“I write to empty my
mind and to fill my heart.” ~ Paulo Coelho
Sobrang sang ayon at
naka-relate kame sa tinurang ‘yan ni pareng Paulo, kumbaga “He nine inch nail
it!”. Totoo na kapag nai-release mo na
ang mga nais mong sabihin ansarap sa pakiramdam ang gaan sa loob, para kang
nakawala sa bulid at gapos ng mga sandamakmak na daldalang nagbabatikos sa isa’t-isa
sa iyong isipan.
Subalit minsan
sumasapit ang punto na wala talaga tayong masabi, walang maisulat para bang may
naka-block. Eto ba ‘yung writer’s block? Lahat nakakaranas nito kahit hindi
manunulat, kung minsan nga kahit magbuklat ka pa ng aklat sa pagbabakasakali na
meron kang maaangkat mula roon ay para bang wala talagang pumapasok sa iyong
utak. Nasobrahan ba sa pagka-empty o wala lang masabi?
Pero hindi about sa
writer’s block condition ang sulatin na ito o sa pag-empty ng mind, sadyang
wala lang talaga kameng maisulat o mapagusapan ngayong buwan ng Setyembre.
Masyado naman na kasing gasgas kung tatalakayin pa natin o hihimayin ang mga
conspiracies na bumabalot nung Martial Law na dineklara nung September 21,
1972. Let’s move on eka nga, dalamhati nga ni Billie Joe “Wake me up when
September ends” pero pilit itong pinapaalala ng Earth-Wind & Fire in a dance-y-groovy
tunes “Do you remember the 21st night of September?”
Ang hipster naman kung
tungkol sa pork barrel. Ang gulo kung tungkol sa gera na nangyayari ngayon sa
Zamboanga. Mooncake festival kaya? Hindi uubra, dehins pa nga namin natitikman ‘yun…
Wala talaga, nakailang
tasang kape na, amoy sa singit at kilikili wala pa din masabi kundi “wow solve,
solid! Paumbong na pinakurat!”. Hindi mapakali, alumpihit sa upuan, uneasy ang
pakiramdam. Bakit ganto? Kung ano-ano na tuloy nasasabi sayo.
Eto siguro ang reverse
ng quote ni Paolo Coelho, “When you write with empty mind, it troubles your
heart.”, ambigat sa dibdib e. Nakakabanaag. Nakakabagabag.
Kaya siguro ititigil na
namin ang kabuangang ito, sumasakit lang ang aming ulo, bawi na lang sa mga
susunod na linggo at baka sakaling may matanto. Tatambay na lang muna kame sa kanto
doon sa may bahay na bato kila mang Berto.
Pero eto biglaan lang.
On the spot joke. Bigla lang naming naisip dahil sa mga words na Tambay, Kanto
na ka-rhyme ng Trabaho, at Puso na tagalong ng Heart. Please pabigyan at
tawanan mo na, may maisulat lang talaga.
Nanay: Alfredo!
Walangya kang bata ka, panay ang twerking mo dyan maghanap ka ng trabaho ngayon
din!!!
Alfredo: Nay ang
trabaho parang pag-ibig, hindi ‘yan hinahanap bagkus kusa itong darating nang
hindi mo inaasahan.
Nanay: Ay punyetang
bata to napakapeste mong hinayupak talipandas ka!
Pwede na din di ba?
Hindi na masama. May maisulat lang. Hindi ka man natawa, nagalak naman ang aming
puso sa pagkaka-release ng pambihirang joke na ‘yan sa aming mura at sariwang
kaisipan ;)
Pano hanggang dito na lang muna ‘to, next
issue ule. Nyt
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento