“Nagsimula sa
patikim-tikim pinilit kong gustuhin, bisyo’y nagsimulang lumalim kaya ngayon
ang hirap tanggalin” ~ The Teeth
Tayo’y nasa ikalawang
lingo na ng October Fest at marahil marami-rami na ang umuwing basag, lugmok sa
antok, nanggigitata sa sariling suka at suka ng kaibigan o nanlilimahid sa amoy
ng yosi, tilamsik ng pulutan, at espiritu ng 2nd most consumed
beverage in the world next to tea – ang Beer.
Mahilig tumoma ang
Pinoy, basag kung basag, ubusan ng lahi hanggang wala nang maibentang serbesa
si Aling Nena. At sa mahaba-habang inuman din na ‘yun maraming nabubuong
matibay na samahan, mga kwento, aminan, ligawan, at bata.
Kaya naman naisipan
naming balangkasin ang ilan sa mga mitolohiya, tradisyon, at pamahiin na
pumapaimbulog sa loob ng inuman na aming nakalap sa ilang kaibigang
nakakwentuhan at nakainuman na.
1. Nangunguna sa
listahan, “Unang Tagay Para sa Demonyo”. Syempre san ba maguumpisa ang inuman
kundi sa unang tagay, pero hindi para sayo ‘to pare ko kundi para sa katropa
nating demonyo. Tradisyon na ‘to dre, pagbukas ng bote, sasalok sa tansan at
itatapon, tagay daw ng demonyo. May malalim at katutubong pinagugatan ‘to sa
pagkakaalam namin, hindi lang namin maalala ‘yung eksaktong kwento (sori
senglot siguro kame nung napanood o naikwento ‘yun). Subalit ang paliwanag dyan
ng aming tropa e para daw maging masaya ang inuman, walang magwala at
mag-ala-Rambo sa kalagitnaan ng tomahan.
Kumbaga paghingi ng
bless sa demonyo, logical naman e lalu na kung naniniwala ka sa devil at
sinasabi nga na gawa ng demonyo ang alak. Respeto ba sa pagbibigay niya ng
ganitong uri ng kasiyahan at kasarapan. Cheers!
At bakit may nagwawala
kung hindi natagayan ang devil kanyo? Simple, nainggit ang devil sumanib sa
kainuman mong malakas mamulutan.
2. Ikalawa, “Reserbang
Alak Dapat Nakatayo”, sobrang forbidden nyan pards. ‘Wag na ‘wag mong itutumba
ang mga nakareserbang alak dahil mabilis daw itong makalasing, hindi mageenjoy
ang tropa ‘di ba kung ilang ikot pa lang e senglot na. Kaya ‘wag na ‘wag mo
itutumba ang mga nakareserbang alak kung gusto mong makarami kayo, parang sinaway
mo ang Saligang Batas ng Pilipinas kapag nilabag mo ‘yan parekoy.
Ni mga dalubhasa’t mga
siyentipiko hindi maipaliwanag ang kababalaghan kung bakit napakabilis
makalasing ng reserbang alak na itinayong pabaligtad. Subalit may religious friend
naman kami ang nagmungkahi ukol rito na marahil kaya daw gayon ay dahil mockery
ito ng upside down cross.
3. Pangatlo, “Upos ng
Yosi sa Beer”. Secret teknik ito ng mga kainuman mong may masamang balak at
pagnanasa sayo. Kapag nilagyan daw kasi ng upos ng yosi ang iniinom mong alak
tyak tulog ka at halos walang malay para mong nakainuman ang Ativan Gang. Lalu
kung babae ka magigising ka na lang sa isang kwarto na walang bintana, nakatapis
ng kumot o tuwalya, may salamin sa kisame at malilit na toothbrush, toothpaste,
at sabon sa CR.
Ayon sa mga kwento
marami nang nabiktima ang ganitong klaseng istilo, kaya sa mga kababaihan natin
diyan, ingat sa mga kainuman.
4. Ang ika-apat, “Huwag
Tatanggi sa Tagay ng Nadaanang Inuman”. Nakow para kang nagtampo sa bigas kapag
sinuway mo ‘yan, ‘wag na ‘wag kang tatanggi pag inalok ka ng kapitbahay mong
shumat kahit isa lang kung ayaw mong samain ka, maliban na lang kung ikaw si
Chuck Perez, Charlie Davao o Monsour del Rosario sa karatehan o mala Robin
Padilla ka sa pagpatay ng yosi sa palad.
5. Ika-lima sa listahan
ang urban legend ng “Happy Horse” sa Redhorse Beer bottle. Ayon sa paniniwala
ng mga lasenggo’t lasyengga, sa isang case daw ng biniling Redhorse ay may
isang bote doon na kakaiba ang logo ng brand, para bang naka-smile ang kabayo
kumpara sa ibang bote, hence – Happy Horse. Ang cool dito e kung ikaw daw ang
nakadampot ng boteng ‘yun ay napakapalad mo sapagkat sayo napunta ang
pinakamasarap, malakas, matapang na beer sa isang case na ‘yun. Kakaiba daw
talaga ang sipa nun at may hatid na ibayong ligaya, hence – Happy Horse.
Ayaw sana naming
basagin ang ganitong trip sa inuman sapagkat exciting naman at masaya subalit
sabi nga “In vino veritas” – in wine there is truth, andun ang irony kaya
marapat na din naming isulat ang katotohanan patungkol diyan dito.
Ayon sa isa naming friend
na hindi na namin papangalanan upang maprotektahan ang kanyang katauhan at
pamilya dahil baka balikan siya ng kumpanya ng alak sa pagsiwalat ng
kagimbal-gimbal na katotohanang ito. Ayon sa kanya isa lamang daw itong myth,
hindi totoo na iba ang timpla ng sinasabing Happy Horse na ‘yun dahil same
brewing process lang ang ginagawa nila. Sa packaging lang daw talaga nagkaiba.
Old packaging daw ‘di
umano ang pinaniniwalaan ng karamihan na Happy Horse, medyo may binago daw sa
logo ng Redhorse taong 1992, naihahalo pa din ang lumang Happy Horse packaging
dahil 20 years ang life span ng bote bago tuluyang i-discard.
Sinakyan ng RH ang myth
at urban legend na ito for marketing purposes, katunayan nagpa-contest pa sila
kung sinong makakagawa ng magandang backup story about sa Happy Horse noon.
E pano ‘yung mga
nakadampot ng happy horse at nagsabing iba ang lasa nun? Matatanto natin dito kung
gano kalawak ang ating isip at imahinasyon natin, mind over matter, placebo
effect. Sori sa mga Happy Horse believer, kunwari na lang hindi nyo nabasa ‘to…
Mind over writer.
6. Pang-anim, ang deadly
song na “My Way”, stranger than fiction subalit napakarami na talagang winasak
na pangarap, buhay, at sinirang pamilya ang nakamamatay na kantang ito. Generic
‘yan tol ‘wag mo na kantahin kung ayaw mong samain. Daig nito ang suicide song
na Gloomy Sunday by Rezso Seress at ang pagbabawal ng guard sa Vhal &Vhon
amusement center noon sa Northmall Caloocan na “Bawal Nang Kantahin ang Gangsta’s
Paradise”.
Pero kung hindi ka talaga maawat ng mga kainuman mo sa pagkanta, Skyline Pigeon o Boulevard na lang ang tirahin mo para safe. At kung nangangati talaga ang diaphragm mo sa pagbirit na feeling mo same kayo ng esophagus at tonsil ni Ms. Asia's Songbird, My Love Will See You Through by Marco Sison na lang ang kanain mo. Mas ligtas ka rito.
7. Ika-pito ang “Last
Tagay Nakakalasing”, self-explanatory ‘yan chong. Ikaw ang last ikaw ang
nakalamang sa inuman, ikaw ang mas lasing.
8. Ang pang huli sa
listahan ay ang imortal na “Pagsumpa na Hindi na Iinom Tuwing May Matinding
Hangover”. Isa itong napakalaking myth o kathang isip pre. Again self-explanatory dre, promises are made to be broken. Dahil
ilan na ba ang sumumpa ng ganito at nilabag din ang sariling pangako nang mag
aya si Ambet tumoma doon kila Dodo? ‘Yung iba pa nga sinusulat pa sa kanilang
diary ang sumpang ito para hindi talaga malabag subalit mahirap talaga hindian
si Ambet.
Ayan, sumainyo ang ilan
sa mga inuman myths, traditions, and superstions. Marami pa ‘yan at marami pang
maiimbentong kwento sa loob ng inuman pero ‘yan muna kaya alak pa!