episode
3 season 1: If You See “K”
Ang
Nakaraan… May kasabihan tayo diyan, “Past is Past” so who cares?
Animoy
Walter Sparrow ng The Number 23 movie ang peg ni Rogelio matapos ma-receive ang
“K” reply ni Genoveva. Pilit niyang dini-decipher kung ano ibig sabihin nun,
kung may kaakibat ba iyong emosyon? May kaukulang pahiwatig o palipad hangin
man lang sa kung anong tunay na nadarama ni Genoveva para sa kanya? Ang daming
katanungan ang bumalot sa kanya.
“Bakit
ganun ang reply niya? Ano kayang ginagawa o iniisip niya nung tinext niya ‘yun?
May kinalaman ba ‘to sa past life ko? May BF na ba siya? Dahil ba ‘to sa
Quantum Physics and Theory of Relativity or sa Law of Gravity? Tang ina ang
hirap! Kung gagamitan ng psychology, dahil ba ‘yun sa repressed childhood
memories niya kung meron man? Tangna talaga durog na durog na ko, mababaliw ako
kaylangan ko ng tulong…”
Nag-dial
ng number sa cellphone. “Di mo!”, biglang naalala hindi pala siya naka-unli
call. “Shet!”, kinansel ang call, nag-reg muna. Buti mabilis ang network
ngayon. Dial ulit. “Di mo alam dahil sayo ako’y ‘di makakain, ‘di rin makatulog
buhat ng iyong lokohin, kung ako’y muling ii-“. “Hello Chong! Sakto andito na
ko sa tapat ng pinto mo.”.
Agad
palang nagtungo sa bahay ni Rogelio si Jobert “as a friend”. At bilang kaibigan
naroon siya upang manggatong este sumaklolo.
Pagpasok
ni Jobert sa kwarto ni Rogelio magkahalong gulat at mangha ang kanyang nadama
sa kanyang nakita. “Wow chong eto ba papakita mo sakin? Asteeeg! May artistic
side ka pala hindi ko alam, lupet mo chong!”.
Nagmistulang
graffiti wall ang buong kwarto ni Rogelio. Tadtad iyon ng letter K. Iba;t-ibang
font size, font color, at fonts. Naubos niya ata lahat ng font style sa
Microsoft Word. Maski kama, unan, t.v. at bintilador meron.
“Chong
tulungan mo ko gusto ko malaman ano ibig sabihin at bakit ganun ang reply sakin
ni Genoveva? Letter K lang!”.
“E
chong baka dahil lang ‘yun sa kakapakinig niya ng Kpop? Or baka nagtitipid siya
sa load?”.
“Tang
ina na naman chong hindi ba uso sa kanya ang unlitext pareho naman kame ng
network!”
“Chong
baka busy siya nung nag-text ka, pwede din na nagmamadali siya, infinite
possibilities chong. Or baka tamad lang talaga siya mag-text, ganyan talaga mga
babae chong! Bakit kasi hindi mo tawagan unlicall ka naman?”
“Awkward
pa chong ‘di pa kame close e. Alam ko may something sa reply niya na ‘yun…”
“Pabasa
nga ule ng text niya chong?”. Inabot ni Rogelio ang cellphone na naka-open na
doon sa text ni Genoveva.
Ilang
sandali ding pinagnilaynilayan ni Jobert ang reply ni Genoveva. Bigla siyang tumayo at masinop na pinagmasdan
ang mga letter K na sinulat ni Rogelio sa pader, dingding, kisame, sahig at
kung saan-saan pa. Salitan ang kanyang tingin sa cellphone at sa mga sulat sa
kwarto.
Ano
ang natuklasan ni Jobert? Hanggang kaylan magdurusa si Rogelio? Karma ba niya
iyon dahil sa pamamana niya ng butiki gamit ang tingting ng walistingting at
gomang intsik para mas malakas ang tira nung kabataan niya? O dahil iyon sa
climate change na tinatamasa natin ngayon?
Sundan
ang mga kapanapanabik na rebelasyon, aligasyon, kasagutan, sampalan at
sabunutan dito lang sa Tilamsik sa Gabing Maligamgam…
Para
sa ating Question of the Day Promo:
“Anong
network ang gamit ni Rogelio?”
A.Globe
B.Smart
C.Sun
D.TM
E.Talk
and Text
F.Red
Mobile
Para
sumali i-comment lang ang inyong kasagutan together with your name, address,
signature, highest and lowest grade nung grade 6, favorite color ng Kabesa de
Baranggay sa inyong lugar, at lakipan ng iyong natatanging larawan (passport
size).
Andali
lang ‘di ba? Kaya ano pang inaantay mo? Sali na! At manalo ng naglalakihang
papremyo tulad ng African Elephant (for 1st prize), Bulldozer (2nd
prize), and billboard size poster ng promong ‘to (3rd prize).
Goodluck!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento