Biyernes, Agosto 9, 2013

WANBU NG BOGCHI


Facts –

1.Agosto ay buwan ng ating wikang pambansa.
2. Iba’t-iba ang dialect sa ating bansa.
3. Marami nang nausong wika sa ating bansa mula pa nung panahon ng mga “hippie” (sa pagkakaalam namin) hanggang sa panahon ngayon ng Facebook at androids.
4. Maski sila Gat. Andres Bonifacio at mga magigiting na Katipunero ay may sariling lenggwahe.
5. May sarili din silang alpabeto.

Kaya naman biglang sumagi sa puyat na isipan namin ang isa sa hit single ng bandang Eraserheads ang “Bogchi Hokbu”, bakit kanyo? Sapagkat bukod sa theme song ito ng Chippy commercial noon, maganda ang groove ng music nito at higit sa lahat ito ang kanta ng Eheads na kakaiba ang language o lyrics, pabaligtad. Tulad ng “Nosi Balasi” ni Sampaguita subalit mas hardcore ang Bogchi Hokbu dahil buong liriko nito in-reverse.

Nauso ang ganitong pananalita (sa pagkakaalam ule namin) noong dekada sitenta kung saan laganap ang mga hippies. Halimbawa imbes na Pare sabihin mo Repa o Erap, minsan dinadagdagan ng ibang shorten word magiging Repapips (Pips = People). Kotse ay Tsikot, Tigas ay Astig. Pwede mo din dagdagan ng S sa dulo para mas masarap bigkasin pampadulas ba kumbaga kagaya ng Hindi = Dehins, Malabo = Bomalabs.

Sa pagsusulat ng pabaligtad tanging si Leonardo Da Vinci lamang ang naitalang nakakagawa nito fluently, ewan lang sa ngayon anrami na kayang smart energy drink at mga gatas na IQ booster.

Bakit nila ginagawa ‘yun at para saan? Sila lang nakakaalam. Marahil bogsa sila o nasa altered-state of consciousness sila katulad ni Alice in Wonderland kaya in-reverse sila kung magsalita o jumbled ang mga words na nabibigkas. May mga nagsasabi din naman na kasi kaisa nila ang devil dahil pabaligtad din raw ang dialect nito.

Ops teka lang, kung kinutuban ka na tungkol sa backmasking ito at biglang nadismaya ay dehins na tenants kaylangan gawin ‘yun repa. Dahil kung totoong may subliminal o hidden message ang Bogchi Hokbu kapag pinatugtog ng pabaligtad ay narinig o naintindihan na iyon ng subconscious mind mo sa unanag pakinig pa lang in-normal play. Kaya 'wag maalarma...

Bogchi Hokbu lyrics –

Wanga tenants ng reksli
Toing takans na toyi
Napha oyats ng nengmi

Nananakirima
Bangbangbangalalala
Tastastasbobona

Bogchi Hokbu

Tokpu yota ng bolo
Bays otsu ng emsdi
Lambig sokpa si Sarsi

Ninhalalaama
Wawawahaginma
Ningningningmamani

Bogchi Hokbu

Sa unang pakinig iisipin mo ano kayang dialect ang ginamit nila rito, foreign? Native? O Alien language? Kung extreme pa ang pagka-paranoid mo at wala ka magawa sa dis-oras ng gabi katulad namin paghihinalaan mo na isa itong secret code o clue na magli-link sa kanta nilang “Spolarium” (same album with Bogchi Hokbu – Sticker Happy) na pinaghihinalaang patungkol di-umano sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma na shrouded of controversies ang pagkamatay. Maghihinala ka din na maso-solve ang enigmatic lyrics na ito gamit ang “Ang Na Ang Na” syllabic pattern na nauso din nung time ng mga hippies.

Bakit si Pepsi? Nabanggit kasi si Sarsi (Sarsi Emmanuel) sa lyrics na ka-batch ni Pepsi Paloma at isa din sa tinaguriang Softdrinks Beauties noon kasama si Coca Nicholas. Tapos may line pa na “Hanap tayo ng meaning” na para bagang naguudyok sa mga listeners to dig more deeper.

Pero ano nga ba ang sinasabi ng Bogchi Hokbu kapag inareglo ang lyrics? Eto sya –

Gawan natin ng lyrics
Itong kanta na ito
Hanap tayo ng meaning

Marikina
Alabang
Navotas

Chibog Buhok

Putok tayo ng lobo
Sabay suot ng DM’s
Biglang pasok si Cesar

Maalalahanin
Maginhawa
Maningning

Anong ibig sabihin kanyo? WALA. NOTHING. BUTA. Sa wikang hippie ALAWS. Kinukulit lang tayo ng Eheads at masyado lang din talaga silang malikhain. Maaari din na gusto lang nilang maiba, experiment ganyan kung maghi-hits pa din ang song kahit ganun ang lyrics.

Subalit para samin "sarcasm song" ‘to ng Eheads para sa mga nagsasabi na kapanalig nila si Satanas, may nakatagong maka-dyablong mensahe sa kanilang mga kanta, o binenta nila ang kanilang kaluluwa sa devil para sumikat. Birit nga ni Tina Arena sa kantang Burn, “Be anyone you want to be, bring to life your fantasies, But I Want Something In Return. I Want You To Burn, Burn For ME Baby”. Yeah as in burn in hell beh.

Umugong din talaga kasi nung mid-90’s na may hidden messages nga daw sa mga song ng heads in backmasking. Ewan, sinubukan ko gibberish lang narinig ko siguro depende sa listener talaga. Minsan kasi tayo na lang nagbibigay ng meaning sa mga bagay-bagay kahit wala naman lalu na kung naghahagilap talaga tayo ng patterns. Ito ang human brain phenomenon na kung tawagin ay “Pareidolia”.

But to make things clear, dehins lahat ng backmasking repapips ay diabolical ang hidden message. Perfect example dito ang song ng bandang TOOL na “Intension”. Sa intro nito ay makakarinig ng gibberish whispers at aakalain mong dinadasalan ka nila na tumalon sa LRT o umakyat ng billboard at magpa-media. Pero hindi. Dahil kapag ito ay binakmas na very positive pala ang mensahe.

“Listen to your mother. Your father is right. Work hard. Stay in school. Listen to your mother. Your father is right. Listen to your mother. Your father is right.”

Sa Bogchi Hokbu na Chibog (means kain) Buhok o Kain Buhok ang literal na ibig sabihin, may mga nag-interpret na about ito sa Cunnilingus = Chibog Buhok. Pwede. Siguro dahil nakita din nila ‘yung line na “Putok tayo ng lobo” as reference to condom kaya nabahirannila ng malisya. Sabi nga sa kantang Balong Malalim -

"Gusto n'yang mag-swimming sa balong malalim...Gusto pang kumain, kumain nang kumain. Hindi naman nabubusog sa kanyang kinain...Sige pa nang sige, kahit na dumudumi ang isipan ng tao dito sa mundong ito. O wala na bang remedyo ang ating mga ULO?" ~ Juan Dela Cruz band

Matagal nang buwag ang Eraserheads subalit mananatili ang kanilang mga iconic songs lalu na sa mga nagkamalay nung dekada nubenta. Walang lihitimong may alam kung talaga bang isa silang PUNKS (People Under New Kingdom of Satan) o isa silang KISS (Knights In Satan’s Service); mga pauso ‘yan nung 80’s naman. Ang tanging sure lang ay isa sila sa most influential bands dito sa Pinas.

Nasa sayo na kung maniniwala ka sa backmasking o hindi. Marubdob nga na tagubilin nila Madam Zenaida at Madam Rosa, “May freewill tayo, gamitin natin ito”.

Ang nakakaloka pumasok sa aming isipan ang kantang Bogchi Hokbu ngayong Agosto which is also The Ghost Month or Hungry Ghost Festival ayon sa Chinese tradition na kung saan open daw ang Gate of Spirit World kaya payo nila magingat sa mga “hungry ghost” na gumagala. Hungry = Gutom, pag gutom kakain. Chibog = Bogchi. Naloko na! Coincidence? I report you decide... Awooooooooooooo!

1 komento: