Ipinapakita ang mga post na may etiketa na post. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na post. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Holiday Reflection (based on true events):

"The White Shoes Mystery"

May nakasabay kameng dalawang lalaki magkaibigan sa FX kahapon, parehong mukhang bachelor at galing work. Aburido ang isa,naglalabas ng inis at yamot sa kanyang kasama. May kalakasan ang boses nila kaya rinig tyak ng lahat.

Namumroblema 'yung isa dahil hanggang ngayon hindi pa din sya nakakabili ng white shoes, wala daw syang mahanap, sa Nike naman daw kasi puro Jordan ang labas.

Bigla kameng natauhan sa aming narinig, mas malaki pa pala ang dinadalang problema ng lalaki n 'yon kumpara sa amin na kung kelan may pera nang pambili saka naman na-out of stock 'yung item...

Naimagine namin kung gano ang pagod, pawis, sakripisyo, ginugol na oras at pagtyatyaga ng lalaki na yun na galugarin lahat ng shopping malls at tianggean para lang sa kanyang natatanging inaasam na "white shoes" pero bigo sya. Hanggang ngayon wala pa din syang mahanap...

Naisip din namin na nakakalungkot ang magiging lagay nya pag di talaga sya nakabili ng white shoes dahil pihadong maiiwan sya sa bahay at di makakasama sa pamilya para magsimba sa araw ng kapaskuhan sapagkat wala syang white shoes na pang simba...

Kaya napakapalad ng mga taong trip ang white shoes ngayon at nakabili ng ganun.

 Moral Lessons:

 1.Mahirap at di biro maghanap ng white shoes.

2.Hindi lahat ng mahilig sa basketball at rubber shoes type ang Nike Air Jordan model.

3.Hinaan ang boses pagnagkukwentuhan sa mga pampublikong sasakyan dahil di mo alam may mga tsismoso ka palang katabi na nakikinig para may mai-post sa blog nila gaya nito.

Biyernes, Agosto 9, 2013

WANBU NG BOGCHI


Facts –

1.Agosto ay buwan ng ating wikang pambansa.
2. Iba’t-iba ang dialect sa ating bansa.
3. Marami nang nausong wika sa ating bansa mula pa nung panahon ng mga “hippie” (sa pagkakaalam namin) hanggang sa panahon ngayon ng Facebook at androids.
4. Maski sila Gat. Andres Bonifacio at mga magigiting na Katipunero ay may sariling lenggwahe.
5. May sarili din silang alpabeto.

Kaya naman biglang sumagi sa puyat na isipan namin ang isa sa hit single ng bandang Eraserheads ang “Bogchi Hokbu”, bakit kanyo? Sapagkat bukod sa theme song ito ng Chippy commercial noon, maganda ang groove ng music nito at higit sa lahat ito ang kanta ng Eheads na kakaiba ang language o lyrics, pabaligtad. Tulad ng “Nosi Balasi” ni Sampaguita subalit mas hardcore ang Bogchi Hokbu dahil buong liriko nito in-reverse.

Nauso ang ganitong pananalita (sa pagkakaalam ule namin) noong dekada sitenta kung saan laganap ang mga hippies. Halimbawa imbes na Pare sabihin mo Repa o Erap, minsan dinadagdagan ng ibang shorten word magiging Repapips (Pips = People). Kotse ay Tsikot, Tigas ay Astig. Pwede mo din dagdagan ng S sa dulo para mas masarap bigkasin pampadulas ba kumbaga kagaya ng Hindi = Dehins, Malabo = Bomalabs.

Sa pagsusulat ng pabaligtad tanging si Leonardo Da Vinci lamang ang naitalang nakakagawa nito fluently, ewan lang sa ngayon anrami na kayang smart energy drink at mga gatas na IQ booster.

Bakit nila ginagawa ‘yun at para saan? Sila lang nakakaalam. Marahil bogsa sila o nasa altered-state of consciousness sila katulad ni Alice in Wonderland kaya in-reverse sila kung magsalita o jumbled ang mga words na nabibigkas. May mga nagsasabi din naman na kasi kaisa nila ang devil dahil pabaligtad din raw ang dialect nito.

Ops teka lang, kung kinutuban ka na tungkol sa backmasking ito at biglang nadismaya ay dehins na tenants kaylangan gawin ‘yun repa. Dahil kung totoong may subliminal o hidden message ang Bogchi Hokbu kapag pinatugtog ng pabaligtad ay narinig o naintindihan na iyon ng subconscious mind mo sa unanag pakinig pa lang in-normal play. Kaya 'wag maalarma...

Bogchi Hokbu lyrics –

Wanga tenants ng reksli
Toing takans na toyi
Napha oyats ng nengmi

Nananakirima
Bangbangbangalalala
Tastastasbobona

Bogchi Hokbu

Tokpu yota ng bolo
Bays otsu ng emsdi
Lambig sokpa si Sarsi

Ninhalalaama
Wawawahaginma
Ningningningmamani

Bogchi Hokbu

Sa unang pakinig iisipin mo ano kayang dialect ang ginamit nila rito, foreign? Native? O Alien language? Kung extreme pa ang pagka-paranoid mo at wala ka magawa sa dis-oras ng gabi katulad namin paghihinalaan mo na isa itong secret code o clue na magli-link sa kanta nilang “Spolarium” (same album with Bogchi Hokbu – Sticker Happy) na pinaghihinalaang patungkol di-umano sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma na shrouded of controversies ang pagkamatay. Maghihinala ka din na maso-solve ang enigmatic lyrics na ito gamit ang “Ang Na Ang Na” syllabic pattern na nauso din nung time ng mga hippies.

Bakit si Pepsi? Nabanggit kasi si Sarsi (Sarsi Emmanuel) sa lyrics na ka-batch ni Pepsi Paloma at isa din sa tinaguriang Softdrinks Beauties noon kasama si Coca Nicholas. Tapos may line pa na “Hanap tayo ng meaning” na para bagang naguudyok sa mga listeners to dig more deeper.

Pero ano nga ba ang sinasabi ng Bogchi Hokbu kapag inareglo ang lyrics? Eto sya –

Gawan natin ng lyrics
Itong kanta na ito
Hanap tayo ng meaning

Marikina
Alabang
Navotas

Chibog Buhok

Putok tayo ng lobo
Sabay suot ng DM’s
Biglang pasok si Cesar

Maalalahanin
Maginhawa
Maningning

Anong ibig sabihin kanyo? WALA. NOTHING. BUTA. Sa wikang hippie ALAWS. Kinukulit lang tayo ng Eheads at masyado lang din talaga silang malikhain. Maaari din na gusto lang nilang maiba, experiment ganyan kung maghi-hits pa din ang song kahit ganun ang lyrics.

Subalit para samin "sarcasm song" ‘to ng Eheads para sa mga nagsasabi na kapanalig nila si Satanas, may nakatagong maka-dyablong mensahe sa kanilang mga kanta, o binenta nila ang kanilang kaluluwa sa devil para sumikat. Birit nga ni Tina Arena sa kantang Burn, “Be anyone you want to be, bring to life your fantasies, But I Want Something In Return. I Want You To Burn, Burn For ME Baby”. Yeah as in burn in hell beh.

Umugong din talaga kasi nung mid-90’s na may hidden messages nga daw sa mga song ng heads in backmasking. Ewan, sinubukan ko gibberish lang narinig ko siguro depende sa listener talaga. Minsan kasi tayo na lang nagbibigay ng meaning sa mga bagay-bagay kahit wala naman lalu na kung naghahagilap talaga tayo ng patterns. Ito ang human brain phenomenon na kung tawagin ay “Pareidolia”.

But to make things clear, dehins lahat ng backmasking repapips ay diabolical ang hidden message. Perfect example dito ang song ng bandang TOOL na “Intension”. Sa intro nito ay makakarinig ng gibberish whispers at aakalain mong dinadasalan ka nila na tumalon sa LRT o umakyat ng billboard at magpa-media. Pero hindi. Dahil kapag ito ay binakmas na very positive pala ang mensahe.

“Listen to your mother. Your father is right. Work hard. Stay in school. Listen to your mother. Your father is right. Listen to your mother. Your father is right.”

Sa Bogchi Hokbu na Chibog (means kain) Buhok o Kain Buhok ang literal na ibig sabihin, may mga nag-interpret na about ito sa Cunnilingus = Chibog Buhok. Pwede. Siguro dahil nakita din nila ‘yung line na “Putok tayo ng lobo” as reference to condom kaya nabahirannila ng malisya. Sabi nga sa kantang Balong Malalim -

"Gusto n'yang mag-swimming sa balong malalim...Gusto pang kumain, kumain nang kumain. Hindi naman nabubusog sa kanyang kinain...Sige pa nang sige, kahit na dumudumi ang isipan ng tao dito sa mundong ito. O wala na bang remedyo ang ating mga ULO?" ~ Juan Dela Cruz band

Matagal nang buwag ang Eraserheads subalit mananatili ang kanilang mga iconic songs lalu na sa mga nagkamalay nung dekada nubenta. Walang lihitimong may alam kung talaga bang isa silang PUNKS (People Under New Kingdom of Satan) o isa silang KISS (Knights In Satan’s Service); mga pauso ‘yan nung 80’s naman. Ang tanging sure lang ay isa sila sa most influential bands dito sa Pinas.

Nasa sayo na kung maniniwala ka sa backmasking o hindi. Marubdob nga na tagubilin nila Madam Zenaida at Madam Rosa, “May freewill tayo, gamitin natin ito”.

Ang nakakaloka pumasok sa aming isipan ang kantang Bogchi Hokbu ngayong Agosto which is also The Ghost Month or Hungry Ghost Festival ayon sa Chinese tradition na kung saan open daw ang Gate of Spirit World kaya payo nila magingat sa mga “hungry ghost” na gumagala. Hungry = Gutom, pag gutom kakain. Chibog = Bogchi. Naloko na! Coincidence? I report you decide... Awooooooooooooo!

Huwebes, Agosto 1, 2013

Glitch Art: Logo(s)


                                     "Walking Through a New Strange Familiar Path..."

Miyerkules, Hulyo 31, 2013

Everything is Sound (bmp version)


          *bmp's realization of our experimental sound art (same title, see the video to hear it)

Lunes, Hulyo 15, 2013

BRA AND PANTY VS. TWO PIECE BIKINI




Nairaos kamakailan lang ang FHM 100 Sexiest Women in the Philippines 2013 at talaga namang umulan ng mga naggagandahan at nagsesexihang katawan! Sana next time gawin nilang 1000 sexiest women para solid one to sawa talaga…

Subalit ang ikinakabagabag namin ay kung bakit may mga kababaihan na ayaw masilipan ng bra o panty pero kung makapagsuot ng two piece bikini sa beach, kita pa minsan ang kuyukot at singit e proud na pround, magpapa-picture tapos ipo-post pa sa mga social network sites para mas maraming makakita at para ito ay komentan o i-like, bakit? Dahil ba akma naman sa beach ang bikini kaya ok lang? Pero public places din naman ang mga beach maliban kung nasa private pool ngunit ganun pa din kasi ipo-post din sa internet ang mga pictures. Ah kasi yung bra and panty pang bahay lang talaga at pamproteksyon o support sa private part kaya hindi pwede ipakita sa madla o sa lansangan? Ngunit maski garter man lang kasi nito ayaw nila pakita talagang tatakpan, siguro nahihiya, longga na kasi…

Wirdo nga e, kapag nabosohan ng panty ang isang artistang babae halimbawa o tipong nagpe-perform sya at biglang tumaas ang palda kita panty instant controversy ‘yun na para bang nakakahiya o nakakatawa. Kasi nga nasilipan sya ng panty which is hindi dapat? Pero ‘yung same girl na ‘yun ay nagsusuot din naman ng two piece bikini sa mga movie, tv, and magz. Anong pinagkaiba nun? May bayad kasi ‘yung pagsuot nya nun? ‘Yung tela ba? O isa lamang itong social upbringing at media programming?

Ganun din kasi kahit sa mga ordinaryong kababaihan tulad nito, “Tang ina pare nakasabay ko kanina sa jeep ‘yung classmate natin si ano _____________ nakabukaka sa harap ko kita panty kulay maroon!” na para bang nasilayan na niya ang buong kalangitan kung makapagkwento sa kaklase. Syempre hindi magpapatalo ‘yung kaklase, “Sarap naman! Nakita ko nga picture nya last summer kagabi sa FB, anseksi tol!”. Natural hindi papayag ‘yung nakaboso ng panty ni ano __________ na maungusan sya ng kaklase, siya dapat bida e. “Wala ‘yan chong, ‘yung sakin live e sa harap ko mismo…”.

Marahil mas secretive at mas private kasi ang datingan ng panty kesa bikini kaya mistulang sacrilege o blasphemy ito kapag nasilip ng kung sino. Naitanim na din kasi sa ulirat natin na ang bikini ay pang swimming at ang panty pang akit sa partner. Pero ano pa man suot ng partner mo sa kama huhubarin pa din ‘yan.

E ano kaya kung bra at panty naman ang suot ng mga babae sa beach or pool o mag papic lang ng naka bra at panty kaht sa loob ng kwarto lang ba ganun or pag bagong bili undies nila at i-post din sa internet? Sana may makaisip gawin 'yun maiba lang…

Lunes, Hulyo 1, 2013

Glitch Art: Digital Spectrum


Orbs


Orbs (deep)


Orbs (deeper)


Decoding (Static i)


Run Time Error (green)


Run Time Error (yellow)


Run Time Error (blue)


The Wall (minimalism)

Our book is now available (Fully Booked Branches)

The Secret Book of the Philippines is now available at the following Fully Booked branches:

Bonifacio Global City
Bldg. 6
902 Bonifacio High Street
Bonifacio Global City
1634 Taguig City

Rockwell
Level R3, Shop 330
The Powerplant Mall
25 Lopez Dr., Rockwell
Center 1211 Makati City
Metro Manila

and

Greenbelt
Ayala Center
Makati City


Generative Ascemic Writing

"Collective Unconscious"

*This is one of the many Ballpen Tester Paper (front and back) from National Bookstore Sm North Edsa, we secretly stole it last 06.09.2013 around 11-12 noon.


Linggo, Hunyo 23, 2013

Episode 12: “Where You End I Begin”


Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

~Ang Katapusan~

Ang Nakaraan…  
                                                             
Sa sobrang tagal maaari itong makalimutan at hinding-hindi na kaylan man matandaan. Hindi na nga ba talaga matandaan ang nakaraan o hindi na lang alam kung papano duduktungan?

Pero syempre tulad ng napagkasunduan na huling kabanata, narito na ang katapusan. Katulad din ng lahat ng bagay sa mundo, lahat may hangganan, lahat may wakasan…

Parehong naospital si Rogelio at ang guy na nakabukas ang polo na may sandong fit sa loob. Ang kanilang maaksyong suntukan ay nauwi sa malagim na kapinsalaan subalit mas malala ang lagay ng guy na nakabukas ang polo dala ng pagkakapukpok ng bato ni Genoveva sa kanyang ulo. Halos mag 50-50 ang guy na ‘yun at ma-comatose.

Ilang buwan na syang nakaratay sa banig ng karamdaman habang si Rogelio makalipas ang dalawang linggo ay naka-recover na dahil syempre ‘yon sa mapagmahal na alaga ni Genoveva at palakaibigang asikaso ni Jobert as a friend kahit na may plaster of paris pa syang puno ng vandal ng mga kaibigan, kaklase, kaanak at mga kapitbahay sa kanyang nakomang na braso dala ng pagkakatapak-tapak sa kanya ng mga nagsasayaw habang sya’y nakahandusay sa dance floor.

Isang mahangin at ‘di kainitang araw habang naglalambingan si Rogelio at Genoveva sa may bakuran, nagkakatuwaan sila kasama si Jobert as a friend na komang, pinagkukwentuhan nila ang mga masasayang nagdaan nang biglang isang nakakagulat at malakas na ring ng cellphone ang bumasag sa kaunti nilang kasiyahan. “Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg!!!”

“Hello???”, nagtataka at medyo gulat na sagot ni Rogelio habang nakatingin lang sa kanya ang dalawa, nagaabang.

“Yes speaking.”

“Opo kilala ko po. Opo-opo kilala namin.”

“Ha? Ay yes andito po kasama ko sila ngayon. Eh-“

“As in ngayon na?”, pa-hesitate na tugon ni Rogelio sa kausap habang nakakunot na ang noo ni Genoveva at Jobert as a friend na komang na sa kawa-wonder na may halong pagkainip na malaman kung ano kaya ang pinaguusapan at sino ang kausap ni Rogelio sa cellphone.

“San po ulet?”

“Ah yes opo alam po namin ‘yan. Sige po punta kame diyan.. eh-“

“As in ngayon na mismo talaga? Gano daw ba kaimportante?”

“Ah sige-sige po papunta na kame mga after 30mins.”

“Ok. Sige po thank you bye.”

Nakatitig ang dalawa kay Rogelio naghihintay ng makabuluhang impormasyon.

Mga ilang Segundo din muna ang lumipas bago nakapagsalita si Rogelio, huminga muna sya ng malalim ‘yung tipong muntik na siyang hindi maka-exhale sa sobrang lalim.

“Guys need natin pumunta sa ospital.”

“WHAT?!”, oa na sigaw ng dalawa.

“Pinapapunta daw tayo nung guy na nakasuntukan ko sa bar, ano ba name nun?”

“Hindi ko din alam first meet namin dun nun may sasabihin daw sya tapos nung sasabihin pa lang niya name niya bigla ka umeksena kaya ‘yun ‘di na nya nasabi…”, maliwanag na paliwanag ni Genoveva. “Bakit daw ba?”

“May importante daw sasabihin sa atin sabi nung nurse na kausap ko.”, sagot agad ni Rogelio.

“E baka ‘yun ang sasabihin niya sa atin kung anong name niya?”, proud na hirit ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Hindi mukhang seryoso e.”, malumanay na tugon ni Rogelio.

“Guys baka gaya ‘to ng mga napapanood ko sa tv na tipong mamamatay na ‘yung may sakit tas may ibibilin sa atin na misyon o kayamanan, chance na natin ‘to yes!”, proud ule na hirit ni Jobert as friend na komang na.


“Ano pang inaantay natin?”, patanong na kayag naman ni Genoveva.

“Tara.”, nagiisip na sagot naman ni Rogelio.

Hindi na ilalahad dito kung pano sila naglakad papuntang kalsada, pumara ng jeep pero puno lahat kaya napilitan silang mag-taxi na lang papuntang ospital, mabilis ang byahe hindi gaanong trapik. Natural ambagan sa pamasahe P150.00

Pagdating sa kwarto ng guy na nakabukas ang polo, agad silang pinapasok ng nurse na nagbabantay rito.
“Ma…ma…bubu…ti..naka…kaka..ra..ting..kayo.”, nangangatal at hirap-hirap na pagbati sa kanila ng guy na nakabukas ang polo.

“Oo nagmadali nga kame. Kamusta ka na?”, tugon ni Rogelio.

“Hihin…di…na…mahalagagaga…’yon…Ang im…im…por…tatatatan…te…ay mala…mamaman…nyo na hindididi…pwede… maging kakakayo..”, medyo paangil na sabi ng guy na bukas ang polo.

“Hanggang ngayon pa din ba hinahadlangan mo kame? Tama na please… Ang importante gumaling ka at makalabas dito.”, slightly imbyernang sagot agad ni Genoveva.

“Tama sya pare. ‘Wag mo na muna isipin ‘yon, importante lumakas ka…”, segunda ni Rogelio habang si Jobert as a friend abala sa pagdu-doodle sa plaster of paris nya sa braso.

Dinalahit ng ubo ang guy na nakabukas ang polo, hinamas naman agad nila Rogelio ang kanyang umbok na dibdib. Pinipilit nung guy na makapagsalita at mai-deliver ng maayos ang susunod niyang linya.

“Hi-hindi nga pu-pwede maging kayo dahil magkapatid kayo!”, sabay ubo ule na animoy may TB ang guy na may bukas na polo.

Gulat na gulat naman ang tatlo pati na din ang nurse na nakikiusyoso sabay-sabay sila malakas, malagong “WHAAAT!!!”

“Oo tama ang narinig nyo (ubo), magkapatid kayo at kapatid nyo din ako. ‘Yun ang dahilan kung bat ako nandito at yun din ang sasabihin ko sayo sa bar Genoveva. Magkakapatid tayong tatlo…(ubo-ubo-ubo)”, pagpapatuloy ng guy na nakabukas ang polo.

“Papa- She- Hindi ako makapaniwala!”, sigaw ni Genoveva.

“Oh my gad! May nagya- shet o hindi! Bakit hindi mo agad sinabi?!!!”, may halong suklam sa sariling sigaw naman ni Rogelio.

“Ang askad mo kasi bigla ka umeksena nagtatakbo ka pa nung inawat ko kayong maglaplapan.”, paliwanag ng guy na nakabukas ang polo.

“Pare totoo ba ‘yan? Panong nangyari na naging magkakapatid kayo?”, taking tanong na sabat naman ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Nagkahiwa-hiwalay kame nung mga bata pa kame. Dinala sa ampunan at muola doon nagkalayo-layo kame ng landas dahil iba-ibang pamilya ang umampon sa amin… Ilan taon ko kayong hinanap mga kapatid ko salamat na lang sa facebook na-search ko kayo tinaype ko lang name nyo lumabas agad. At tyak naman akong kayo nga ‘yan dahil na din sa sandamakmak nyong photos at pagpost ng lahat ng nangyayari sa inyo. Thank Lord talaga nagkita-kita tayo.”

Isang rebelasyon ang gumimbal sa tambalang GeloGen, papaano na ang mga nangyari sa kanila? Ano ang magiging hitsura ng kanilang anak kung sakali man ngayong magkapatid sila dugo’t laman? Sa tono ng mga tanong na ‘to may mga kasagutan pa kaya ito gayong sinabi na sa unahan na ang episode na ‘to ay ang katapusan na?

Napakarami pang sinasabi subalit ang totoo ay hindi na lang alam kung pano pa tatapusin ang kwentong ‘to. Katulad na lang kaya ng kanta ng Parokya na bigla na lang mawawala o mag-fadeout na lang kagaya ng style ng mga songs nung 80’s na tipong pahina

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina.

Hanggang sa hindi mo na lang mabasa…

O maaninag man lang.

Ayod ‘di ba?

End.





Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Episode 11: “Catch Me If You Can!”

Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

Ang Nakaraan…

Maraming nagsasabi na hindi na ito mahalaga sapagakat ang importante ay ang ngayon. Subalit papaano kung dumating ang panahon na wala ka nang maalala? Maski mga kapamilya mo hindi mo na nakikilala at ang masama nito, ultimong sarili mo ay hindi mo na din kilala. Ngayon, sino ka?

Mabibigyan ba ng makabuluhang kahulugan kung sino ka ang tanong na sino ka sa pamamagitan ng iyong mga maaalalang mga nakaraan? Samakatuwid ang nakaraan ay isa lamang palang alaala na walang kasiguraduhan kasi marahil ito ay bunga o gawa-gawa lang ng iyong mapaglarong isipan.

Kaya naman kung darating ang panahon na wala ka nang maalala ay wag mo nang piliting alalahanin pa ang hindi mo na maalala lalung-lalu na kung bakit wala ka nang maalala dahil ang importante nga ay ang ngayon, kung sino ka ngayon? Ikaw na ngayon ang Taong Walang Alaala.

Sa pagpapatuloy…

Biglang lumabas ng bar ang guy na nakapolong bukas at may white sando fit sa loob na kasama ni Genoveva at ito ay nagtatalak.

“Ay putang ina anong ibig sabihin nito? Mga hayup kayo anong ginagawa nyo diyan?!”, hurumintadong pagtatanong ng guy na nakabukas ang polo at may white sando fit sa loob.

“Babae, lalake (habang tinuturo ang isa’t-isa), magkadikit ang mga labi, espadahan ng dila. Wag kang magalala nagkukwentuhan lang kame!”, pilosopong sabat naman ni Rogelio, uso kasi.

“E gago pala ‘to e!”, sabay takbo ng guy na nakabukas ang polo at may sandong fit sa loob papalapit kila Genoveva.

“Takbo!”, karipas na kayag ni Rogelio ke Genoveva habang sila ay magkahawak kamay.

Tulad nang nakagawian sa mga primetime at afternoon teleserye na malapit nang magtapos ay biglang nagkaron ng habulan. Sana lang wag mong mahulaan na maaaring magkaron din dito ng patayan o barilan, mabuti na nga lang wala pang anak-anak ang mga bida dito dahil kung hindi malamang magkaron din ng child switching dito. Siguro sa season 2 na ‘yun.

Tuloy ang habulan kahit madulas ang daan.

“Bumalik kayo rito hindi maaari ‘yang ginagawa nyo!”, sigaw ng guy na nakapolo at may white fit sando sa loob.

“Pabayaan mo na kame, wag mo na kame pakealamanan nakikiusap ako sayo!”, pagsusumamo ni Genoveva habang tumatakbo.

“Tama siya! Bayaan mo na kame tol!”, hingal pagsang ayon ni Rogelio kay Genoveva.

“Hindi! Hindi ‘yan maaari! Hindi ako makakapayag! Andito ko upang hadlangan ang pagmamahalan nyo!”, mariing pagmamatigas ng guy na nakbukas ang polo at may sandong puti sa loob.

Mas binilisan pa nya ang pagtakbo. Halos lumapit na ang distansya nya kila Rogelio na ngayon ay magkahawak pa din ang kamay. Subalit nabitiwan nila ang isa’t-isa nang biglang akmang dadakmain ng guy na nakabukas ang polo at may white sando fit sa loob ang kanilang mga braso.

“Ah! Gelo!”, “Gen-gen!”, sigaw ng dalawa.

Napatakbo sa magkabilang direksyon ang dalawa. Tuluyan na kaya silang magkakahiwalay at hindi na muling magkikita pa? Teka hindi pa tapos ang habulan. Si Rogelio ang sinundan ng guy na nakabukas ang polo at may white sandong fit sa loob.

“Hindi mo ko matatakasan!”, nagmamadaling sigaw ng guy.

Tuloy lang sa pagtakbo si Rogelio. Napakatulin tumakbo ng guy gawa ng mahahaba ang mga biyas nito kaya’t sa isang iglap, mistulang leon ay dinamba nya si Rogelio. Sumubsob ang dalawa sabay nagpagulong-gulong sa damuhang medyo maputik. Naputikan ang white sandong fit ng guy na labis nitong kinagalit.

Walang sabi-sabi nag undayan sila ng sapak, basagan ng mukha. Suntok dito, suntok dun. Tadyak dito, tadyak dun habang sila ay nagpapagulong-gulong.

Medyo argabyado si Rogelio sapagkat hindi hamak na mas malaki ang kaha ng guy na nakabukas ang polo kesa sa kanya. Mas maskulado, may abs, at higit sa lahat naka-brush up.

Hanggang sa dumating ang sandali na nakubabawan si Rogelio ng guy na nakabukas ang polo. Hindi na sya makapalag o makapanlaban man lang. Walang habas na pinagsasapak siya nito.

“Sinabi ko nang hindi pwedeng maging kayo! Hindi pwede! Ang tigas ng ulo mo! ‘Yan ang bagay sayo!”, galit na galit na sabi ng guy habang patuloy sa pagsuntok sa barag-barag na mukha na ngayon ni Rogelio.

Papunta na sa puntong mawawalan na ng malay si Rogelio habang ang guy ay abala sa paghahanda at pag umang ng kanyang kamao upang pakawalan sa mukha ni Rogelio ang kanyang final ultimate punch nang biglang dumating si Genoveva at pinukpok sya ng malaking bato sa ulo ng buong puso mula sa likuran.

Bagsak ang guy na nakabukas ang polo at may sandong puti sa loob,  nagkikikisay.

Saan hahantong ang kaguluhang ito? Tuluyan kayang may paglamayan? Kung meron sino sa dalawa? Mahadlangan pa kaya ng guy na nakabukas ng polo at may sandong puti sa loob ang pagiibigan nila Rogelio at Genoveva? Bakit tuwing magpapasukan isinasabay ang pagkukumpuni ng mga daan? Ano kayang misteryo ang bumabalot dito?


Abangan ang mga nagbabagang kasagutan sa nalalapit na pagtatapos at huling episode ng kauna-unahan at wala nang nais sumunod pang brutal drama serye rito sa internet ang, Tilamsik sa Gabing Maligamgam the final chapter.

Linggo, Mayo 26, 2013

EPISODE 9: “Ang Tumatawa ng Malakas Pag Umiyak Wagas!”


Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

Ang Nakaraan…

May mga nakaraan o nakalipas na hindi natin maalala o ayaw na talaga nating maalala, hindi natin matandaan o sadyang ayaw tandaan. May mga nakaraan na pilit nililimot, nakalimutan, o sadyang nilimot dahil sa bigat, hapdi, at kirot nitong dala-dala sa ating alaala kaya siguro mabuti pa ‘wag na lang natin pagusapan, ang nakaraan…

“Hello? Hello! Pareng Jobert!”

“Oy pare napatawag ka?”

“Guess what?”

“What dude?”

“Malapit nang maging kame ni Genoveva putang ina!”

“Ulu! Fuck you ka! ‘Di nga?!”

“Oo nga tol, isang K reply na lang niya tol shet!”

“Ay pota ayos ‘yan chong, congrats!”

“Oo pards kaya magbihis ka na at magpapainom ako!”

“Ayun lang par negative ako ngayon…”

“Bakit naman? Asan ka ba?”

“Dito ko ngayon sa parlor e.”

“Pota ka namamakla ka na naman kakainom mo lang antibiotic nung nakaraan ah?”

“Gago nagpapa-highlights lang ako!”

“Pa-highlights mu mukha mu! Halika na kasi!”

“San ba tayo?”

“Dun sa dati same time.”

“Sige sunod ako, textan na lang.”

“Bye!”

At dumating nga ang oras na “same time” na kanilang napagusapan na sa totoo lang maski ako ay hindi alam kung anong oras ba talaga ‘yun, tanging silang dalawa lang ang nagkakaunawaan. Nandun na din sila sa “dun sa dati” na lugar na kanila ding napagusapan na wala din kahit sino ang may ideya kung saan.

Medyo madilim ang lugar. Patay sindi ang mga ilaw. Hindi naman ganun karami ang tao babae’t lalaki pero ‘di kinaya ng aircon kaya mainit sa loob. Maingay. Sari-saring ingay, tawanan, daldalan, kwentuhan, bidahan, palakpakan, at may kaunti ding iyakan. May tumutugtog sa harap, acoustic version ng Giyomi kaya may mangilan-ngilan ang sumasabay sa sign language dance nito.

Nakaupo ang dalawa sa may bandang gitna. May pork sisig sa lamesa, isang bucket ng Redhorse, ashtray, at tissue na nasa tissue holder. Maligalig at puno ng kagalakan na nagkukwento si Rogelio sa kanyang kaibigan habang mataimtim at buong puso namang nakikinig si Jobert as friend sa kanyang natatanging kaibigan. Wala nga lang kasiguraduhan kung tumatawa nga ba si Jobert as friend kasi natatawa talaga siya o ginagawa lang niya ‘yon bilang kaibigan or parte iyon ng kanilang samahan. Wala din talagang tiyak na nakakaalam subalit tunay at wagas talaga silang magkaibigan simula’t sapul ng kanilang kabataan.

“HAHAHAHAHAHA”

“Hahaha!”

“Hindi nga tol?”

“Oo tol.”

“HAHAHAHAHAHAHAHA!”

“Tawa talag ko nang tawa nun hahaha!”

“Nakakatawa naman kasi talaga dre hahaha!”

“Sinabi mo pa hahaha!”

“HAHAHAHAHAHA! HAHA! HA! HAHA! HAHAHA! HA!”

“HA! HA! HAHA! HAHAHA! HAHAHAHAHA!

Halos hindi na makagulapay ang dalawa sa kakatawa, nanapasipa pa sila sa ilam ng mesa, panaka-nakang napapasuntok hangin at malimit na napapahamas ng kamay sa lamesa. Ewan lang kung ano ba ‘yung kanilang pinagtatawanan. Habang ang banda acoustic version na ng Harlem Shake ang binabanatan, eto na siguro ‘yung kanilang pandiin.

Subalit nabasag ang masayang kwentuhan at tawanan ng dalawa nang biglang…

“Teka pareng Gelo nakikita mo ba ‘yung nakikita ko?”

“Hindi e. San banda pareng Jobert? Anong oras?”

“6 o’clock mo.”

“Pakagago mo talaga, ‘di ko talaga makikita ‘yan!”

“Wag ka pahalata, lingunin mo dahan-dahan… Ay puta shet!”

“Bakit ano ba ‘yun?”, habang marahan na lumilingon sa likuran niya.

Agad na tumayo si Jobert upang himasin ang likuran ng kaibigan sabay bitaw ng isang malamyos at mapagarugang kataga na “Tol andito lang ako…”, biglang natulala si Rogelio, nagngingilid ang mga luha. Ang kanina lang na labis niyang pagkaligaya ay biglang napalitan ng matinding pagdaramdam. Biglang nawalan ng saysay at kabuluhan ang lahat para sa kanya, gumuho ang kanyang mga pangarap at sa isang iglap nawalan ng ganang mabuhay nang makita sa kabilang table si Genoveva na may kasamang cute guy. Brush-up ang buhok, bukas ang polo may sandong puti sa loob. Shet ansakit…

Sa puntong ‘to pinipigilan na ni Rogelio huminga at pilit pinapahinto sa pagtibok ang kanyang puso, walang ibang tumatakbo sa isip kundi “Bakit-bakit-bakit?”. Walang ibang magawa si Jobert as friend sa kanyang kabigan kundi himasin ito sa likod at sabihan paulit-ulit ng “Kaya mo ‘yan tol andito lang ako…” na parang mantra. Gusto niya sana i-mouth to mouth resuscitation ang kaibigan upang hindi tuluyang mawalan ng hininga subalit andun ang pag aagam-agam niya dahil wala naman sila sa swimming pool o beach, ang diyahe nga naman.

Bagamat ganun pa man, andun talaga ang masidhing pagaalala ni jobert as a friend. Unti-unti namang pumapatak ang luha sa mga mata ni Rogelio habang tinutugtog ng banda ang acoustic version ng Price Tag. Andun na siya sa rurok ng kanyang pagdadalamhati ng biglang lumapit ang waiter at pinapapirmahan ang kanilang bill. At bilang kaibigan, umalma agad si Jobert as a friend.

“Wow sir antaba ng puso nyo, pakahusay ng timing nyo! Kita nyo nang nagdurugo puso ng kaibigan ko tas bigla mo kami sisingilin? May puso ka ba ha? Hindi ka pa siguro nasasaktan no? Heartache ‘yan ‘tol heartache! Pain pare para malinaw sayo! Manhid ka ba ha?”, sita ni Jobert as a friend sa cold hearted wicked waiter.  

Hanggang kaylan maghihintay ang waiter na pirmahan ni Rogelio ang bill nila? Magtagumpay kaya si Rogelio na mapahinto ang pagtibok ng kanyang puso? Saan hahantong ang paghimas-himas ni Jobert as a friend sa likuran ng kanyang kaibigang nagdaramdam?

SUNDAN…