Tilamsik
sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)
~Ang Katapusan~
Ang
Nakaraan…
Sa
sobrang tagal maaari itong makalimutan at hinding-hindi na kaylan man
matandaan. Hindi na nga ba talaga matandaan ang nakaraan o hindi na lang alam
kung papano duduktungan?
Pero
syempre tulad ng napagkasunduan na huling kabanata, narito na ang katapusan.
Katulad din ng lahat ng bagay sa mundo, lahat may hangganan, lahat may wakasan…
Parehong
naospital si Rogelio at ang guy na nakabukas ang polo na may sandong fit sa
loob. Ang kanilang maaksyong suntukan ay nauwi sa malagim na kapinsalaan
subalit mas malala ang lagay ng guy na nakabukas ang polo dala ng pagkakapukpok
ng bato ni Genoveva sa kanyang ulo. Halos mag 50-50 ang guy na ‘yun at
ma-comatose.
Ilang
buwan na syang nakaratay sa banig ng karamdaman habang si Rogelio makalipas ang
dalawang linggo ay naka-recover na dahil syempre ‘yon sa mapagmahal na alaga ni
Genoveva at palakaibigang asikaso ni Jobert as a friend kahit na may plaster of
paris pa syang puno ng vandal ng mga kaibigan, kaklase, kaanak at mga
kapitbahay sa kanyang nakomang na braso dala ng pagkakatapak-tapak sa kanya ng
mga nagsasayaw habang sya’y nakahandusay sa dance floor.
Isang
mahangin at ‘di kainitang araw habang naglalambingan si Rogelio at Genoveva sa
may bakuran, nagkakatuwaan sila kasama si Jobert as a friend na komang,
pinagkukwentuhan nila ang mga masasayang nagdaan nang biglang isang nakakagulat
at malakas na ring ng cellphone ang bumasag sa kaunti nilang kasiyahan. “Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg!!!”
“Hello???”,
nagtataka at medyo gulat na sagot ni Rogelio habang nakatingin lang sa kanya
ang dalawa, nagaabang.
“Yes
speaking.”
“Opo
kilala ko po. Opo-opo kilala namin.”
“Ha?
Ay yes andito po kasama ko sila ngayon. Eh-“
“As
in ngayon na?”, pa-hesitate na tugon ni Rogelio sa kausap habang nakakunot na
ang noo ni Genoveva at Jobert as a friend na komang na sa kawa-wonder na may
halong pagkainip na malaman kung ano kaya ang pinaguusapan at sino ang kausap
ni Rogelio sa cellphone.
“San
po ulet?”
“Ah
yes opo alam po namin ‘yan. Sige po punta kame diyan.. eh-“
“As
in ngayon na mismo talaga? Gano daw ba kaimportante?”
“Ah
sige-sige po papunta na kame mga after 30mins.”
“Ok.
Sige po thank you bye.”
Nakatitig
ang dalawa kay Rogelio naghihintay ng makabuluhang impormasyon.
Mga
ilang Segundo din muna ang lumipas bago nakapagsalita si Rogelio, huminga muna
sya ng malalim ‘yung tipong muntik na siyang hindi maka-exhale sa sobrang
lalim.
“Guys
need natin pumunta sa ospital.”
“WHAT?!”,
oa na sigaw ng dalawa.
“Pinapapunta
daw tayo nung guy na nakasuntukan ko sa bar, ano ba name nun?”
“Hindi
ko din alam first meet namin dun nun may sasabihin daw sya tapos nung sasabihin
pa lang niya name niya bigla ka umeksena kaya ‘yun ‘di na nya nasabi…”, maliwanag
na paliwanag ni Genoveva. “Bakit daw ba?”
“May
importante daw sasabihin sa atin sabi nung nurse na kausap ko.”, sagot agad ni
Rogelio.
“E
baka ‘yun ang sasabihin niya sa atin kung anong name niya?”, proud na hirit ni
Jobert as a friend na ngayo’y komang na.
“Hindi
mukhang seryoso e.”, malumanay na tugon ni Rogelio.
“Guys
baka gaya ‘to ng mga napapanood ko sa tv na tipong mamamatay na ‘yung may sakit
tas may ibibilin sa atin na misyon o kayamanan, chance na natin ‘to yes!”,
proud ule na hirit ni Jobert as friend na komang na.
“Ano
pang inaantay natin?”, patanong na kayag naman ni Genoveva.
“Tara.”,
nagiisip na sagot naman ni Rogelio.
Hindi
na ilalahad dito kung pano sila naglakad papuntang kalsada, pumara ng jeep pero
puno lahat kaya napilitan silang mag-taxi na lang papuntang ospital, mabilis
ang byahe hindi gaanong trapik. Natural ambagan sa pamasahe P150.00
Pagdating
sa kwarto ng guy na nakabukas ang polo, agad silang pinapasok ng nurse na
nagbabantay rito.
“Ma…ma…bubu…ti..naka…kaka..ra..ting..kayo.”,
nangangatal at hirap-hirap na pagbati sa kanila ng guy na nakabukas ang polo.
“Oo
nagmadali nga kame. Kamusta ka na?”, tugon ni Rogelio.
“Hihin…di…na…mahalagagaga…’yon…Ang
im…im…por…tatatatan…te…ay mala…mamaman…nyo na hindididi…pwede… maging
kakakayo..”, medyo paangil na sabi ng guy na bukas ang polo.
“Hanggang
ngayon pa din ba hinahadlangan mo kame? Tama na please… Ang importante gumaling
ka at makalabas dito.”, slightly imbyernang sagot agad ni Genoveva.
“Tama
sya pare. ‘Wag mo na muna isipin ‘yon, importante lumakas ka…”, segunda ni
Rogelio habang si Jobert as a friend abala sa pagdu-doodle sa plaster of paris nya
sa braso.
Dinalahit
ng ubo ang guy na nakabukas ang polo, hinamas naman agad nila Rogelio ang
kanyang umbok na dibdib. Pinipilit nung guy na makapagsalita at mai-deliver ng
maayos ang susunod niyang linya.
“Hi-hindi
nga pu-pwede maging kayo dahil magkapatid kayo!”, sabay ubo ule na animoy may
TB ang guy na may bukas na polo.
Gulat
na gulat naman ang tatlo pati na din ang nurse na nakikiusyoso sabay-sabay sila
malakas, malagong “WHAAAT!!!”
“Oo
tama ang narinig nyo (ubo), magkapatid kayo at kapatid nyo din ako. ‘Yun ang
dahilan kung bat ako nandito at yun din ang sasabihin ko sayo sa bar Genoveva.
Magkakapatid tayong tatlo…(ubo-ubo-ubo)”, pagpapatuloy ng guy na nakabukas ang
polo.
“Papa-
She- Hindi ako makapaniwala!”, sigaw ni Genoveva.
“Oh
my gad! May nagya- shet o hindi! Bakit hindi mo agad sinabi?!!!”, may halong
suklam sa sariling sigaw naman ni Rogelio.
“Ang
askad mo kasi bigla ka umeksena nagtatakbo ka pa nung inawat ko kayong
maglaplapan.”, paliwanag ng guy na nakabukas ang polo.
“Pare
totoo ba ‘yan? Panong nangyari na naging magkakapatid kayo?”, taking tanong na
sabat naman ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.
“Nagkahiwa-hiwalay
kame nung mga bata pa kame. Dinala sa ampunan at muola doon nagkalayo-layo kame
ng landas dahil iba-ibang pamilya ang umampon sa amin… Ilan taon ko kayong hinanap
mga kapatid ko salamat na lang sa facebook na-search ko kayo tinaype ko lang
name nyo lumabas agad. At tyak naman akong kayo nga ‘yan dahil na din sa
sandamakmak nyong photos at pagpost ng lahat ng nangyayari sa inyo. Thank Lord
talaga nagkita-kita tayo.”
Isang
rebelasyon ang gumimbal sa tambalang GeloGen, papaano na ang mga nangyari sa
kanila? Ano ang magiging hitsura ng kanilang anak kung sakali man ngayong
magkapatid sila dugo’t laman? Sa tono ng mga tanong na ‘to may mga kasagutan pa
kaya ito gayong sinabi na sa unahan na ang episode na ‘to ay ang katapusan na?
Napakarami
pang sinasabi subalit ang totoo ay hindi na lang alam kung pano pa tatapusin
ang kwentong ‘to. Katulad na lang kaya ng kanta ng Parokya na bigla na lang
mawawala o mag-fadeout
na lang kagaya ng style ng mga songs nung
80’s na tipong pahina
Nang
pahina…
Nang
pahina…
Nang
pahina…
Nang
pahina.
Hanggang
sa hindi mo na lang mabasa…
O
maaninag man lang.
Ayod
‘di ba?
End.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento