Sabado, Marso 30, 2013

Spot the Similarity

Now Showing...

Clue: "Hey! Hilarious love-bites."


TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (an FB broken serye by Gen Thalz)


Ang Nakaraan…

Nag-register sa unlicall si Rogelio upang matawagan ang bespren na si Jobert “as a friend”, at bilang kaibigan nga, daglian itong sumaklolo sa naghihimutok na kaibigan…

episode 4 season 1: “Yakap sa Dilim”

“Ohmagad!”, sigaw ni Jobert as friend. “What the fuck dude?”, gulat naman ni Rogelio.

“Shet chong! Base dito sa text ni Genoveva sayo at sa mga sulat mo sa kwarto, na-realize ko na pang labing-isa sa English Alphabet ang letter K! At alam mo ba ibig sabihin nun chong?”, napalunok si Jobert as a friend.

“Alam ko na ‘yan, eleven, number of synchronicity…”, buntong hininga ni Rogelio.

“Exactly chong! It means one mind kayo, one soul, one heart! Bet mo?”, galak na bulalas ni Jobert as a friend.

“Haaay…”, sagot lang ni Rogelio.

“Furthermore K ang letrang ginamit nila Bonifacio para sa kanilang secret society. KKK. Code ‘yun chong code! Tatlong eleven! 11+11+11 = 33, thirty-three or 33rd degree, the highest degree in Freemasonry!”, naghuhumiyaw na sabi Jobert as a friend.

Napabalikwas naman itong si Rogelio sa kinauupuan. “What do you mean chong?”

“Ibig sabihin installment ‘tong text ni genoveva sayo chong! Need mo pa maka-receive mula sa kanya ng dalawa pang ‘K’ reply to form KKK or 33rd degree, at pagnangyari ‘yun…”, habang hinihimas ang goatee.

Sumabat agad si Rogelio. “Ibig sabihin mahal niya ko! Highest degree means highest feelings! KKK, three K means I Love You! Whoohoo! Mahal nga din niya ko!”

“Hindi lang ‘yan chong maaari ka pa niyang ayain sa tinatawag na KKK (Kataas-taasan, Kadulu-duluhan, Kadilim-diliman) secret place ng sinehan sa first ever date nyo!”

“Tama-tama! Whoohoo! Salamat chong mataas na ule self-esteem ko!”

“What are friends are for?”, naluha habang niyayakap ang kaibigan.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

“Oh my ghad…M2M!”, nabitiwan ng ermat ni Rogelio ang dala-dalang meryenda.  

Nagkalansingan ang nabasag na pitsel at baso kasama ng platito.

“Ma!”, gulat na sigaw ni Rogelio.

Agad niyang pinuntahan ang ermat, hinihimas-himas sa likod.

“Oh my ghad…oh my ghad…hinde…ang anak ko…oh hinde!”, tulala nakatingin sa kawalan.

“Ma! Ma!”

“Hindi ‘to maaari, ano na sasabihin ng pa- nila- oh my ghad! Hinde…”

“Ma let me explain!”

“Tita mali po ang inaakala niyo…”

“Sapat na ang nakita ko. Oh my ghad hindeee! (nilamukos ang mukha at buhok) Anak ano ba naging pagkukulang namin sayo?! Hindeeee!”. Humahagulgol na ang ermat.

“Ma ano ka ba? Mali sabi ang iniisip nyo!”

“Oo nga tita…wala po kameng rela-”

“Hinde! Ayoko na marinig mga plaiwanag nyo. Makakarating agad ‘to sa papa mo Rogelio Bragancia Jr. pati sa parents mo Jobert!”, nanggagalaiti na bitaw ng ermat.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Rogelio.

Sino ang nasa likod ng pagtawag na ito? Totoo nga kaya ang hinala ng ermat ni Rogelio tungkol sa kanila ni Jobert as a friend na SO o Secret On sila? Hanggang kaylan magaantay ng dalawa pang K reply ni Genoveva si Rogelio upang mabuo ang KKK at masabi sa sarili na mahal nga din siya nito? Mahimasmasan pa kaya sa pagkawindang ang ermat ni Rogelio? Bakit kasi hindi nila ni-lock ang pinto bago magyakapan? Alin ang alin? Ano ang ano? Sino ang sino?

Abangan ang mga eksplosibo at naglalakihang kasagutan sa mga eksklusibong tanong na nanganganak nang nanganganak pa ng panibagong tanong dito lang sa nagiisang brutal drama serye sa internet ang… Tilamsik sa Gabing Maligamgam.

Para sa karagdagang katanungan…

“Anong meryenda ang dala-dala ng ermat ni Rogelio?”

*Available soon

- Tilamsik sa Gabing Maligamgam on HD, DVD and 4D format.

- Tilamsik sa Gabing Maligamgam OST on CD and Mp3 (in 5.0 dolby surround sound).

- and Tilamsik sa Gabing Maligamgam Magic Tumbler and Memorable Keychain.
   


                          





Teenage Angst Brigade

iLLUSTRATION no. 26 (doodle):

"Teenage Angst Brigade"

*Recovered from my old notebook, exact date unknown, skateboard and rap-metal era. Doodled during class boredom or when your teacher talking about the things he/she too don't even know.


Poignant

iLLUSTRATION no. 25 (doodle):

"Poignant"


The Hunt For The Easter Egg Hunt


Mabuhay! At muli na namang nabuhay si Kristo, buhay na naman tayo, tapos na ang pagtitika, nagwakas na din ang pagdurusa. Pasko ng Pagkabuhay, Easter Sunday ano man ang iyong katawagan iisa lang ang nilalaman – takdang araw upang hagilapin ang mga itinagong Easter Eggs ng Easter Bunny.

Bagamat unti-unti nang nawawala ang ganitong kaugalian at tradisyon may mangilan-ngilan pa din ang nagsasabuhay nito. Malimit na lang ‘to minsan sa mga malls,  munisipyo, at bara-baranggay. Masaya din naman lalu na pag may loko kang kapitbahay na magse-setup ng lata ng Bona sa mga lugar na pinaghihinalaang itinago ang Easter Egg. Pagtungkab mo ng takip higit pa sa Jack-in-the-box at Barrel Man ang supresa! Kaboom! Splat! Parang sumabog na septic tank.

Ang tanong ng bayan, “Ano ang kinalaman ng itlog at kuneho sa muling pagka-buhay ni Kristo?”. Napahapyawan na ‘to sa The Secret Book of the Philippines pero singit lang talaga kaya eto medyo palawigin natin.

Ano nga bang kinalaman ng egg and rabbit/hare sa Easter Sunday? Alam nating lahat na mahilig sa tinapay si Jesus pero wala ata ko nabasa si bibliya na nagpalaman siya ng itlog or may pet siyang kuneho, ewan lang siguro hindi naisulat. 

Madaming paliwanag ang Christians and Catholic ukol rito tulad ng Egg is symbolizing new beginning, seed of life, re-birth. Naniniwala ang ancient Rome na lahat ay nagsimula sa itlog, tama nga naman sperm cell + “EGG” cell = humans. At saan galing ang sperm cell? Sa itlog! In english Scrotum, sa salitang kalye Betlog, Beklog, Jetlog, BAYAG.

Sinisimbolo din daw ng egg or “egg hatching” to be exact ang pag-rise or the Risen Jesus from the tomb, the cracked of the egg being the tomb opening. Sa madaling salita, Easter Sunday simply means New Hope and New Life matapos ang ilang araw na pagpaparusa sa sarili, pagre-reflect, contemplate, beach, sunbathing, and strolling.

How about the Easter Bunny? Nung ancient times daw kasi pinaniniwalaan na hermaphrodite ang mga rabbits meaning kaya nilang mag-reproduce kahit hindi nadodonselya or hindi nade-devirginized, in short para daw si Virgin Mary. Ganun lang kasimple.

Common notion na na symbol of fertility and spring ang Easter Egg at Easter Bunny (capable ang rabbits for multiple births) subalit kung babalik tayo sa ancient Babylon, sacred ang kuneho sa ilang pagan belief dahil mahilig sa rabbit ang god nilang si Tammuz.

Pinagdiriwang rin nila ang pagkamatay nito nang hindi kumakain ng karne lalu na ng baboy dahil wild boar daw ang nakapatay ke Tammuz.

E sino nga pala si Tammuz?

Bugtong na anak siya ni Ishtar (originally pronounced as Easter). Ayon sa pagan belief noon, lumabas si Ishtar a.k.a Astarte, Eastre, Queen of Heaven, Goddess of Fertility, Goddess of Spring and Sexual Love sa isang Egg na nalaglag sa Euphrates river mula sa Moon. Tinawag nila itong “Ishtar’s Egg”. Nabuntis si Ishtar through sunbeam ng Sun-God na si Baal a.k.a. Baalim, Molech, God of Fire. At si Tammuz (the promised seed, the savior - promised by God) nga ang naging bunga ng supernatural lovemaking virgin birth na ito.  

Naniniwala din sila na nag-resurrect at nag-ascend si Tammuz sa sun kapiling ang kanyang ama, tawag nila rito “Ishtar’s Sunday” na pinagdiriwang with eggs and rabbits.

At dahil nga pig ang nakapatay ke Tammuz, pig din ang handa nila sa okasyon na’to, gantihan lang ba kumbaga.

Kaya’t ano pang inaantay natin, ngayong Pasko ng Pagkabuhay atin din ipaghiganti si Tammuz laban sa mga babuy! Lantakan na ang lechon, lechon de leche, lechon kawali maging ang chicharon ‘wag palampasin! Kapit lang Tammuz igaganti ka namin! (background music “Sarsa Platoon [Galit Kami sa Baboy]” by Datu’s Tribe)

*Lyrics

Libu-libong liempo
 Daan-daang pige
 Mag-ingat kayong mga baboy kayo
 Parating na kami

 [Chorus]

 Kami, mga alagad
 Mga alagad ni Mang Tomas
 Kami, mga alagad
 Mga alagad ni Mang Tomas

***Karagdagang Kaalaman (Trivia)

- Did you know that the largest egg on record weighed 2.589 kg (5 lb 11.36 oz) and was laid by an ostrich (Struthio camelus) at a farm owned by Kerstin and Gunnar Sahlin (Sweden) in Borlänge, Sweden, on 17 May 2008. (Guiness World Record)



- Darius, the world's biggest rabbit who is 4ft 4inches and weighs a whopping 3.5 STONE. He already held the title of world's biggest rabbit but has now smashed his own record after vets measured him a month ago and realised he had had grown another inch. (Guiness World Record)


 
- The largest scrotum in the world as of February 2013 is owned by (sadyang hindi pinangalanan upang protektahan ang kanyang katauhan). Size (unmeasurable).

                                                        [photo not fit on screen]





Miyerkules, Marso 27, 2013

HOLY WEEK NOON at NGAYON:




*ang susunod mong mababasa ay base at hango sa tunay na buhay…

Nung kabataan ko ayokong-ayoko sumasapit ang Mahal na Araw, hindi naman sa antikrismo ako kundi dahil sa napakarami lang kasing bawal noon, grabe ang sikat ng araw, at walang magawa, as in. Patibayan talaga sa pagkainip, buryong, at aburido sa init. Walang mapanood sa t.v. meron man marathon ‘yun ng Bible In The Beginning, Ten Commandments, Jesus of Nazareth, Ben Hur etc. at kung may cartoons tiyak The Flying House ‘yun or cartoon version ng mga nabanggit na pelikula sa itaas.

Mapagkakasunduan naman ng pamilya namin na manood na lang ng vcd or vhs na ni-rent bago pa mag Holy Week. Alam mo na kung ano ang ni-rent, mga pelikula din na nabanggit sa taas.

Wala din makausap sa telepono at wala din matambayan dahil nasa probinsya ang tropa. Walang mapakinggan sa radyo kundi puro bible explorations, preachers, at audio version ng mga pelikulang nabanggit sa taas. Bawal naman magpatugtog ng tape, or cd dahil bawal mag ingay or magpatugtog ng kahit anong music. Wala kang ibang ingay na maririnig kundi ang alingawngaw sa megaphone ng mga lolang nagpapasyon kaya para maka-survive makikikanta na lang din.

“Nang si Hudas ay madulas tatlong balbas ang nalagas…”

Lumabas ka man para mamasyal o magpalamig, sarado lahat ng mall, parang may epidemya sa karsada napakadalang ng tao, walang trapik.

Pero nakaka-missed din pala ‘yung ganun. Ngayon kasi andami nang mapaglilibangan ng tao, cellphone, tablet, at eto nga computer and internet. Andali na din mahagilap ng tropa, may GPS na at Google map. Iba na din ang palabas sa t.v., swerte pa may cable na, open mga istasyon sa radyo, pwede na mag patugtog ng na-download na mp3 at manood ng downloaded movies. Basag ang tanikala at pagkagapos sa boredom. Bukas na din ang ilang mall, at dahil sa climate change medyo malamig na ang panahon, umuulan-ulan pa sa ilang karatig na lalawigan ‘wag ka.

Na-realized ko mas boring pala ngayon kumpara noon. Andun ang sakripisyo talaga ng tao noon, pagpipigil, at pagtitika. May challenge. Pakadaming bawal in 3 days, kulang na lang bawal huminga.

Bawal kumain ng paborito kong karne. Naalala ko kapag Kwaresma hindi talaga namamalengke si Nanay, umaasa lang kame sa pakain sa Pabasa. Makikipila para sa sarsyadong isda, munggo, pansit, sopas, at eskabeche. Ambagan ‘yun ng magkakapitbahay simula ng Maundy Thursday night ‘yan (dinner) hanggang Black Saturday (lunch). Kumpleto may midnight snack, breakfast, at meryenda sa hapon. Abangers lahat. At sa last day may rondalya pa! Parang piyesta.

Ngayon hindi na nagagalit si Nanay kung magprito ko ng hotdog o magbukas ng corned beef kapag Semana-Santa, andun na din ang evolution of consciousness niya ‘di ba? Hindi na din siya nagagalit kung manood kame ng ibang pelikula gaya ng Saw (1-7 marathon) o magpatugtog ng “shine bright like a diamond” by Rihanna at Bad Romance ni Lady Gaga.

Noon bawal na maligo after 3pm ng Biyernes Santo, dugo na daw ni Kristo ang ipampapaligo mo. Bawal din masugatan kaya bawal maglaro sa labas, hindi na daw gagaling forever kahit gamutin mo pa ng Merthiolate, Betadine, at Agua Oxinada. Ngayon eto sa Biyernes Santo nasa Beach kame, siguro aahon na lang sa dagat bago mag 3pm, hindi na siguro masama ‘yun ‘di ba?

Subalit ang nakaka-missed talaga ‘yung pagtungo ng buong barkada at mga kapitbahay sa grotto na nakapaa lang, malayong lakaran ‘yun, tiyagaan. Minsan nga lang nakakalito na kung mali ba ‘yun dinadaanan namin, may mga dala kasing bandera ‘yung mga grupong nakakasabay namin. ‘Di ko alam kung Mayo Uno ba nung time na ‘yun or what, parang may welga o rally e.

Mga mid-90’s ‘yun kaputukan pa ng bangayan sa Metal, Punks, at Hiphop noon. Kanya-kanyang bandera. May malaking A na may Bilog symbolizing Anarchy para sa mga punks, inverted cross para sa mga pure blood death and black metal, at peace symbol (‘yung parang Y na nasa loob ng bilog) naman sa mga hiphop. Habang nagmamartsa papuntang grotto asaran ‘yan. Parinigan “Punks not dead!”, “Metal kalawang!”, “Hiphop Luslos!”. Ulitin ko lang papuntang simbahan ‘yang mga ‘yan ha, pero after naman na ng mass isasagawa ang rambol. Batuhan ng pillbox, basagan ng mukha, hampasan ng sintrong de bakal.

Ay putangna buti na lang mahusay ako umilag baka madamay ako, Black Sabbath t-shirt ba naman ang suot ko e, naka-short na maong tastas ang dulo tapos naka-boots super high cut!

Isang nakakatuwang experience pa nung rap-metal era, hiniram ng kapitbahay ko ‘yung pinagawa kong sombrero closed cap ‘yun pinaburdahan ko ng “Korn” sa harap (baligtad ang R niyan siyempre pa) tapos logo ng Major League Baseball sa likod (ala Fred Durst, oo aaminin ko biktima din ako ng Teenage Angst Brigade noon). Gagamitin daw niya pampuntang grotto. Pinahiram ko naman kaso hindi na bumalik, may nang hablot daw habang naglalakad sila. Ulitin ko ule papuntang grotto ‘yun ha. Kainam talaga, ambubuti.

Sa ngayon wala nang ganun, cellphone na kasi ang hinahablot. Wala na ding rambol tuwing Mahal na Araw, natapos na kasi ang ilang dekadang hidwaan ng mga punks, metal at hiphop. Salamat sa mga makabagong technology natapos na ang gera, hindi na buryong at aburido ang mga kabataan ngayon pagkat may pinagkakaabalahan na sila hindi tulad noon ang iinit ng ulo.

As of now abala na ang mga kabataan sa picture-picture, pa-picture sa grotto, sa tabi ng Mahal na Birhen, group picture with Father and sakristan, sa tabi ng crucified and bloody Jesus etc. tapos naka peace sign sa mata, matic post agad ‘yan with eternal tagline “simba-simba din much”.

Marami nang nabago, naiba. Wala na nga ding Easter Egg Hunt ngayon e, madami nang nawala, eto wala na din akong masulat, wala na masabi. Wala na, pwede na lahat e, ngayon ang Holy Week para na magbakasyon at magpahinga hindi na para mag-reflect at magtika.

Pano hanggang dito na lang ‘to enjoy kung saan man kayo lalamyerda o lalangoy! Ingat lang pamahiin kasi ni lola nangunguha daw ng buhay ang mga dagat o ilog tuwing Semana-Santa lalu na kung Good Friday (Verum Est: Totoo ba ito?). Happy long weekend!

Top 7 Movies to watch ngayong Kwaresma habang nagpa-fasting…

  1. Stigmata
  2. The Body (starring Antonio Banderas)
  3. Monty Python’s Life of Brian
  4. Gabriel
  5. Dogma
  6. Constantine
  7. Huwag Mong Buhayin ang Bangkay



 




Eat Me, Drink Me

iLLUSTRATION no. 24 (concrete poetry):

"Eat Me, Drink Me"




Holy Smoke!

iLLUSTRATION no. 23 (asemic visual poetry):

"Holy Smoke!"


Lunes, Marso 25, 2013

TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (an FB broken serye by Gen Thalz)


episode 3 season 1: If You See “K”

Ang Nakaraan… May kasabihan tayo diyan, “Past is Past” so who cares?

Animoy Walter Sparrow ng The Number 23 movie ang peg ni Rogelio matapos ma-receive ang “K” reply ni Genoveva. Pilit niyang dini-decipher kung ano ibig sabihin nun, kung may kaakibat ba iyong emosyon? May kaukulang pahiwatig o palipad hangin man lang sa kung anong tunay na nadarama ni Genoveva para sa kanya? Ang daming katanungan ang bumalot sa kanya.

“Bakit ganun ang reply niya? Ano kayang ginagawa o iniisip niya nung tinext niya ‘yun? May kinalaman ba ‘to sa past life ko? May BF na ba siya? Dahil ba ‘to sa Quantum Physics and Theory of Relativity or sa Law of Gravity? Tang ina ang hirap! Kung gagamitan ng psychology, dahil ba ‘yun sa repressed childhood memories niya kung meron man? Tangna talaga durog na durog na ko, mababaliw ako kaylangan ko ng tulong…”

Nag-dial ng number sa cellphone. “Di mo!”, biglang naalala hindi pala siya naka-unli call. “Shet!”, kinansel ang call, nag-reg muna. Buti mabilis ang network ngayon. Dial ulit. “Di mo alam dahil sayo ako’y ‘di makakain, ‘di rin makatulog buhat ng iyong lokohin, kung ako’y muling ii-“. “Hello Chong! Sakto andito na ko sa tapat ng pinto mo.”.

Agad palang nagtungo sa bahay ni Rogelio si Jobert “as a friend”. At bilang kaibigan naroon siya upang manggatong este sumaklolo.

Pagpasok ni Jobert sa kwarto ni Rogelio magkahalong gulat at mangha ang kanyang nadama sa kanyang nakita. “Wow chong eto ba papakita mo sakin? Asteeeg! May artistic side ka pala hindi ko alam, lupet mo chong!”.

Nagmistulang graffiti wall ang buong kwarto ni Rogelio. Tadtad iyon ng letter K. Iba;t-ibang font size, font color, at fonts. Naubos niya ata lahat ng font style sa Microsoft Word. Maski kama, unan, t.v. at bintilador meron.

“Chong tulungan mo ko gusto ko malaman ano ibig sabihin at bakit ganun ang reply sakin ni Genoveva? Letter K lang!”.

“E chong baka dahil lang ‘yun sa kakapakinig niya ng Kpop? Or baka nagtitipid siya sa load?”.

“Tang ina na naman chong hindi ba uso sa kanya ang unlitext pareho naman kame ng network!”

“Chong baka busy siya nung nag-text ka, pwede din na nagmamadali siya, infinite possibilities chong. Or baka tamad lang talaga siya mag-text, ganyan talaga mga babae chong! Bakit kasi hindi mo tawagan unlicall ka naman?”

“Awkward pa chong ‘di pa kame close e. Alam ko may something sa reply niya na ‘yun…”

“Pabasa nga ule ng text niya chong?”. Inabot ni Rogelio ang cellphone na naka-open na doon sa text ni Genoveva.

Ilang sandali ding pinagnilaynilayan ni Jobert ang reply ni Genoveva.  Bigla siyang tumayo at masinop na pinagmasdan ang mga letter K na sinulat ni Rogelio sa pader, dingding, kisame, sahig at kung saan-saan pa. Salitan ang kanyang tingin sa cellphone at sa mga sulat sa kwarto.

Ano ang natuklasan ni Jobert? Hanggang kaylan magdurusa si Rogelio? Karma ba niya iyon dahil sa pamamana niya ng butiki gamit ang tingting ng walistingting at gomang intsik para mas malakas ang tira nung kabataan niya? O dahil iyon sa climate change na tinatamasa natin ngayon?

Sundan ang mga kapanapanabik na rebelasyon, aligasyon, kasagutan, sampalan at sabunutan dito lang sa Tilamsik sa Gabing Maligamgam…

Para sa ating Question of the Day Promo:

“Anong network ang gamit ni Rogelio?”

A.Globe
B.Smart
C.Sun
D.TM
E.Talk and Text
F.Red Mobile

Para sumali i-comment lang ang inyong kasagutan together with your name, address, signature, highest and lowest grade nung grade 6, favorite color ng Kabesa de Baranggay sa inyong lugar, at lakipan ng iyong natatanging larawan (passport size).

Andali lang ‘di ba? Kaya ano pang inaantay mo? Sali na! At manalo ng naglalakihang papremyo tulad ng African Elephant (for 1st prize), Bulldozer (2nd prize), and billboard size poster ng promong ‘to (3rd prize).

Goodluck!
                          




   

Linggo, Marso 24, 2013

∩δ≈φΘΣ ΩΓπ µε∞ß≡α *&#@^%~:::

iLLUSTRATION no. 22 (asemic writing):

"∩δ≈φΘΣ ΩΓπ µε∞ß≡α *&#@^%~:::"


TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM (a broken Serye by Gen Thalz)


*Disclaimer: Any resemblance of all characters to real persons - dead or alive, situations, places, quotations in this realistic and super passionate work of art is purely coincidental and just used for creative purposes only.

 (episode 2 season 1: Message Sent)

Babala: Ang susunod mong mababasa ay makapanindig balahibo…

“Tunog ng kinakamot na blackboard”

Nasa kamay na ni Rogelio ang cellphone number ng kanyang natatanging Genoveva. Kung nagtataka ka kung pano niya nakuha o nalaman ‘yun ay mamaya baka ipaliwanag niya in solo shot, close up with matching dramatic symphony music on the background.

Hindi makapaniwala si Rogelio, totoong nasa phonebook na niya si Genoveva. Ilang gabi na din siyang hindi makatulog, nababalisa kung ano ang kauna-unahang mensaheng ite-text para sa babaeng kanyang sinisinta.

Nakailang beses na siyang type-bura-type-bura hanggang sa hindi niya namalayan na dire-diretso na pag-type niya na para bagang may ispiritung nag ga-guide sa kanya.

“Hi Gen-gen. Musta u? Aq ult 2 c Rogelio, Roges 4 short pro mas bet q Gelo pra same nicknme ntn start with G hihi, oks b? Nkuha q pla 2ng # mu dun s tndhan s skool n pnglolodan mu, aftr mu ilista # mu dun sa listahan ni manang pg alis mu ngplod dn aq, inbngan tlga kta dun xenxa n ha bka sbhin u ini stalk kta pro hndi tlga pwamis, swear, mamatay man bespren qng c Jobert. Wla lng kc q alam n ibng way pra mkuha # u, sori ha sna d u glet. Abt nman dun s pm q syo s fb khit bgla u nag offlyn gus2 q mlaman u 22o lhat un. Mhal n mhal kta. Save u 2ng # q ha, w8 q reply m. ngatzzz!”.

Click SEND, loading, message sent.

Hintay reply.

Hintay…

Hintay…

Bulsa cellphone…

Tingin sa kaliwa-tingin sa kanan.

Sumipol.

Check ang cellphone.

Binasa ulit ang minesage.

Tinitigan ang screen

Hintay.

Hintay…

Tititit-ti-tit-tititit! Tititit-ti-tit-tititit!

“Oh my gad shet nag reply siya o! Kamusta naman ‘yun di ba? Eto na! ‘Yung tipong wala ka na pagasa pero ayun e, ayun! Whoohoo!”, dali-daling binuksan ang message.

Halos mawala sa ulirat si Rogelio nang mabasa ang reply ni Genoveva.

“K”

Capitalized, without period, solid.

Saan hahantong ang Karumaldumal, Kagimbal-gimbal, Kakilakilabot na reply na ito? Totoo kayang may nabubuong Fibonacci Sequence sa mga numerong nalilista ng mga nagpapaload sa mga loading stations?

Abangan…




   

Spot the Similarity

Clue: "Procreative Run God"


Biyernes, Marso 22, 2013

Preamble:


Imaginin mo nakasakay ka sa fx, jeep, o bus. Medyo trapik, pagod ka at pauwi na. Walang music, ingay at sari-saring tunog lang sa paligid ang maririnig. Dala ng low and slow vibes ng gabing ito lumutang ang iyong kamalayan habang nakatanaw sa labas, hindi mo namalayan na halos lahat ng naka-vandal sa daan, mga posters at billboards ay binabasa mo. Mula doon nabuo ang isang conspiracy theory sa iyong subconscious and conscious mind, “What if may mga hidden messages, subliminal messages, or secret codes na naka-encrypt sa mga vandal-vandal at ad-ad na ‘yun? ”. 

Nagsasalita ka na sa isip mo. Tuluyan pang gumulong ang iyong bukas na diwa sa ideyang mind-control ang mga nakatagong mensahe na ‘yun upang i-manipulate ang sambayanan sa kung anong secret agenda meron “sila”. Naisip mo tuloy na responsibilidad mo at nakasalalay sa iyong kamay na tukuyin, himayin, at analisahin ang mga mensaheng iyon upang isiwalat at iligtas ang lahat sa tiyak na kapahamakan nang biglang may nag “Hello” sa isa sa mga katabi mo na siyang bumasag sa iyong pantasya…
“Hello! Gutom na ko, anong ulam natin? Hahaha sige-sige! Hahaha! Oy alam mo ba kanina…Ha? Teka eto pababa na ko…”

Inihahandog ng Gen Thalz Entertainment

In association with Ex-Nihilo Studio and Delta-9 Production

Ang kauna-unahang brutal drama serye sa kasaysayan ng digital world na tiyak na magpapaluha at magpapakalma sa napapagal mong kalooban, ang…

“TILAMSIK sa GABING MALIGAMGAM” (a broken serye)

Kinatatampukan nina…

Rogelio Bragancia bilang ang Torpeng Lalaki sa Susunod na Pinto

Genoveva Putingsisiw bilang ang Babaeng Haliparot pero Pakipot

Tampok din si Jobert as a friend

Tilamsik sa Gabing Maligamgam (episode 1 season 1: Midnight Private Message)

Ilang araw na lang graduation na pero hindi pa din napagtatapat ni Rogelio ang kanyang tunay na nararamdaman sa schoolmate na si Genoveva. Ni-makausap man lang ay wala, zero, nada, buta. Parati na lang siyang daydreaming at stalking sa FB account nitong belyas.

Subalit isang hating-gabi, may kung anong lakas ng loob ang pumaimbulog sa pagkalalaki ni Rogelio nung biglang mag-online si Genoveva habang tinititigan niya mga old pics nito lalu na ‘yung mga summer photos.

“Oh my gad online siya!”, napasigaw si Rogelio sa tuwa. “Eto na pagkakataon ko, kaylangan ko na masabi ‘to bago man lang kame grumadweyt, ano kayang magandang banat…”

Napagisip si Rogelio ng ilang sandali hanggang sa sinisimulan na niyang mag-type pagka-click ng name ni Genoveva.

“Hi ako nga pala si Rogelio, roges for short. Alam ko ‘di mo ko kilala pero schoolmate tayo. Lapit na graduation no? Congrats satin! Alam ko awkward na dito ko sabihin ‘to pero wala na ko ibang maisip na paraan e, nahihiya kong lapitan ka… Pero una pa lang kita nakita nabighani na ko sayo siguro nga mahal na kita. OO mahal na nga kita. Mahal na mahal higit pa sa buhay ko! Shet nasabi ko, sori. Hindi mali, seryoso ‘yan pramis!”, sabay click ng ENTER, mabilis at may halong diin. Tagumpay, sent.

Biglang nag-offline si Genoveva.

Saan hahantong ang usapang ito?

Sundan…


   

Biyernes, Marso 15, 2013

NURSERY RHYMES HIDDEN CRIMES



                                  “Nursery rhymes are said, verses in my head
                                   Into my childhood they're spoon fed
                                   Hidden violence revealed, darkness that seems real
                                   Look at the pages that cause all this evil” 
                                                                  ~ Korn (Shoots and Ladders)




Naaalala mo pa ba ‘yung mga panahon na mistulang bigote ng pusa ang bakat ng sipon mo sa mukha, tag-libag ang leeg at kilikili na tipong pwede nang taniman ng kamote kakalaro at kakakanta sa gitna ng kalye? Kung hindi na, malamang sign of aging na ‘yan. Kung oo naman, malamang alam mo din ‘tong mga pambatang kanta na babanggitin ko. Tara mga bata tuklasin natin ang hiwaga… (tutugtog ang I Love You song by Barney)

Laos na ang Angry Bird, Plants vs. Zombies, Farmville at ang Bad Piggies hindi nag-click pero sariwa pa din sa aking balintataw ang mga laro noong araw (“noong araw” talaga, halatang matanda na). Kung bakit bigla ko nag-nostalgic mode ay dahil sa kaka-slice ko ng prutas sa larong Fruit Ninja, putragis hindi ko ma-beat high score ng pamangkin ko! Bigla ko naisip ‘yung ilan sa mga kanta sa mga laro noon, at ngayon ko lang natanto, ngayon mismo, eksakto-impunto 5:07pm March 15, 2013 Friday na kung hindi nonsense ay may pagka-morbid ang mga kantang ‘yun kasama na ang ilan sa mga Filipino folk song.

Umpisahan natin sa Nanay-Tatay Gusto Kong Tinapay. Kung papansinin mo masyadong mautos ang kantang ‘to, at kung hindi ka sumunod pipingutin ka sa tenga. Sort of childrens domination over the elders, in short inuudyukan tayong maging spoiled brat.

Next ang Langit-Lupa-Impyerno. Despite sa fact na metaphysical ang topic sa chant na ito na masyadong heavy para sa mga chikiting ay ito ang pinakapopular sa lahat. Take note ang lyrics ha, “saksak puso tulo ang dugo”, bayolente hindi ba? Wala pa kasing MTRCB noon. Mantakin mo bata pa tayo ino-open na ang ating murang kaisipan sa 3 possible worlds and that death is inevitable.

Subalit in reality, soft pa talaga ‘yang dalawang kanta na ‘yan dahil kung brutality ang paguusapan ay wala nang mas bubrutal pa sa Sitsiritsit Alibangbang! Andun ang art of cursing, biruin mo “Kung ayaw mong magpautang, Uubusin ka ng langgam”, napaka-rude hindi ba? Eto pa mas wicked ang susunod na linya, “Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila, Ipagpalit sa manyika.” saka “Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon, Ipagpalit sa bagoong.”. Solid ang cruelness ‘di ba? Bata ipagpalit sa manyika, sanggol ipagpalit sa bagoong. Taob ang lyrics ng mga brutal bands like Cannibal Corpse, Slayer, and Slipknot!

‘Yung iba naman medyo nagpreno. Hindi sila brutal pero sensual, tulad ng Si Nena Ay Bata Pa, Asawa ni Marie, atsaka ‘yung may “Pulis-pulis titi mong matulis, bumbay-bumbay titi mong matibay”. Meron pa ‘yung “Sabihin mo sa Nanay mo break na kame, nakita ko panty niya ganun kalaki (momostra ng malaki)”.

At kung nonsense na ‘tong mga pinagsasasabi ko e mas nonsense talaga ang Penpen de Sarapen. Masarap kantahin, catchy, at makulit ang mga words pero don’t make any sense talaga.

Maski mga English nursery rhyme may mga tinatagong dark messages din like Ring Around The Rosy, London Bridge and many more.

Naku mukhang inaantok na si baby sa kwento ko, sige kantahan na lang natin siya ng Rock-a-bye Baby.

“Rock-a-bye baby, on the treetop, When the wind blows, the cradle will rock, When the bough breaks, the cradle will fall, And down will come baby, cradle and all.”

So anong punto ng artikulong ito? Simple lang ang ma-realize natin na mahirap hulihin ang Alimango sa dagat pagkat ito’y nangangagat.

Bonus Question (isulat sa kwaderno then i-send to all or GM sa mga textmates): “Totoo bang nangangagat ang Alimango?”.