Fact.
-
Katulad ng ilan sa mga okasyong pinagdiriwang ng mga Katoliko, isa ang Ash
Wednesday sa hindi nabanggit sa banal na kasulatan.
Siguro
marahil na-excite ka din nung kabataan mo na mapahidan ng abo sa noo at proud
na proud ipakita sa mga kaklase, kalaro, at mga kapitbahay na may abong krus ka
sa noo dahil tyak na outcast ka sa tropa mo kapag wala ka nito sa mismong araw
ng Ash Wednesday. Ni ayaw mong pagpawisan or ano man upang hindi agad mabura
ang sagradong krus sa noo at halos nakatingala kung mglakad o gumalaw, ingat na
ingat sa krus na dinadala. ‘Yun e kung Catholic ka din.
Same
ito ng thrill and excitement na makatikim ng Ostia sa araw ng Kumunyon, kumbaga
sa pagbibisikleta gamit ang Momo or Easy Rider bike na may mahabang upuan at
butterfly style na manibela “Wow, huma-highway ka na!”. It means astig ka na,
level up ganyan.
Pero
nung bata ko hindi ko talaga alam kung bakit ginagawa ang seremonya o ritwal na
ito. Sinubukan kong tanungin erpat ko noon, “Tay
bakit pinapahiran ng abo tuwing Ash Wednesday po?”, “Kasi Ash Wednesday ngayon
anak.”, matuwid at kalmado nyang sagot. So nag-follow up question ako, “E bakit
hindi po Ash Monday or Ash Friday?”. Sumabat bigla si ermat, “Wag ka nga
madaming tanong anak, magagalit si Papa Jesus!”. End of argument, nagalit na
ang diyos.
Moving
on, Ash Wednesday pala ang hudyat na simula na ang Kuwaresma, Lent season o
pagpa-fasting hanggang Ressurection upang i-commemorate ang 40 days fasting ni
Jesus Christ sa desert. Subalit bakit sa kabila ng sinasabi sa Matthew 6:16-17
na kung magpa-fasting daw ay wag i-disfugure ang mukha tulad ng iba para lang
ipakita sa madla na nagpa-fasting, bagkus hugasan daw ang mukha ay ginagawa pa
din natin o ng mga pari at Pope na dumihan tayo sa mukha?
Simple
lang ang paliwanag ng ilan diyan. Upang ipamukha sa atin ang ating mortality,
ang verse sa Genesis 3:19 na (“By the sweat of your face you shall eat bread, till
you return to the ground, for out of it you were taken; for you are dust, and
to dust you shall return.”) at ang bagsakang bakal na kanta ng Metallica na The
Memory Remains…
“Ash to ash,
dust to dust Fade to black
Fortune, fame, mirror vain, gone insane (Sing it)
Fortune, fame, mirror vain, gone insane
Dance little tin goddess”
Fortune, fame, mirror vain, gone insane (Sing it)
Fortune, fame, mirror vain, gone insane
Dance little tin goddess”
In short na mamamatay din tayo, na hindi tayo diyos kahit
gano pa ang na-achieve, nagawa o nalaman natin dito sa mundong ibabaw.
Sapantaha
at buntong hininga siguro ng ilan, “Kung ‘yan nga ang dahilan bakit need pa mag
imbento ng okasyong Ash Wednesday at ipaalala taon-taon na mamamatay din tayo e
given naman na ‘yun or pwede namang i-tweet na lang?”
E
siguro para sabay na sa pag-commemorate ng pagan god na si Odin or Woden kung
saan hango ang word na Wednesday, Woden’s day in old English. At ng sinasabing
Ash tree sa Norse mythology. Twala! Ash Wednesday.
Sabi
nga din ginagawa ang pagpahid ng abong krus sa noo para ipakita na nagmo-mourn
tayo, pero ang argument talaga dito bakit sa noo? Hindi ba pwedeng sa dibdib na
lang tulad ng black pin na nilalagay ng mga namatayan? Or sa kamay na lang kaya?
Kung
sasabihin naman natin na baka ginagaya yung sa Hindu at ibang religion na may
dot sa noo symbolizes the third eye? Pwede. Ngunit aware tayong lahat na ang
cross ay related sa pag ward off o back off sa devil and ang mga pari maraming
pinagbabawal. Habang ang third eye naman ang sinasabing nagbukas nang kainin
nila Adam and Eve ang Forbidden Fruit na siyang inalok ng devil.
So we
there to conclude na kapag pinahiran ka ng pari o Pope ng abong cross sa noo na
kung saan nagsisimbolong pwesto ng third eye it means…
A.Catholic
ang religion mo
B.Umatend
ka ng Ash Wednesday Mass
C.Ash
Wednesday ngayon
D.All
of the above
“Ashes
to ashes, funk to funky
We know Major Tom's 4
a junkie
Strung out in heaven's high
Hitting an all-time low” ~ David Bowie (Ashes to Ashes)
We know Major Tom's 4
a junkie
Strung out in heaven's high
Hitting an all-time low” ~ David Bowie (Ashes to Ashes)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento