ALL FOOL'S DAY
by Gen Thalz
"I don't want to start
Any blasphemous rumors
But I think that God's
Got a sick sense of humor
And when I die
I expect to find Him laughing" ~ Depeche Mode ( Blasphemous Rumours)
Walang sumeseryoso sa kapistahan ng April Fool's Day, lahat ginagawang biro, puro joke, kalokohan, kaululan. Walang matinong kausap. Kaya naman sa sulatin na ito minarapat naming bigyan ng seryoso, payak, at disenteng pagtalakay ang araw na ito dahil ang tanong bakit ba ito ipinagdiriwang? Ano ba ang mabuting madudulot nito sa sangkatauhan at kulay pula pa sa ilang kalendaryong give-away ng Motolite Battery o Pagoda Lotion ang araw na ito? Makabuluhan ba ito sa buhay ng isang indibidwal lalu na sa panahon ngayon ng kompyuter at android? Higit sa lahat, saan at paano ba ito nagsimula? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na aming tatangkaing bigyan ng linaw at patotoong kasagutan...
*Note: Ang susunod na mababasa ay buod na ng kabuuan ng aming pagsasaliksik. Maraming tiyorya, haka-haka, at konklusyon ang aming nakalap kung kelan at pano talaga ito nagsimula. 'Yung iba sa tingin namin kalokohan na kaya maingat at mabusisi ang ginawa naming pagsipi rito. Pinili lang namin 'yung may natural, may batayan, may kahalagahan, at may kongkretong paliwanag.
Nabanggit sakin ng asawa ko na nag-originate daw ito mula sa Hilaria festival ng mga Romans kung saan ino-honor nila ang Trojan goddess na si Cybelle (the Great Mother), maaari din daw na halaw ito sa "Holi" festival ng India o Nepal. Ngunit gaya nang inaasahan hindi pa dito natatapos ang katotohanan.
April 1, ito pala ang nakagawian noon bilang New Year's day ng mga tao dahil dito na nga pumapasok ang spring equinox o ang pagpapalit ng season. Napalitan lamang ang araw ng bagong taon nang baguhin ni Pope Gregory XIII noong 1582 ang ating kalendaryo at i-introduce ang Gregorian Calendar. Naisipan niyang gumawa ng sariling bersyon ng kalendaryo dahil sa simpleng pagkabagot sa loob ng Vatican, pampalipas oras ba hanggang sa kanya na itong sineryoso. Para na din daw may maiwan siyang kapaki-pakinabang na legacy sa sanlibutan nang sa gayon hindi malimutan ang kanyang ngalan.
Subalit isang conspiracy ang nasa likod nito. Nireporma daw talaga ni Pope ang kalendaryo upang mawala sa human psyche at mapagtakpan ang totoong kwentong nagkukubli na ang "fool" sa April Fool's Day ay si Hesu-Kristo. Sabi nga "Walang sikretong hindi nabubunyag...".
Sinasabi kasing nag-ugat talaga ang April Fool's Day sa araw mismo ng crucifixion. Matapos daw kasing matuloy ang sintensya kay Hesus sa salang heresy at blasphemy, hiniling pa ng Sandherin kay Pilato na italaga o gawing opisyal na kapistahang "Fool's Day" ang April 1 upang lalung hiyain at hamakin si Jesus Christ kahit na April 2 talaga naganap ang petsa ng pagpako. Agad naman itong pinagbigyan ni Pilato, mabilis nyang iniutos sa mga sundalo na kumuha ng kalendaryo. Ora-mismo minarkahan niyang pula ang April 1 at isinulat ang katagang "April Fool's Day" gamit ang dugo mula sa sugat ni Hesus sa noo. At 'yun ang dahilan kung bakit siya agad naghugas ng kamay. Ayon 'yan sa librong History Uncut vol. 3 pp.739 ng tanyag na historian na si Lucas Scklaveckzxy (expert in ancient tradition, folklore, superstition, and mythology).
Ngunit para sa The Wickedest Man in the World na si Aleiter Crowley, isang occultist/poet at self-proclaimed reincarnation ng occult magician na si Eliphas Levi, ang April Fool's Day ay may malalim na ibig sabihin.
Para sa kanya, si Jesus bilang Fool ay isang representasyon ng spiritual life nating lahat dito sa mundong ibabaw at ang crucifixion ang siyang transition mula sa fool kung saan nakapaloob ang lahat ng ating suffering and human transgressions to turn us into a higher being o higher state of consciousness - Christ Consciousness (from his ultra-rare influential cult book: Stairway to Heaven - Highway to Hell; kung saan kinuha respectively ng bandang Led Zeppelin at AC/DC ang title ng sikat nilang kanta).
Pero bakit nga ba fool? Masyadong negatibo yung word di ba?
Ayon kay Prof. Yuno Shinton-lok (linguist/etymologist) author ng best renowned book na Word Origin Within the World We Live In, hango ang "fool" sa Summerian language na Fu'hl date back 3,000 b.c. meaning "unknown" or no understanding, nothing. Katumbas daw ito ng "innocent as a child" at hindi ng alam natin ngayon na fool = idiot, imbecile, or tanga. Sa puntong 'to bigla namin naalala ang Fool sa Tarot card.
Trivia: Tinatayang 14th century nang unang malikha ang Tarot card sa Europa, wala itong etymology o word origin. Bawat card ay may sariling konsepto or archetype. Ginagamit ito noon for some form of divination ng mga esoteric and the occult.
The Fool. Sa card na ito ng Tarot matutuklasan kung bakit may April Fool's Day kung ating pagkukune-kunektahin ang mga nasabi sa itaas. Dahil ang Fool sa Tarot ay 0 (zero), nothing, nada, buta. Zero, kung saan nagsisimula ang pagbilang. Parang tao, na sa umpisa ng buhay ay inosente at walang alam. Kaya maaaring tignan ang April Fool's Day bilang reminder sa atin kung ano tayo noon. Kasi katulad din ng The Fool sa Tarot card na madalas nakapwesto sa unahan o minsan sa hulihan ng deck, nasa atin na kung bandang huli pa tayo magpapaka-fool o unwise, 'yun bang walang pinagkatandaan? Nagsimula sa wala, humantong sa wala. Alzhiemer's?
Maiisip din dito kung bakit April 1 ang new year noon na siya ring fool's day, sapagkat simula o hudyat na naman ito ng panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran sa buhay.
Traveller kasi ang The Fool, mapapansin na may dala siyang bag (see cover photo). Symbol ito ng journey o pag-wander natin sa buhay. Nakatingala, na para bang tulad natin naghahanap ng higher purpose o meaning of life. May kasamang aso, symbol ng animal guide/spirit if you may or simpleng "Man's bestfriend". May hawak na rose to symbolize purity, love, wisdom, soul or spirit. Nakatayo sa dulo ng cliff, dalawa ang maaaring ibig sabihin nito.
Una. Depiction ito ng "i give in to the unknown and to the otherside". To be fearless and be more spiritual-being. Material world ang nasa baba. Pero dahil wais tayo hindi tayo mahuhulog sa bangin.
2nd. Pwede din itong symbol na huwag tayong engot sa paghahanap ng higher purpose o meaning of life dahil hindi natin alam na sa ating kahahanap ay malalaglag na pala tayo sa bangin.
Ngayon ang tanong, "Bakit kaylangan mag-joke tuwing April Fool's Day?".
Kasi ang Fool o Jester ay joker. Pagpapaalala isang beses isang taon na huwag masyadong seryosohin ang buhay, tanong nga ni Joker: "Why so serious?" habang si Daniel Orton (Purefoods import) naman: "This game is seriously a joke" nung makaharap si Cong. Manny sa basketball. At may common saying na "Life is a game/ joke." kaya nga napakanta ang Bee Gees ng: "Oh If I'd only seen that the joke was on me..." sa patok na awitin nilang I Started A Joke.
Bonus: (minimal horror story)
9pm. May kumatok sa pinto.
"knock-knock"
Ikaw: hus der?
(walang sumagot)
Ikaw: hus der?!
(wala pa din)
Ikaw: (may hawak nang pambambo) hus de---er..?
(... ... ...)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento