“Nursery rhymes
are said, verses in my head
Into my
childhood they're spoon fed
Hidden violence
revealed, darkness that seems real
Look at the
pages that cause all this evil”
~ Korn (Shoots and Ladders)
Naaalala mo pa
ba ‘yung mga panahon na mistulang bigote ng pusa ang bakat ng sipon mo sa
mukha, tag-libag ang leeg at kilikili na tipong pwede nang taniman ng kamote
kakalaro at kakakanta sa gitna ng kalye? Kung hindi na, malamang sign of aging
na ‘yan. Kung oo naman, malamang alam mo din ‘tong mga pambatang kanta na babanggitin
ko. Tara mga bata tuklasin natin ang hiwaga… (tutugtog ang I Love You song by
Barney)
Laos na ang
Angry Bird, Plants vs. Zombies, Farmville at ang Bad Piggies hindi nag-click
pero sariwa pa din sa aking balintataw ang mga laro noong araw (“noong araw”
talaga, halatang matanda na). Kung bakit bigla ko nag-nostalgic mode ay dahil
sa kaka-slice ko ng prutas sa larong Fruit Ninja, putragis hindi ko ma-beat
high score ng pamangkin ko! Bigla ko naisip ‘yung ilan sa mga kanta sa mga laro
noon, at ngayon ko lang natanto, ngayon mismo, eksakto-impunto 5:07pm March 15,
2013 Friday na kung hindi nonsense ay may pagka-morbid ang mga kantang ‘yun
kasama na ang ilan sa mga Filipino folk song.
Umpisahan natin
sa Nanay-Tatay Gusto Kong Tinapay.
Kung papansinin mo masyadong mautos ang kantang ‘to, at kung hindi ka sumunod
pipingutin ka sa tenga. Sort of childrens domination over the elders, in short
inuudyukan tayong maging spoiled brat.
Next ang Langit-Lupa-Impyerno. Despite sa fact na
metaphysical ang topic sa chant na ito na masyadong heavy para sa mga chikiting
ay ito ang pinakapopular sa lahat. Take note ang lyrics ha, “saksak puso tulo
ang dugo”, bayolente hindi ba? Wala pa kasing MTRCB noon. Mantakin mo bata pa
tayo ino-open na ang ating murang kaisipan sa 3 possible worlds and that death
is inevitable.
Subalit in reality,
soft pa talaga ‘yang dalawang kanta na ‘yan dahil kung brutality ang paguusapan
ay wala nang mas bubrutal pa sa Sitsiritsit
Alibangbang! Andun ang art of cursing, biruin mo “Kung ayaw mong
magpautang, Uubusin ka ng langgam”, napaka-rude hindi ba? Eto pa mas wicked ang
susunod na linya, “Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila, Ipagpalit sa
manyika.” saka “Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon, Ipagpalit sa
bagoong.”. Solid ang cruelness ‘di ba? Bata ipagpalit sa manyika, sanggol ipagpalit
sa bagoong. Taob ang lyrics ng mga brutal bands like Cannibal Corpse, Slayer,
and Slipknot!
‘Yung iba naman
medyo nagpreno. Hindi sila brutal pero sensual, tulad ng Si Nena Ay Bata Pa, Asawa ni
Marie, atsaka ‘yung may “Pulis-pulis titi mong matulis, bumbay-bumbay titi
mong matibay”. Meron pa ‘yung “Sabihin mo sa Nanay mo break na kame, nakita ko
panty niya ganun kalaki (momostra ng malaki)”.
At kung nonsense
na ‘tong mga pinagsasasabi ko e mas nonsense talaga ang Penpen de Sarapen. Masarap kantahin, catchy, at makulit ang mga
words pero don’t make any sense talaga.
Maski mga English
nursery rhyme may mga tinatagong dark messages din like Ring Around The Rosy, London
Bridge and many more.
Naku mukhang
inaantok na si baby sa kwento ko, sige kantahan na lang natin siya ng Rock-a-bye Baby.
“Rock-a-bye baby, on
the treetop, When the wind blows, the cradle will rock, When the bough breaks,
the cradle will fall, And down will come baby, cradle and all.”
So anong punto
ng artikulong ito? Simple lang ang ma-realize natin na mahirap hulihin ang
Alimango sa dagat pagkat ito’y nangangagat.
Bonus Question (isulat sa
kwaderno then i-send to all or GM sa mga textmates): “Totoo bang nangangagat ang Alimango?”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento