iLLUSTRATION no. 17 (neopoprealism):
Aiwass
A prominent secret member of a well-known secret society, a secret group from not so far away invisible landscape who trespass into this physical plane to bring entertainment and enlightenment to mankind manifesting through multimedia form.
Huwebes, Pebrero 21, 2013
Miyerkules, Pebrero 20, 2013
UNDERNEATH THE BARREL MAN
Mula sa simpleng art,
pang joke, pang gulat, pang display hanggang sa pagiging isa sa cultural icon ng
ating bansa, malayo na ang narating nitong enigmatic barrel man. Oo nakarating
na din kasi ito sa ibang bansa bilang souvenir ng mga dayuhan at mga
balik-bayan. Pwedeng i-display sa sala, sa kwarto, sa kusina, at sa lamesa? Kaw
na bahala.
Maraming natawa,
natuwa, at meron din namang nagulat nung first time nilang ma-encounter ang misteryosong barrel
man. Sino ba naman kasi ang magaakala na isang malaki at exaggerated na titi
ang bubulaga sayo pag angat mo ng barrel di ba? Taob ang jack-in-the-box parding!
Pero isa lamang ba itong joke or pure entertainment? O sadyang may nais
ipahiwatig ang artist na lumilok nito? Tipikal din kasi natin makita ang
drawing ng isang male sex organ sa mga pampublikong palikuran (mall, palengke, school),
sa upuan ng bus, sa silya sa classroom, sa mga pader, bakanteng lote, at kung
minsan pa print sa t-shirt. Ano kayang ibig nilang sabihin bakit sila nagba-vandal
ng ganun? Ano bang meron sa collective mind or psyche ng Pinoy at tila baga nagkakaisa
ang lahat na ipalaganap ang imahe ng isang malaking titi? Proud lang ba tayo sa
ating sandata o andun ang frustration natin about sa size nito? Ewan lang, pero
naging controversial na din minsan sa atin ang malaking titi nung may isang
artist na nagdikit ng wooden penis ashtray sa poster ni Jesus Christ para sa
kanyang art exhibit (mantakin mo, meron din tayong wooden penis ashtray? Another
cultural icon).
Ano ba kasi talaga ang
kwento sa likod ng joke ni Mr. Barrel Man? Malabo. Unknown. Walang tiyak din na
nakakaalam kung sino talaga ang may pakana nito, ang sigurado lang ay mula ito
sa ating mga katutubo sa Cordillera Region. Ayon sa sabi-sabi, noong araw daw
kasi sa loob ng barrel o drum naliligo ang ating mga katutubo roon, at tingin
ko may isang henyong myembro ng kanilang tribo ang nakakuha ng idea mula doon.
Gamit ang Pinoy sense of humor, pagiging creative at business minded nakalikha
siya ng isang madamdaming art and at the same time, negosyo. Genius! Bravo!
But keep this in mind, may
sariling belief system ang ating mga katutubo. Hindi lang ito basta joke, art,
or business, bagkus isa itong phallic symbol. A symbol of fertility, hindi lang
fertility about sex kundi fertility din sa kanilang tanim, pag-harvest, to live
abundantly, masagana, humitik sa bunga ang mga puno, alagang hayop etc. It can
also represents the male aspect, the driving and creative force in nature.
Sadyang itinago din ng ating mga katutubo ang wooden phallus sa loob ng barrel
upang paalalahanan tayo na ito ay sagrado at gamitin lang sa oras ng pangangailangan.
bronze statuette of Priapus
Simula pa nung ancient
times malimit nang gamitin ang phallus sa art like sa sculptures, paintings,
religious relics, atbp. Halos lahat ng bansa, ancient mysteries, belief systems
ay may god of fertility or worship of phallus. Isa na dito si Priapus (Greek
Mythology), na in time nag-evolve into cute gnomes na makikitang naka-display
sa labas o hardin ng bahay. May paniniwala nga na kung mapadaan ka
sa harap ng bahay na may naka-display na gnome, rub mo daw iyon and it will
bring you luck. Try natin di ba? Wala naman masama e, besides may basehan ‘yon
dahil kapag ni-rub mo talaga ang phallus may milagrong mangyayari. “Rub-ba-da-bango”,
chant nga sa isang commercial ng fabric conditioner.
Gnomeo and Juliet
So ayan, everytime na
makakakita tayo ng barrel man wag lang sana natin pagtawanan dahil may malalim
at sagrado din pala itong pinag-ugatan. E pano naman daw yung mga vandal na
titi at mga exhibitionist sa lansangan? Naku hindi ko din alam, marahil
pinagpapatuloy lang nila ang legacy ng barrel man sa ibang medium, or maybe isa
na itong mind condition, The Barrel Man Syndrome. :)
Mga etiketa:
baguio,
barrel man,
benguet,
blog,
essay,
Gen Thalz,
ifugao,
Philippine icon,
post,
souvenir,
writing
Martes, Pebrero 19, 2013
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)