Miyerkules, Pebrero 20, 2013

UNDERNEATH THE BARREL MAN



Mula sa simpleng art, pang joke, pang gulat, pang display hanggang sa pagiging isa sa cultural icon ng ating bansa, malayo na ang narating nitong enigmatic barrel man. Oo nakarating na din kasi ito sa ibang bansa bilang souvenir ng mga dayuhan at mga balik-bayan. Pwedeng i-display sa sala, sa kwarto, sa kusina, at sa lamesa? Kaw na bahala.

Maraming natawa, natuwa, at meron din namang nagulat nung first time  nilang ma-encounter ang misteryosong barrel man. Sino ba naman kasi ang magaakala na isang malaki at exaggerated na titi ang bubulaga sayo pag angat mo ng barrel di ba? Taob ang jack-in-the-box parding! Pero isa lamang ba itong joke or pure entertainment? O sadyang may nais ipahiwatig ang artist na lumilok nito? Tipikal din kasi natin makita ang drawing ng isang male sex organ sa mga pampublikong palikuran (mall, palengke, school), sa upuan ng bus, sa silya sa classroom, sa mga pader, bakanteng lote, at kung minsan pa print sa t-shirt. Ano kayang ibig nilang sabihin bakit sila nagba-vandal ng ganun? Ano bang meron sa collective mind or psyche ng Pinoy at tila baga nagkakaisa ang lahat na ipalaganap ang imahe ng isang malaking titi? Proud lang ba tayo sa ating sandata o andun ang frustration natin about sa size nito? Ewan lang, pero naging controversial na din minsan sa atin ang malaking titi nung may isang artist na nagdikit ng wooden penis ashtray sa poster ni Jesus Christ para sa kanyang art exhibit (mantakin mo, meron din tayong wooden penis ashtray? Another cultural icon).

Ano ba kasi talaga ang kwento sa likod ng joke ni Mr. Barrel Man? Malabo. Unknown. Walang tiyak din na nakakaalam kung sino talaga ang may pakana nito, ang sigurado lang ay mula ito sa ating mga katutubo sa Cordillera Region. Ayon sa sabi-sabi, noong araw daw kasi sa loob ng barrel o drum naliligo ang ating mga katutubo roon, at tingin ko may isang henyong myembro ng kanilang tribo ang nakakuha ng idea mula doon. Gamit ang Pinoy sense of humor, pagiging creative at business minded nakalikha siya ng isang madamdaming art and at the same time, negosyo. Genius! Bravo!

But keep this in mind, may sariling belief system ang ating mga katutubo. Hindi lang ito basta joke, art, or business, bagkus isa itong phallic symbol. A symbol of fertility, hindi lang fertility about sex kundi fertility din sa kanilang tanim, pag-harvest, to live abundantly, masagana, humitik sa bunga ang mga puno, alagang hayop etc. It can also represents the male aspect, the driving and creative force in nature. Sadyang itinago din ng ating mga katutubo ang wooden phallus sa loob ng barrel upang paalalahanan tayo na ito ay sagrado at gamitin lang sa oras ng pangangailangan.

                                                      bronze statuette of Priapus

Simula pa nung ancient times malimit nang gamitin ang phallus sa art like sa sculptures, paintings, religious relics, atbp. Halos lahat ng bansa, ancient mysteries, belief systems ay may god of fertility or worship of phallus. Isa na dito si Priapus (Greek Mythology), na in time nag-evolve into cute gnomes na makikitang naka-display sa labas o hardin ng bahay. May paniniwala nga na kung mapadaan ka sa harap ng bahay na may naka-display na gnome, rub mo daw iyon and it will bring you luck. Try natin di ba? Wala naman masama e, besides may basehan ‘yon dahil kapag ni-rub mo talaga ang phallus may milagrong mangyayari. “Rub-ba-da-bango”, chant nga sa isang commercial ng fabric conditioner.

                                                          Gnomeo and Juliet

So ayan, everytime na makakakita tayo ng barrel man wag lang sana natin pagtawanan dahil may malalim at sagrado din pala itong pinag-ugatan. E pano naman daw yung mga vandal na titi at mga exhibitionist sa lansangan? Naku hindi ko din alam, marahil pinagpapatuloy lang nila ang legacy ng barrel man sa ibang medium, or maybe isa na itong mind condition, The Barrel Man Syndrome. :) 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento