Sabado, Marso 30, 2013

The Hunt For The Easter Egg Hunt


Mabuhay! At muli na namang nabuhay si Kristo, buhay na naman tayo, tapos na ang pagtitika, nagwakas na din ang pagdurusa. Pasko ng Pagkabuhay, Easter Sunday ano man ang iyong katawagan iisa lang ang nilalaman – takdang araw upang hagilapin ang mga itinagong Easter Eggs ng Easter Bunny.

Bagamat unti-unti nang nawawala ang ganitong kaugalian at tradisyon may mangilan-ngilan pa din ang nagsasabuhay nito. Malimit na lang ‘to minsan sa mga malls,  munisipyo, at bara-baranggay. Masaya din naman lalu na pag may loko kang kapitbahay na magse-setup ng lata ng Bona sa mga lugar na pinaghihinalaang itinago ang Easter Egg. Pagtungkab mo ng takip higit pa sa Jack-in-the-box at Barrel Man ang supresa! Kaboom! Splat! Parang sumabog na septic tank.

Ang tanong ng bayan, “Ano ang kinalaman ng itlog at kuneho sa muling pagka-buhay ni Kristo?”. Napahapyawan na ‘to sa The Secret Book of the Philippines pero singit lang talaga kaya eto medyo palawigin natin.

Ano nga bang kinalaman ng egg and rabbit/hare sa Easter Sunday? Alam nating lahat na mahilig sa tinapay si Jesus pero wala ata ko nabasa si bibliya na nagpalaman siya ng itlog or may pet siyang kuneho, ewan lang siguro hindi naisulat. 

Madaming paliwanag ang Christians and Catholic ukol rito tulad ng Egg is symbolizing new beginning, seed of life, re-birth. Naniniwala ang ancient Rome na lahat ay nagsimula sa itlog, tama nga naman sperm cell + “EGG” cell = humans. At saan galing ang sperm cell? Sa itlog! In english Scrotum, sa salitang kalye Betlog, Beklog, Jetlog, BAYAG.

Sinisimbolo din daw ng egg or “egg hatching” to be exact ang pag-rise or the Risen Jesus from the tomb, the cracked of the egg being the tomb opening. Sa madaling salita, Easter Sunday simply means New Hope and New Life matapos ang ilang araw na pagpaparusa sa sarili, pagre-reflect, contemplate, beach, sunbathing, and strolling.

How about the Easter Bunny? Nung ancient times daw kasi pinaniniwalaan na hermaphrodite ang mga rabbits meaning kaya nilang mag-reproduce kahit hindi nadodonselya or hindi nade-devirginized, in short para daw si Virgin Mary. Ganun lang kasimple.

Common notion na na symbol of fertility and spring ang Easter Egg at Easter Bunny (capable ang rabbits for multiple births) subalit kung babalik tayo sa ancient Babylon, sacred ang kuneho sa ilang pagan belief dahil mahilig sa rabbit ang god nilang si Tammuz.

Pinagdiriwang rin nila ang pagkamatay nito nang hindi kumakain ng karne lalu na ng baboy dahil wild boar daw ang nakapatay ke Tammuz.

E sino nga pala si Tammuz?

Bugtong na anak siya ni Ishtar (originally pronounced as Easter). Ayon sa pagan belief noon, lumabas si Ishtar a.k.a Astarte, Eastre, Queen of Heaven, Goddess of Fertility, Goddess of Spring and Sexual Love sa isang Egg na nalaglag sa Euphrates river mula sa Moon. Tinawag nila itong “Ishtar’s Egg”. Nabuntis si Ishtar through sunbeam ng Sun-God na si Baal a.k.a. Baalim, Molech, God of Fire. At si Tammuz (the promised seed, the savior - promised by God) nga ang naging bunga ng supernatural lovemaking virgin birth na ito.  

Naniniwala din sila na nag-resurrect at nag-ascend si Tammuz sa sun kapiling ang kanyang ama, tawag nila rito “Ishtar’s Sunday” na pinagdiriwang with eggs and rabbits.

At dahil nga pig ang nakapatay ke Tammuz, pig din ang handa nila sa okasyon na’to, gantihan lang ba kumbaga.

Kaya’t ano pang inaantay natin, ngayong Pasko ng Pagkabuhay atin din ipaghiganti si Tammuz laban sa mga babuy! Lantakan na ang lechon, lechon de leche, lechon kawali maging ang chicharon ‘wag palampasin! Kapit lang Tammuz igaganti ka namin! (background music “Sarsa Platoon [Galit Kami sa Baboy]” by Datu’s Tribe)

*Lyrics

Libu-libong liempo
 Daan-daang pige
 Mag-ingat kayong mga baboy kayo
 Parating na kami

 [Chorus]

 Kami, mga alagad
 Mga alagad ni Mang Tomas
 Kami, mga alagad
 Mga alagad ni Mang Tomas

***Karagdagang Kaalaman (Trivia)

- Did you know that the largest egg on record weighed 2.589 kg (5 lb 11.36 oz) and was laid by an ostrich (Struthio camelus) at a farm owned by Kerstin and Gunnar Sahlin (Sweden) in Borlänge, Sweden, on 17 May 2008. (Guiness World Record)



- Darius, the world's biggest rabbit who is 4ft 4inches and weighs a whopping 3.5 STONE. He already held the title of world's biggest rabbit but has now smashed his own record after vets measured him a month ago and realised he had had grown another inch. (Guiness World Record)


 
- The largest scrotum in the world as of February 2013 is owned by (sadyang hindi pinangalanan upang protektahan ang kanyang katauhan). Size (unmeasurable).

                                                        [photo not fit on screen]





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento