December 6, feast day
ngayon ng ating Christmas icon or our Father Christmas na si Santa.
Napagkwentuhan na namin sa aming librong The Secret Book of the Philippines ang
tungkol ke Santa at nabigyang pasakalye ang sinasabing alter-ego niya na si
Black Pete, subalit hanggang doon lang, bitin.
Sino nga ba si Black
Pete? Mahalaga bang malaman ‘to ng sambayanang Pilipino at ng mga netizens? Makakatulong
ba ‘to sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa social networks? Napapanahon ba ‘tong
pagusapan talaga ngayon gayong andaming nasalanta ng manmade typhoon na si
Yolanda? Ewan. Siguro hindi nga, kumakatok lang talaga siya sa aming utak na
siya ay pagusapan.
Si Black Pete ang
sinasabing companion ni Santa sa pamimigay ng gifts, kilalang-kilala siya sa
mga bansang Europa ngunit madami rin tumutuligsa rito dahil masyado daw racist.
Sort of slave din daw kasi talaga ni Santa si Black Pete and black pa ang
kulay. May mga nagsasabi naman na si Black Pete at Krampus (the evil twin
brother/alter-ego) ay iisa o silang tatlo ay iisa sa isang persona? Gulo. Basta
ang alam natin mahaba balbas niya kulay puti, pula ang suot, mataba at mahilig
uminom ng Coca-cola.
Siguro nga sa likod ng
pagiging charming and cuddly looks ni Santa andun ang complexity or multiple
personality disorder niya. At isa na dun ang character na si Krampus, common
knowledge lalu na sa Germany ang tungkol ke Krampus na siyang evil side o evil
twin brother ni Santa (parang Dr. Jekyll and Hyde) na siyang nagpaparusa sa mga
naughty children. Katunayan common din sa kanila ang mga greeting cards na may
imahe ng grotesque-looking na si Krampus. Imagine, maka-receive ka ng Christmas
card na may image ng horned-furry-monster na nakalabas ang mahabang pulang dila
hawak ang buhok ng isang batang nakakadena ‘di ba?
Marahil ibig lang iparating
ng Santa-Krampus psychology na ito ang duality in everything. Good-bad,
happy-sad, polarities, etc. At hindi na din siguro nakarating sa atin ang
character na si Krampus dahil sa mataas at malakas na censorship sa ating
bansa. Mantakin mo kung may greeting cards tayong ganun dito, bago mo mabasa
ang message may paalala munang “Itong Card na ito ay Rated SPG”.
Maaari din na
repleksyon ito ng bawat isa sa atin na may tinatagong “beast within” sa likod ng
ating mga ngiti, fashion, and gadgets. Pero sabi nga everything works in
subliminal form, tulad ng paborito nating kakanin tuwing magpapasko o simbang
gabi na Puto Bumbong at Bibingka na siyang simbolo ng human sex organ to
celebrate the pagan fertility rites on winter solstice or Christmas. Puto
Bumbong is the phallus and Bibinga is the womb or vagina. Kaya ‘wag na tayong
magtaka kung bakit isa ang Bibingka sa many alternative names ng kepyas at kung
bakit kelangan pukpukin ang Puto Bumbong habang niluluto.
Regarding Santa, overrated
na ‘to at sobrang cliché subalit ‘yun talaga e nasa subconscious na kasi natin
siya due to centuries of programming. At ang ating subconscious mind ay may
kakayanang makabasa ng mga jumbled words or hidden messages and symbols katulad
ng bata sa cover photo nito.
Or baka naman sumusunod
lang ‘yung bata sa bilin ni Jesus Christ na “love your enemy” ‘di ba?
HO! HO! HO! Happy
Holidays ;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento