Miyerkules, Marso 27, 2013

HOLY WEEK NOON at NGAYON:




*ang susunod mong mababasa ay base at hango sa tunay na buhay…

Nung kabataan ko ayokong-ayoko sumasapit ang Mahal na Araw, hindi naman sa antikrismo ako kundi dahil sa napakarami lang kasing bawal noon, grabe ang sikat ng araw, at walang magawa, as in. Patibayan talaga sa pagkainip, buryong, at aburido sa init. Walang mapanood sa t.v. meron man marathon ‘yun ng Bible In The Beginning, Ten Commandments, Jesus of Nazareth, Ben Hur etc. at kung may cartoons tiyak The Flying House ‘yun or cartoon version ng mga nabanggit na pelikula sa itaas.

Mapagkakasunduan naman ng pamilya namin na manood na lang ng vcd or vhs na ni-rent bago pa mag Holy Week. Alam mo na kung ano ang ni-rent, mga pelikula din na nabanggit sa taas.

Wala din makausap sa telepono at wala din matambayan dahil nasa probinsya ang tropa. Walang mapakinggan sa radyo kundi puro bible explorations, preachers, at audio version ng mga pelikulang nabanggit sa taas. Bawal naman magpatugtog ng tape, or cd dahil bawal mag ingay or magpatugtog ng kahit anong music. Wala kang ibang ingay na maririnig kundi ang alingawngaw sa megaphone ng mga lolang nagpapasyon kaya para maka-survive makikikanta na lang din.

“Nang si Hudas ay madulas tatlong balbas ang nalagas…”

Lumabas ka man para mamasyal o magpalamig, sarado lahat ng mall, parang may epidemya sa karsada napakadalang ng tao, walang trapik.

Pero nakaka-missed din pala ‘yung ganun. Ngayon kasi andami nang mapaglilibangan ng tao, cellphone, tablet, at eto nga computer and internet. Andali na din mahagilap ng tropa, may GPS na at Google map. Iba na din ang palabas sa t.v., swerte pa may cable na, open mga istasyon sa radyo, pwede na mag patugtog ng na-download na mp3 at manood ng downloaded movies. Basag ang tanikala at pagkagapos sa boredom. Bukas na din ang ilang mall, at dahil sa climate change medyo malamig na ang panahon, umuulan-ulan pa sa ilang karatig na lalawigan ‘wag ka.

Na-realized ko mas boring pala ngayon kumpara noon. Andun ang sakripisyo talaga ng tao noon, pagpipigil, at pagtitika. May challenge. Pakadaming bawal in 3 days, kulang na lang bawal huminga.

Bawal kumain ng paborito kong karne. Naalala ko kapag Kwaresma hindi talaga namamalengke si Nanay, umaasa lang kame sa pakain sa Pabasa. Makikipila para sa sarsyadong isda, munggo, pansit, sopas, at eskabeche. Ambagan ‘yun ng magkakapitbahay simula ng Maundy Thursday night ‘yan (dinner) hanggang Black Saturday (lunch). Kumpleto may midnight snack, breakfast, at meryenda sa hapon. Abangers lahat. At sa last day may rondalya pa! Parang piyesta.

Ngayon hindi na nagagalit si Nanay kung magprito ko ng hotdog o magbukas ng corned beef kapag Semana-Santa, andun na din ang evolution of consciousness niya ‘di ba? Hindi na din siya nagagalit kung manood kame ng ibang pelikula gaya ng Saw (1-7 marathon) o magpatugtog ng “shine bright like a diamond” by Rihanna at Bad Romance ni Lady Gaga.

Noon bawal na maligo after 3pm ng Biyernes Santo, dugo na daw ni Kristo ang ipampapaligo mo. Bawal din masugatan kaya bawal maglaro sa labas, hindi na daw gagaling forever kahit gamutin mo pa ng Merthiolate, Betadine, at Agua Oxinada. Ngayon eto sa Biyernes Santo nasa Beach kame, siguro aahon na lang sa dagat bago mag 3pm, hindi na siguro masama ‘yun ‘di ba?

Subalit ang nakaka-missed talaga ‘yung pagtungo ng buong barkada at mga kapitbahay sa grotto na nakapaa lang, malayong lakaran ‘yun, tiyagaan. Minsan nga lang nakakalito na kung mali ba ‘yun dinadaanan namin, may mga dala kasing bandera ‘yung mga grupong nakakasabay namin. ‘Di ko alam kung Mayo Uno ba nung time na ‘yun or what, parang may welga o rally e.

Mga mid-90’s ‘yun kaputukan pa ng bangayan sa Metal, Punks, at Hiphop noon. Kanya-kanyang bandera. May malaking A na may Bilog symbolizing Anarchy para sa mga punks, inverted cross para sa mga pure blood death and black metal, at peace symbol (‘yung parang Y na nasa loob ng bilog) naman sa mga hiphop. Habang nagmamartsa papuntang grotto asaran ‘yan. Parinigan “Punks not dead!”, “Metal kalawang!”, “Hiphop Luslos!”. Ulitin ko lang papuntang simbahan ‘yang mga ‘yan ha, pero after naman na ng mass isasagawa ang rambol. Batuhan ng pillbox, basagan ng mukha, hampasan ng sintrong de bakal.

Ay putangna buti na lang mahusay ako umilag baka madamay ako, Black Sabbath t-shirt ba naman ang suot ko e, naka-short na maong tastas ang dulo tapos naka-boots super high cut!

Isang nakakatuwang experience pa nung rap-metal era, hiniram ng kapitbahay ko ‘yung pinagawa kong sombrero closed cap ‘yun pinaburdahan ko ng “Korn” sa harap (baligtad ang R niyan siyempre pa) tapos logo ng Major League Baseball sa likod (ala Fred Durst, oo aaminin ko biktima din ako ng Teenage Angst Brigade noon). Gagamitin daw niya pampuntang grotto. Pinahiram ko naman kaso hindi na bumalik, may nang hablot daw habang naglalakad sila. Ulitin ko ule papuntang grotto ‘yun ha. Kainam talaga, ambubuti.

Sa ngayon wala nang ganun, cellphone na kasi ang hinahablot. Wala na ding rambol tuwing Mahal na Araw, natapos na kasi ang ilang dekadang hidwaan ng mga punks, metal at hiphop. Salamat sa mga makabagong technology natapos na ang gera, hindi na buryong at aburido ang mga kabataan ngayon pagkat may pinagkakaabalahan na sila hindi tulad noon ang iinit ng ulo.

As of now abala na ang mga kabataan sa picture-picture, pa-picture sa grotto, sa tabi ng Mahal na Birhen, group picture with Father and sakristan, sa tabi ng crucified and bloody Jesus etc. tapos naka peace sign sa mata, matic post agad ‘yan with eternal tagline “simba-simba din much”.

Marami nang nabago, naiba. Wala na nga ding Easter Egg Hunt ngayon e, madami nang nawala, eto wala na din akong masulat, wala na masabi. Wala na, pwede na lahat e, ngayon ang Holy Week para na magbakasyon at magpahinga hindi na para mag-reflect at magtika.

Pano hanggang dito na lang ‘to enjoy kung saan man kayo lalamyerda o lalangoy! Ingat lang pamahiin kasi ni lola nangunguha daw ng buhay ang mga dagat o ilog tuwing Semana-Santa lalu na kung Good Friday (Verum Est: Totoo ba ito?). Happy long weekend!

Top 7 Movies to watch ngayong Kwaresma habang nagpa-fasting…

  1. Stigmata
  2. The Body (starring Antonio Banderas)
  3. Monty Python’s Life of Brian
  4. Gabriel
  5. Dogma
  6. Constantine
  7. Huwag Mong Buhayin ang Bangkay



 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento