“Even the greatest stars dislike
themselves in the looking glass, even the greatest stars change themselves in
the looking glass, even the greatest stars live their lives in the looking
glass” ~ Kraftwerk (Hall of Mirrors)
Dahil nga ang buwan ng Oktubre ay
buwan ng lasingan, nasumpungan na din naming talakayin ang ating kalasingan sa
pagkuha ng sariling larawan o selfie. Kung noon masisilayan mo lang ang mga pribadong
larawan ng iyong mga kaibigan, kamaganakan at mga kaklase sa kanilang photo album
sa bahay ngayon hindi mo na kailangang bumisita pa sa kanila.
Selfie, alam na natin lahat ang
meaning nito, ito ‘yung pagkuha ng litrato sa sarili o “sariling-sikap” gamit
ang camera phone, digicam, etc. then i-a-upload to any social media website nationwide,
Selca naman ang tawag sa Korea. Atleast may sarili silang term.
Matic ‘yan pag open mo ng social
media account mo dagsa agad ang selfie ng mga friends mo at lahat tayo guilty
rito.
Ayon sa Wikipedia ang Russian
Grand Duchess Anastasia Nikolaevna ang unang teenager (age 13) na nag-selfie
gamit ang portable Kodak Brownie box camera around 1900 at ipinadala ito sa
kaibigan na may kaakibat na liham (oldschool caption ‘di ba?). Ilang araw muna
ang lilipas bago niya malaman ang comment ng friends nya o like ba nila ito
through snail mail.
Ganon kahirap ang teknolohiya
noon kumpara ngayon, kaya bago ka mag-post ng iyong natatanging selfie halina’t
alamin muna natin ang iba’t-ibang uri ng selfie at ang tamang teknik sa pagkuha
nito.
1.Duckface – Kung noon e isa sa
icon ng katatawanan ang pag-nguso ng comedian na si Kuhol ngayon epitome na ito
ng ka-cutan at kakikayan. Mas mahabang nguso mas cute, samahan pa ng
naniningkit at medyo papungay na mata naloko na! “Kaw na!” sabi nga.
2.Lipbite – Simple lang ‘to basta
kagatin mo lang ang lips mo na para kang may masakit na singaw sapul ‘yan.
3.Mirror Selfie – Kahit saan
pwede mo itong gawin basta may salamin, pero mas cool syempre kung sa CR ng
isang mall, hotel, bar, etc. ang dapat lang tandaan dine ay matiyak na makuhaan
ng camera sa repleksyon ng salamin ang logo ng mansanas na gamit mo.
4.Asian Looks o Japan-Japanan –
Matagal na ‘tong uso, eto ‘yung pag gamit ng peace sign nag-evolve lang ngayon
into something na itatapat mo dapat ang peace sign sa gilid ng mata then
tiyakin na magmistulang inosente ang aura mo na may pagka Kabuki mask.
5.Emotera – Kung noon halos itago
ng mga tao ang kanilang kalungkutan, ayaw magpakita ng kahinaan, pagdadalamhati,
at pag iyak ngayon pinagsisigawan na ito. Mas marubdob na lungkot ng larawan mo
o mas wasted ka mas cool, tiyakin din na mataymingan mo ang pagpatak ng luha mo
sa pisngi bago mo kuhaan para realistic at surrealist ang peg.
6.Aling Simang – Simang short for
Simangot, basta simangot ka lang pwede na ‘yan post agad. Tama nga naman kasawa
na ang laging naka smile sa picture, maiba naman ‘di ba at sabi nga “smile like
you mean it”.
7.Tongue Out – Walang tyak na
nakakaalam kung anong meron sa psyche ng sangkatauhan kung bakit may times na
naglalabas tayo ng dila pagmagpapakuha ng litrato. Maski ang mga magigiting na
psychologist na sila Carl Jung at Sigmund Freud walang payak na paliwanag ukol
rito.
Sa pagkakaalam namin si Albert
Einstein ang unang gumawa nito, at iyon nga ang iconic press photograph nya na
nakabelat. Subalit kung babalikan natin ang history kung saan di pa uso ang camera,
makikita sa mga inukit na mga bato ng mga Mayans ang Emblem nilang hugis taong
reptile na nakalabas ang dila. Dahil kaya ito sa Reptilian Complex part sa
ating utak at same din kaya ito sa sinasabing “Tongue Flickering” na madalas
makita sa mga reptile animals, ilang personalidad, at sa ilang pelikula?
May conspiracy kasi na ang
nagpapatakbo raw ng mundo ay ang mga reptilian race alien, haka-haka lang ‘yan basta
ang sabi ni Chinky (age 15) sure daw niya na si Miley Cyrus ang nagpauso ng
tongue out teknik. Dapat daw pabilog ang dila na patulis ang dulo, huwag
ilalabas lahat ‘yung tamang kita lang on either side ng lips. Oo ‘wag na ‘wag
sa gitna dahil si Yves Dignadice lang ang gumagawa niyan tuwing free throw shot
sa PBA noon, at ‘wag mo nga din ilabas buong dila mo hindi ka si Michael
Jordan. Pero ang tongue out selfie teknik na ‘yan ay nauna nang ginamit ng
bandang Nirvana sa kanilang iconic smiley logo.
8.Sleeping Selfie – Medyo mahirap
‘tong uri na ‘to ng selfie dapat inborn na sleepwalker ka para magawa ito o may
sapi ka ng The Conjuring.
9.With Celebrity – Linawin lang
natin, hindi ito ‘yung pagpapakuha ng picture kasama ang idol mong celebrity
kundi ang pag selfie sa kanilang mga poster. Poster ng pelikula, magazine, billboards,
endorsement, commercial sa tv etc.
10.Rocker Gangster – Para din
itong Japan-japanan selfie ang kaibahan lang e ang hand sign na gamit. Dapat din
‘di ka nakangiti pag ginawa mo ‘to, suplado ka dapat pakita mo ang angst mo at
galit mo sa mundo lalu na sa mga nagpo-post ng pa-cute na picture nila sa FB.
Dapat maramdaman nila ang inis, suklam, at suya mo sa tulad nila na puro selfie
ang inaatupag sa selfie na ito. Dahil ito ang statement mo na nagsasabing hindi
mo sila ka-uri, na iba ka sa kanila. Yeah!
11.Cleavage Kuyukot Selfie – Ay wala
kameng ibang masasabi rito kundi isang malaking CHECK! Eto ang the best selfie
sa lahat talaga ‘wag ka na kokontra, tuloy lang, malaki ang tulong nito sa mga
kalalakihang nagtitipid o walang pambili ng FHM o Playboy magazine. Kaya
salamat rito.
12.Kain-kain Pag May Time –
Marahil epekto ito ng Last Supper syndrome nang ipinta ni Da Vinci ang huling
hapunan ni Kristo kasama ang kanyang mga apostol. Dahil kung sila Jesus nga
proud na tinapay at wine lang ang hapunan nila, at ang ating presidente na nakakaawang
hotdog sandwich lang ang kinain sa isa niyang conference sa ibang bansa, tayo
pa kaya na sangkatutak na putahe ang nasa mesa? Syempre marapat lang na malaman
‘yun ng sambayanang Pilipino.
13.Party-party! – Kung karapatan
ng mundo na malaman kung ano ang kinakain mo umaga, tanghali, gabi, karapatan
din ng sangkatauhan na malaman kung gaano kasaya ang buhay mo at kung san ka
naglalagi sa pamamagitan ng pagpicture na ikaw ay nasa party o inuman.
Siguraduhing nakanganga ka, kaakbay ang isa o dalawa sa mga friends mo, mas
mainam kung pare-pareho kayong may tangan ng bote o baso ng beer pag ginawa ito
para talagang ma-absorb ng mga magbu-view nito kung gano ka kaligaya nung gabi
at puntong ‘yun.
14.With Pet – Statement mo ‘yan
na nagpapakita na loving and caring human being ka, pagpapahiwatig mo ‘to na
there’s more to life than taking a picture with what you eat because you can do
it also with your pet. Siguraduhin na hug-tight o kina-cuddle mo ang pet mo pag
ginawa ito para madama ka ng mga friends mo sa social media kung paano ka
magaruga at malaman nila na isa kang matino at mabuting Filipino Citizen.
15.Normal – Safe mode ka lang
dapat dito, kung maaari poker face ka tipong mala ID picture ang peg mo ‘wag mo
hayaang ni katiting na hint mahulaan nila kung ano ang nasa isip mo nung nag
selfie ka ng ganito para andun ang mysterious effect mo at mapapaisip sila na
isa kang deep person.
16.Morning Selfie - Syempre kung may pag selfie ng tulog dapat meron din ang bagong gising. Importante kasing
makuhaan mo ng litrato ang itsura mo pagkagising na pagkagising antimano upang
malaman ng mga freinds mo na hindi ka tulo laway at hindi ka nagmumuta sa
pagtulog. Dahil ang sabi nga din nakikita ang natural na kagandahan o kagwapuhan
sa bagong gising na mukha.
Gawin ito bago ka pa makapag inat o hikab para talagang sariwa pa ang moment ng pag gising mo. Lagyan ng sinserong caption na "Goodmorning Frenz!" o dili kaya'y "Just woke up" para mas bet ng iyong mga kaibigan.
Gawin ito bago ka pa makapag inat o hikab para talagang sariwa pa ang moment ng pag gising mo. Lagyan ng sinserong caption na "Goodmorning Frenz!" o dili kaya'y "Just woke up" para mas bet ng iyong mga kaibigan.
At ayan ang ilan sa mga uri at
teknik ng pagkuha ng selfie, gabay lamang ang mga ito maari kang gumawa ng
sarili mong statement at mag-eksperimento. Be creative, para iyong-iyo o
selfieng-selfie talaga ang selfie mo. Mangyari lamang na ugaliing tandaan at isa-buhay ang lagi naming paalala na wag na wag gagamitin sa anumang uri ng kasamaan ang inyong natutuklasang mga secret teknik at lihim na kaalaman upang hindi makaperwisyo sa sambayanang Pilipino at kapwa tao.
*Cover photo via Wikipedia,
unidentified woman taking her own photograph using a mirror and box camera
around 1900.
thank u po
TumugonBurahin