Matapos ang Araw ng
Kalayaan, oras na upang palayain ang ating mata, buksan ang third eye para
makita at maging aware sa mga simple, hidden, occult symbolization sa mga tv
ads na ating napapanood o siguro maging sa mga patalastas na makikita natin sa
lansangan.
Mahalaga ang tv ad para
sa mga istasyon dahil dito sila kumikita, at madalas dito rin nakasalalay ang
itatagal ng isang tv show. Mula din rito nakakabuo tayo ng pansamantalang
libangan habang nanonood kasama ang mga kalaro, kamag-anak, o mga kapitbahay
tulad ng unahan kung sinong makakahula ng produktong kino-commercial, pedeng
iskoran pwedeng hindi at ang premyo ay nagba-vary sa kung anong napagkasunduan
ninyo. Maaring pitik, kutos, sulat lipstick sa mukha or yung nakahula lang ang
may karapatang dumaklot sa bowl ng Korniks na may suka. Pero syempre pagtapos
ng palabas lahat pwede nang kumuha, pinagambagan nyo ‘yun e.
Sandali, ano muna ang
subliminal? Para sa mga hindi pa nakakaalam ito ho yung mga mensahe na
napi-picked up ng ating subconscious mind, malimit itong ipadala sa mga
panoorin at mga music nang hindi natin nalalaman dahil nga hindi conscious rito
ang ating conscious mind. Subalit ‘yun e kung hindi tayo aware, pero dahil nga
binabasa mo ang sulating ito ngayon dahan-dahan mao-open na ang iyong ikatlong
mata (grin smile).
But beware, hindi lahat
ng subliminal messages madaling ma-detect kahit na aware ka pa rito, iba-iba
din kasi ang kanilang teknik sa pagpapadala nito. Meron lang din talagang
sobrang obvious lalu na kung may ideya ka na sa mga symbols or rituals. At kung
nagtatanong ka kung ano ang kanilang intensyon bakit nila ginagawa ‘yun ay
hindi din namin alam. Depende talaga sa sender at kung anong motibo nila.
Ngayon balik sa mga tv
ads. Ilan sa mga ito ang nakapukaw ng aming atensyon. Siguro naman napanood mo
na rin ‘yung commercial ni Loydi (John Lloyd Cruz) na Lucky Me Pancit Pares
Chicken Inasal? Kung hindi pa, masdan mo ang pic ng sulating ito, screen shot
‘yan sa ending part ng nasabing patalastas.
“O ano ngayon?! Ampogi
ni Papa John Lloyd!”, sabi mo siguro. But wait, take another look and see how
he cover his right eye. “O ano naman? Baka porma lang…”, maaari. Pero isa itong
obvious sign para sa All Seeing Eye in occult world na madalas din makita sa
mga music video nila Lady Gaga, Rihanna, Nikki Minaj, and many more.
Walang kasiguraduhan
kung ano ba intensyon ng commercial na ‘to, kung isa ba ‘tong joke or form of
mockery o isa ‘tong “nod” upang sabihin na “We are one of them” na nagpapatakbo
behind those foreign artists. Pero andun kasi e, malinaw dahil hindi lang sa
All Seeing Eye natatapos ang commercial na ‘to. Masdan din ang left-hand ni
Loydi kung pano niya bitbitin ang plato. Nakita mo? It’s a Horn sign, another
occult symbol to address or praise the devil, Satan, Baphomet etc. for the
power.
Common ito sa mga
rockstar subalit maski sa pop culture ginagawa na din nila ito pati na din sa
ilang Kpop artists, even Manny Pacquiao na napakamadasalin used this hand
gesture to some of his weight-in and after the fight never forgets to thank
God, Hmmm… Sinong god kaya ‘yun? Also ang nag-resign na si Pope Benedict XVI ay
madalas din makitaan na ginagamit ang Satanic sign na ito, asteeeeeeg…
As we can see, they are
everywhere and Lucky Me Pancit Pares Chicken Inasal commercial gets even
further sa sandamakmak nitong simbolismo. Check mo din ‘yung babae sa likod
niya, chicken inasal ba ang pino-portray nya o isang peacock? Kaw na mag-decide
pero para samin malinaw na peacock ‘yan. Feathers pa lang huli na at ang headdress
niya, wow ambongga kahawig talaga ng palong ng manok ha.
“E ano naman ulet kung
peacock ‘yun?, again another occult symbol ‘yun para sa mga secret societies.
Napakinggan mo naman na siguro ‘yung song na Peacock ni Katy Perry at napanood
ang music video ni Miley Cyrus na Can’t Be Tamed ‘di ba? Halos lahat nilalagay
nila sa mga pop music dahil ito ang mas nakararaming listener at mas madalas
ang airtime.
Pansinin din sa screen
shot na ‘to na kahit hindi pasko e naka-Santa Claus costume ang babae, hmmm…
bakit kaya? (to know why, read our book The Secret Book of the Philippines).
Actually mas mukha siyang pagan goddess kesa sa manok hindi ba?
Isa pang bulgar na tv
ad ay ang Mekeni Pork Tocino with Chef Boy Logro, ping-ping-ping-ping! Sa ending
ng patalastas sabay-sabay sila kasama ng dalawang babae na nagtaas ng OK sign (sori
wala kong nakuhang exact pictures watch mo na lang).
“So what? What’s wrong
with Ok sign? ‘Yun naman talaga ang hand gesture ng mga chef?”, oo pero dapat
nakatapat sa bibig ‘di ba?
Ok. Bukod sa sign ito
ng mga ganja user to show how to smoke Marijuana, ito rin ay secret symbol para
sa 666 (the beast) ng mga secret societies and the occults. Tignan maigi ang
kamay kung paano na-form ang tatlong six.
Makikita din ito sa
commercial at ibang pakete ng Maggi Magic Sarap. Pagmasdan mabuti ang kamay ng
mga celebrities na nage-endorse nito kung pano nila i-sprinkle ang nasabing
produkto sa kanilang lutuin.
Touch of the Beast? Sarap ‘di ba? Kaya naman si
Chef Boy Logro...
Na-magic. Ping-ping-ping!
Kitang-kita din ito sa
logo ng Solaire Resort and Casino na malimit din i-commercial sa tv. Masdan
mabuti ang solar flare sa sun logo nila.
Marami na silang
version nito na animoy sequel-sequel ang dating pero isa sa version na ‘yun ang
nag iwan ng clue. Iyon ‘yung version na nag-sumo ang dalawang bubble man. Kapag
ang eksena ay maliit sila mukha silang star. Sa ending nun nagbanggaan sila,
bumaliktad and anong na-form nila? A cute bubbly inverted-pentagram na isa na
naman sa mga occult and pagan symbols (sori ulet wala kong nakuhang pic watch
mo na lang din).
Ang pinakatanong ay “Anong
ibig sabihin ng lahat ng ‘to? Nakakatulong ba ‘to sa pang araw-araw na
pamumuhay?”. Ewan. Mahirap masabi kasi it’s either good or bad. Depende pa din
talaga sa tumitingin at gumagamit ng mga symbols na ito kaya ika nga sa
pelikulang The Matrix
“You have to see it for
yourself. I’m trying to free your mind, Neo.
But I can only show you the door. You’re the one that has to walk through it…”
~ Morpheus
“For we wrestle not against flesh and blood, but
against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of
this world, against spiritual wickedness in high places.” ~ Ephesians 6:12
Teka, chaper
6 verse 12? OK.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento