Nairaos kamakailan lang
ang FHM 100 Sexiest Women in the Philippines 2013 at talaga namang umulan ng
mga naggagandahan at nagsesexihang katawan! Sana next time gawin nilang 1000
sexiest women para solid one to sawa talaga…
Subalit ang
ikinakabagabag namin ay kung bakit may mga kababaihan na ayaw masilipan ng bra
o panty pero kung makapagsuot ng two piece bikini sa beach, kita pa minsan ang
kuyukot at singit e proud na pround, magpapa-picture tapos ipo-post pa sa mga
social network sites para mas maraming makakita at para ito ay komentan o
i-like, bakit? Dahil ba akma naman sa beach ang bikini kaya ok lang? Pero
public places din naman ang mga beach maliban kung nasa private pool ngunit
ganun pa din kasi ipo-post din sa internet ang mga pictures. Ah kasi yung bra
and panty pang bahay lang talaga at pamproteksyon o support sa private part
kaya hindi pwede ipakita sa madla o sa lansangan? Ngunit maski garter man lang kasi
nito ayaw nila pakita talagang tatakpan, siguro nahihiya, longga na kasi…
Wirdo nga e, kapag
nabosohan ng panty ang isang artistang babae halimbawa o tipong nagpe-perform
sya at biglang tumaas ang palda kita panty instant controversy ‘yun na para
bang nakakahiya o nakakatawa. Kasi nga nasilipan sya ng panty which is hindi
dapat? Pero ‘yung same girl na ‘yun ay nagsusuot din naman ng two piece bikini
sa mga movie, tv, and magz. Anong pinagkaiba nun? May bayad kasi ‘yung pagsuot
nya nun? ‘Yung tela ba? O isa lamang itong social upbringing at media
programming?
Ganun din kasi kahit sa
mga ordinaryong kababaihan tulad nito, “Tang ina pare nakasabay ko kanina sa
jeep ‘yung classmate natin si ano _____________ nakabukaka sa harap ko kita
panty kulay maroon!” na para bang nasilayan na niya ang buong kalangitan kung
makapagkwento sa kaklase. Syempre hindi magpapatalo ‘yung kaklase, “Sarap
naman! Nakita ko nga picture nya last summer kagabi sa FB, anseksi tol!”.
Natural hindi papayag ‘yung nakaboso ng panty ni ano __________ na maungusan
sya ng kaklase, siya dapat bida e. “Wala ‘yan chong, ‘yung sakin live e sa
harap ko mismo…”.
Marahil mas secretive at
mas private kasi ang datingan ng panty kesa bikini kaya mistulang sacrilege o
blasphemy ito kapag nasilip ng kung sino. Naitanim na din kasi sa ulirat natin
na ang bikini ay pang swimming at ang panty pang akit sa partner. Pero ano pa
man suot ng partner mo sa kama huhubarin pa din ‘yan.
E ano kaya kung bra at panty naman ang suot ng mga babae sa beach or pool o mag papic lang ng naka bra at panty kaht sa loob ng kwarto lang ba ganun or pag bagong bili undies nila at i-post din sa internet? Sana may makaisip gawin 'yun maiba lang…
E ano kaya kung bra at panty naman ang suot ng mga babae sa beach or pool o mag papic lang ng naka bra at panty kaht sa loob ng kwarto lang ba ganun or pag bagong bili undies nila at i-post din sa internet? Sana may makaisip gawin 'yun maiba lang…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento