Bagong taon. Bagong
buhay. Bagong Pag-asa. Bagong lungkot at ligaya. Tayo ay nasa ikatlong pahina
na ngayon ng taong 2014, Biyernes. Enero tres. Ano na ba an gating nasulat sa
unang dalawang pahina at ano pa kaya ang ating masusulat?
Kaya’t bago pa man din
tayo makapamansila ng kapwa o tuluyang madiskaril ang sariling buhay dahil sa
ating mga pagaskol-gaskol at kulpot na mga desisyon at gawain ngayong taon,
narito ang ilan sa aming mga lihim na karunungang ibabahagi sa inyo na talaga
namang magpapagaan sa pagharap mo sa pang araw-araw na buhay upang sa gayon
maging maswerte at masagana ang iyong pagsalubong ngayong taon..
Hindi pa naman siguro
huli ang lahat para rito ‘di ba? Ugaliin lamang na isapuso ang nakagawian na naming
tagubilin na kung ano man ang matutuklasan o malalaman mo rito ay ‘wag na ‘wag
mong gagamitin sa anu mang uri ng kasamaan o pagmamalabis. Tandaan din na ito
ay gabay lamang, may freewill tayo gamitin ito nang sa gayon mamuhay tayo ng
payak, mapayapa at may pagkakaunawaan....
1. ‘Wag na ‘Wag kang
gagawa ni magtangka man lang na gumawa ng New Year’s Resolutions mo. Bad vibes
‘to, madi-disappoint ka lang sa sarili mo at sa huli magsa-sour graping na bawi
ka next year. Baka bumaba pa ang self-esteem so ‘wag na lang.
2. Kung nagbabalak
naman magnegosyo, Year of the Horse ngayon, patok ang negosyong alak at yosi
lalu na yung parehong may kabayo sa logo. Dahil ito sa tax na ipapataw ng
Gobyerno, kaya’t asahan na bloom ngayong taon ang Takatak Boys industry.
3. Iwasang maglagay ng
electric fan sa kitchen o harap ng gas stove. Malas ito, magtatalo ang element
ng air at fire. Gutom ang hatid nito sa pamilya, hindi kayo makakaluto.
4. Malas din ang
pagsusuot ng shades at sombrero sa loob ng mall, lalu na kung may bitbit kang
martilyo. Iwasan ito, kundi tiyak piitan ang hantungan mo.
5. Pagpasok ng Pebrero
bubwenasin ang mga nagtitinda ng tikoy at ng mga dekorasyon o koloreteng
pam-feng Shui.
6. Samantala
suswertehin naman ngayong taon si Napoles at iba pang sangkot dito,
makakalimutan na ng mga Pinoy ang tungkol sa PDAF scandal. Sabi nga past is
past, 2014 na let’s move on.
7. Lalu namang mababaon
sa utang ang ating bansa dahil sa gagawing pagutang ng Gobyerno sa ibang bansa
para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta habang tuluyang mawawala at mababaon sa
limot ang bilyong-bilyong donasyon sa atin dala ng super typhoon na si Yolanda.
Past is past let’s move on, masaya naman marami tayong nakuhang mga medalya at
award sa iba’t-ibang patimpalak.
8. Mahuhulaan na naman
ng magigiting nating mga manghuhula na may darating na bagyo ngayong taon at
babahain ang Metro-Manila.
9. Natitiyak naman
namin na balik eskwela ang mga bata sa January 6 at magsisimula ang Class 2014
sa Hunyo then magtatapos next year 2015 buwan ng Marso, maiba lang.
10. May maninira sa
ilang mga national roads sa Kamaynilaan subalit ‘wag mangamba kukumpunihin
naman nila uli ito, ibayong pasensya at kooperasyon lang ang kailangan sapagkat
matinding trapik ang hatid nito sa sambayanang Pilipino.
11. Maglalabas ng mas
makintab at kakaibang kulay ng iPhone ang Apple at tatawagin itong iPhone 5c+
12. Malulungkot ‘yung
mga kabibili lang ng iPhone 5c nung Christmas dahil rito.
13. Sa mga kababayan
nating may katabaan na nais nang magpapayat at maging healthy, bawas-bawasan
ang pagtambay sa kusina o ‘yung mga lugar na amoy mantika. Malas din para sa
inyo ang mga pork, hipon, at alamang.
14. Upang maging positive vibes buong taon iwasan
ang negative vibes.
15. Iwasang mag-selfie
sa crowded places tulad ng parke, mall, bar etc. bad vibes ‘yun, mawawala ang
purity ng selfieness mo.
16. Boom ang negosyong
kabayong pigurin ngayong tayon.
17. Kung wala namang
pambili ng pampaswerteng kabayong pigurin, pwede naman hong mag-drawing na lang
ng kabayo. Ang importante ay maipwesto ito sa tamang lugar na ayon sa Feng
Shui. Ipwesto ito sa lugar kung saan hindi makikita ni matatanaw o aninag ng
kapitbahay mo or isang tipikal na kakilala upang nang sa gayon makaiwas sa sama
ng loob.
18. Iwasang manood ng teleserye habang nagsasaing
lalu na kung hindi rice cooker ang gamit. Malas ito, buong taon kayo
matututungan hanggat ‘di natatapos ang istorya ng teleseryeng ‘yun.
19. ‘Wag sasakay sa MRT
o LRT sa umaga kapag nalimutan mag-tawas, mamalasin ang katabi mo, respeto sa
kapwa ang kaylangan para good vibes buong araw.
20. Bababa ng 25 cents
ang presyo ng gasolina ngayong taon, mga bandang first quarter. Subalit tataas
ito ng 1.50 bago matapos ang taon.
Muli gabay lamang ang
mga ito, nasa atin pa din talaga ang desisyon at gawa. Sundin ito ng buong ligalig
na may halong pagnanasa at tyak matatamasa ang hinahanap na ligaya. Happy New
Year! J
“From the calm morning,
the end will come when of the dancing horse the number of circles will be
nine.” ~ Nostradamus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento