Ipinapakita ang mga post na may etiketa na satan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na satan. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Agosto 9, 2013

WANBU NG BOGCHI


Facts –

1.Agosto ay buwan ng ating wikang pambansa.
2. Iba’t-iba ang dialect sa ating bansa.
3. Marami nang nausong wika sa ating bansa mula pa nung panahon ng mga “hippie” (sa pagkakaalam namin) hanggang sa panahon ngayon ng Facebook at androids.
4. Maski sila Gat. Andres Bonifacio at mga magigiting na Katipunero ay may sariling lenggwahe.
5. May sarili din silang alpabeto.

Kaya naman biglang sumagi sa puyat na isipan namin ang isa sa hit single ng bandang Eraserheads ang “Bogchi Hokbu”, bakit kanyo? Sapagkat bukod sa theme song ito ng Chippy commercial noon, maganda ang groove ng music nito at higit sa lahat ito ang kanta ng Eheads na kakaiba ang language o lyrics, pabaligtad. Tulad ng “Nosi Balasi” ni Sampaguita subalit mas hardcore ang Bogchi Hokbu dahil buong liriko nito in-reverse.

Nauso ang ganitong pananalita (sa pagkakaalam ule namin) noong dekada sitenta kung saan laganap ang mga hippies. Halimbawa imbes na Pare sabihin mo Repa o Erap, minsan dinadagdagan ng ibang shorten word magiging Repapips (Pips = People). Kotse ay Tsikot, Tigas ay Astig. Pwede mo din dagdagan ng S sa dulo para mas masarap bigkasin pampadulas ba kumbaga kagaya ng Hindi = Dehins, Malabo = Bomalabs.

Sa pagsusulat ng pabaligtad tanging si Leonardo Da Vinci lamang ang naitalang nakakagawa nito fluently, ewan lang sa ngayon anrami na kayang smart energy drink at mga gatas na IQ booster.

Bakit nila ginagawa ‘yun at para saan? Sila lang nakakaalam. Marahil bogsa sila o nasa altered-state of consciousness sila katulad ni Alice in Wonderland kaya in-reverse sila kung magsalita o jumbled ang mga words na nabibigkas. May mga nagsasabi din naman na kasi kaisa nila ang devil dahil pabaligtad din raw ang dialect nito.

Ops teka lang, kung kinutuban ka na tungkol sa backmasking ito at biglang nadismaya ay dehins na tenants kaylangan gawin ‘yun repa. Dahil kung totoong may subliminal o hidden message ang Bogchi Hokbu kapag pinatugtog ng pabaligtad ay narinig o naintindihan na iyon ng subconscious mind mo sa unanag pakinig pa lang in-normal play. Kaya 'wag maalarma...

Bogchi Hokbu lyrics –

Wanga tenants ng reksli
Toing takans na toyi
Napha oyats ng nengmi

Nananakirima
Bangbangbangalalala
Tastastasbobona

Bogchi Hokbu

Tokpu yota ng bolo
Bays otsu ng emsdi
Lambig sokpa si Sarsi

Ninhalalaama
Wawawahaginma
Ningningningmamani

Bogchi Hokbu

Sa unang pakinig iisipin mo ano kayang dialect ang ginamit nila rito, foreign? Native? O Alien language? Kung extreme pa ang pagka-paranoid mo at wala ka magawa sa dis-oras ng gabi katulad namin paghihinalaan mo na isa itong secret code o clue na magli-link sa kanta nilang “Spolarium” (same album with Bogchi Hokbu – Sticker Happy) na pinaghihinalaang patungkol di-umano sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma na shrouded of controversies ang pagkamatay. Maghihinala ka din na maso-solve ang enigmatic lyrics na ito gamit ang “Ang Na Ang Na” syllabic pattern na nauso din nung time ng mga hippies.

Bakit si Pepsi? Nabanggit kasi si Sarsi (Sarsi Emmanuel) sa lyrics na ka-batch ni Pepsi Paloma at isa din sa tinaguriang Softdrinks Beauties noon kasama si Coca Nicholas. Tapos may line pa na “Hanap tayo ng meaning” na para bagang naguudyok sa mga listeners to dig more deeper.

Pero ano nga ba ang sinasabi ng Bogchi Hokbu kapag inareglo ang lyrics? Eto sya –

Gawan natin ng lyrics
Itong kanta na ito
Hanap tayo ng meaning

Marikina
Alabang
Navotas

Chibog Buhok

Putok tayo ng lobo
Sabay suot ng DM’s
Biglang pasok si Cesar

Maalalahanin
Maginhawa
Maningning

Anong ibig sabihin kanyo? WALA. NOTHING. BUTA. Sa wikang hippie ALAWS. Kinukulit lang tayo ng Eheads at masyado lang din talaga silang malikhain. Maaari din na gusto lang nilang maiba, experiment ganyan kung maghi-hits pa din ang song kahit ganun ang lyrics.

Subalit para samin "sarcasm song" ‘to ng Eheads para sa mga nagsasabi na kapanalig nila si Satanas, may nakatagong maka-dyablong mensahe sa kanilang mga kanta, o binenta nila ang kanilang kaluluwa sa devil para sumikat. Birit nga ni Tina Arena sa kantang Burn, “Be anyone you want to be, bring to life your fantasies, But I Want Something In Return. I Want You To Burn, Burn For ME Baby”. Yeah as in burn in hell beh.

Umugong din talaga kasi nung mid-90’s na may hidden messages nga daw sa mga song ng heads in backmasking. Ewan, sinubukan ko gibberish lang narinig ko siguro depende sa listener talaga. Minsan kasi tayo na lang nagbibigay ng meaning sa mga bagay-bagay kahit wala naman lalu na kung naghahagilap talaga tayo ng patterns. Ito ang human brain phenomenon na kung tawagin ay “Pareidolia”.

But to make things clear, dehins lahat ng backmasking repapips ay diabolical ang hidden message. Perfect example dito ang song ng bandang TOOL na “Intension”. Sa intro nito ay makakarinig ng gibberish whispers at aakalain mong dinadasalan ka nila na tumalon sa LRT o umakyat ng billboard at magpa-media. Pero hindi. Dahil kapag ito ay binakmas na very positive pala ang mensahe.

“Listen to your mother. Your father is right. Work hard. Stay in school. Listen to your mother. Your father is right. Listen to your mother. Your father is right.”

Sa Bogchi Hokbu na Chibog (means kain) Buhok o Kain Buhok ang literal na ibig sabihin, may mga nag-interpret na about ito sa Cunnilingus = Chibog Buhok. Pwede. Siguro dahil nakita din nila ‘yung line na “Putok tayo ng lobo” as reference to condom kaya nabahirannila ng malisya. Sabi nga sa kantang Balong Malalim -

"Gusto n'yang mag-swimming sa balong malalim...Gusto pang kumain, kumain nang kumain. Hindi naman nabubusog sa kanyang kinain...Sige pa nang sige, kahit na dumudumi ang isipan ng tao dito sa mundong ito. O wala na bang remedyo ang ating mga ULO?" ~ Juan Dela Cruz band

Matagal nang buwag ang Eraserheads subalit mananatili ang kanilang mga iconic songs lalu na sa mga nagkamalay nung dekada nubenta. Walang lihitimong may alam kung talaga bang isa silang PUNKS (People Under New Kingdom of Satan) o isa silang KISS (Knights In Satan’s Service); mga pauso ‘yan nung 80’s naman. Ang tanging sure lang ay isa sila sa most influential bands dito sa Pinas.

Nasa sayo na kung maniniwala ka sa backmasking o hindi. Marubdob nga na tagubilin nila Madam Zenaida at Madam Rosa, “May freewill tayo, gamitin natin ito”.

Ang nakakaloka pumasok sa aming isipan ang kantang Bogchi Hokbu ngayong Agosto which is also The Ghost Month or Hungry Ghost Festival ayon sa Chinese tradition na kung saan open daw ang Gate of Spirit World kaya payo nila magingat sa mga “hungry ghost” na gumagala. Hungry = Gutom, pag gutom kakain. Chibog = Bogchi. Naloko na! Coincidence? I report you decide... Awooooooooooooo!

Miyerkules, Hunyo 12, 2013

SUBLIMINAL INVASION

Matapos ang Araw ng Kalayaan, oras na upang palayain ang ating mata, buksan ang third eye para makita at maging aware sa mga simple, hidden, occult symbolization sa mga tv ads na ating napapanood o siguro maging sa mga patalastas na makikita natin sa lansangan.

Mahalaga ang tv ad para sa mga istasyon dahil dito sila kumikita, at madalas dito rin nakasalalay ang itatagal ng isang tv show. Mula din rito nakakabuo tayo ng pansamantalang libangan habang nanonood kasama ang mga kalaro, kamag-anak, o mga kapitbahay tulad ng unahan kung sinong makakahula ng produktong kino-commercial, pedeng iskoran pwedeng hindi at ang premyo ay nagba-vary sa kung anong napagkasunduan ninyo. Maaring pitik, kutos, sulat lipstick sa mukha or yung nakahula lang ang may karapatang dumaklot sa bowl ng Korniks na may suka. Pero syempre pagtapos ng palabas lahat pwede nang kumuha, pinagambagan nyo ‘yun e.

Sandali, ano muna ang subliminal? Para sa mga hindi pa nakakaalam ito ho yung mga mensahe na napi-picked up ng ating subconscious mind, malimit itong ipadala sa mga panoorin at mga music nang hindi natin nalalaman dahil nga hindi conscious rito ang ating conscious mind. Subalit ‘yun e kung hindi tayo aware, pero dahil nga binabasa mo ang sulating ito ngayon dahan-dahan mao-open na ang iyong ikatlong mata (grin smile).

But beware, hindi lahat ng subliminal messages madaling ma-detect kahit na aware ka pa rito, iba-iba din kasi ang kanilang teknik sa pagpapadala nito. Meron lang din talagang sobrang obvious lalu na kung may ideya ka na sa mga symbols or rituals. At kung nagtatanong ka kung ano ang kanilang intensyon bakit nila ginagawa ‘yun ay hindi din namin alam. Depende talaga sa sender at kung anong motibo nila.

Ngayon balik sa mga tv ads. Ilan sa mga ito ang nakapukaw ng aming atensyon. Siguro naman napanood mo na rin ‘yung commercial ni Loydi (John Lloyd Cruz) na Lucky Me Pancit Pares Chicken Inasal? Kung hindi pa, masdan mo ang pic ng sulating ito, screen shot ‘yan sa ending part ng nasabing patalastas.



“O ano ngayon?! Ampogi ni Papa John Lloyd!”, sabi mo siguro. But wait, take another look and see how he cover his right eye. “O ano naman? Baka porma lang…”, maaari. Pero isa itong obvious sign para sa All Seeing Eye in occult world na madalas din makita sa mga music video nila Lady Gaga, Rihanna, Nikki Minaj, and many more.

Walang kasiguraduhan kung ano ba intensyon ng commercial na ‘to, kung isa ba ‘tong joke or form of mockery o isa ‘tong “nod” upang sabihin na “We are one of them” na nagpapatakbo behind those foreign artists. Pero andun kasi e, malinaw dahil hindi lang sa All Seeing Eye natatapos ang commercial na ‘to. Masdan din ang left-hand ni Loydi kung pano niya bitbitin ang plato. Nakita mo? It’s a Horn sign, another occult symbol to address or praise the devil, Satan, Baphomet etc. for the power.

Common ito sa mga rockstar subalit maski sa pop culture ginagawa na din nila ito pati na din sa ilang Kpop artists, even Manny Pacquiao na napakamadasalin used this hand gesture to some of his weight-in and after the fight never forgets to thank God, Hmmm… Sinong god kaya ‘yun? Also ang nag-resign na si Pope Benedict XVI ay madalas din makitaan na ginagamit ang Satanic sign na ito, asteeeeeeg…



As we can see, they are everywhere and Lucky Me Pancit Pares Chicken Inasal commercial gets even further sa sandamakmak nitong simbolismo. Check mo din ‘yung babae sa likod niya, chicken inasal ba ang pino-portray nya o isang peacock? Kaw na mag-decide pero para samin malinaw na peacock ‘yan. Feathers pa lang huli na at ang headdress niya, wow ambongga kahawig talaga ng palong ng manok ha.  

“E ano naman ulet kung peacock ‘yun?, again another occult symbol ‘yun para sa mga secret societies. Napakinggan mo naman na siguro ‘yung song na Peacock ni Katy Perry at napanood ang music video ni Miley Cyrus na Can’t Be Tamed ‘di ba? Halos lahat nilalagay nila sa mga pop music dahil ito ang mas nakararaming listener at mas madalas ang airtime.

Pansinin din sa screen shot na ‘to na kahit hindi pasko e naka-Santa Claus costume ang babae, hmmm… bakit kaya? (to know why, read our book The Secret Book of the Philippines). Actually mas mukha siyang pagan goddess kesa sa manok hindi ba?

Isa pang bulgar na tv ad ay ang Mekeni Pork Tocino with Chef Boy Logro, ping-ping-ping-ping! Sa ending ng patalastas sabay-sabay sila kasama ng dalawang babae na nagtaas ng OK sign (sori wala kong nakuhang exact pictures watch mo na lang).

“So what? What’s wrong with Ok sign? ‘Yun naman talaga ang hand gesture ng mga chef?”, oo pero dapat nakatapat sa bibig ‘di ba?



Ok. Bukod sa sign ito ng mga ganja user to show how to smoke Marijuana, ito rin ay secret symbol para sa 666 (the beast) ng mga secret societies and the occults. Tignan maigi ang kamay kung paano na-form ang tatlong six.


Makikita din ito sa commercial at ibang pakete ng Maggi Magic Sarap. Pagmasdan mabuti ang kamay ng mga celebrities na nage-endorse nito kung pano nila i-sprinkle ang nasabing produkto sa kanilang lutuin. 


Touch of the Beast? Sarap ‘di ba? Kaya naman si Chef Boy Logro...


Na-magic. Ping-ping-ping!

Kitang-kita din ito sa logo ng Solaire Resort and Casino na malimit din i-commercial sa tv. Masdan mabuti ang solar flare sa sun logo nila.



Pero ang enigmatic sa lahat ay ang bubble man commercial ng Surf Fabcon kung saan bawat baby na nakakapanood nito ay tumatahan sa pag iyak o humihinto sa kanilang ginagawa kapag narinig na ang tunog ng patalastas na ito. Maganda kasi ‘yung pagkagawa? Makulay, cute ang tunog? Ewan.

Marami na silang version nito na animoy sequel-sequel ang dating pero isa sa version na ‘yun ang nag iwan ng clue. Iyon ‘yung version na nag-sumo ang dalawang bubble man. Kapag ang eksena ay maliit sila mukha silang star. Sa ending nun nagbanggaan sila, bumaliktad and anong na-form nila? A cute bubbly inverted-pentagram na isa na naman sa mga occult and pagan symbols (sori ulet wala kong nakuhang pic watch mo na lang din).

Ang pinakatanong ay “Anong ibig sabihin ng lahat ng ‘to? Nakakatulong ba ‘to sa pang araw-araw na pamumuhay?”. Ewan. Mahirap masabi kasi it’s either good or bad. Depende pa din talaga sa tumitingin at gumagamit ng mga symbols na ito kaya ika nga sa pelikulang The Matrix

“You have to see it for yourself.  I’m trying to free your mind, Neo. But I can only show you the door. You’re the one that has to walk through it…” ~ Morpheus

“For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places.” ~ Ephesians 6:12

Teka, chaper  6 verse 12? OK.