na ‘to ay ang katapusan na?

Napakarami pang sinasabi subalit ang totoo ay hindi na lang alam kung pano pa tatapusin ang kwentong ‘to. Katulad na lang kaya ng kanta ng Parokya na bigla na lang mawawala o mag-fadeout na lang kagaya ng style ng mga songs nung 80’s na tipong pahina

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina.

Hanggang sa hindi mo na lang mabasa…

O maaninag man lang.

Ayod ‘di ba?

End.





Martes, Oktubre 23, 2012

The Secret Book of the Philippines

10-24 10:24 eto na ang itinakdang panahon. A secret is already out in the market pagkat The Secret Book of the Philippines by Gen Thalz is now available! Mabibili ito sa lahat ng Centralbooks branches nationwide sa halagang Php 150 only. Dali grab na at 'wag nang magpahuli! :)    http://www.facebook.com/genthalzspace