TILAMSIK
SA GABING MALIGAMGAM (an FB broken serye)
Ang
Nakaraan… Hindi kanina, hindi kahapon, hindi nung isang araw, at lalung
hinding-hindi nung isang linggo. Ang nakaraan. Hindi din last month, last year,
o last century. Hindi naman din matiyak kung ito ba ay isa nang history, ang
nakaraan…
*Ang
susunod na mababasa ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang
kaylangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengwahe, Karahasan, Sekswal, Horror,
o Droga na hindi angkop sa mga bata.
Episode
6 Season 1: “Muntik Nang Maabot ang Langit”
Nagising
si Rogelio mula sa isang napakaganda at napakadalisay na panaginip, muntik na
niyang maabot ang langit at makamtan ang matamis na oo ni Genoveva nang bigla
itong maabala ng rumaragasang laway ni Jobert as friend. Hindi ko alam kung
parte pa ba ng kanilang pagkakaibigan ang magtuluan ng laway habang tulog,
subalit as a friend nga o bilang kaibigan kailangan niyang tanggapin iyon ng
buong puso at walang halong ni katiting man lang na bahid ng pagaalinlangan at
pagkasuklam…
“Ay
powtek ka naman chong badtrip ka! Pakaganda na ng panaginip ko e!”
“Putek
chong buti ginising mo ko ansama ng panaginip ko kala ko totoo shet! Nalulunod
ka daw sa baha tapos hindi kita masagip!”
“Gago
totoong nangyari ‘yun! Muntik na ko malunod sa laway mo hayup ka!”
“Ganun
ba? Sori naman tao lang. E ano ba kasi ‘yung panaginip mo?
“Tumawag
daw si Genoveva, nagkwentuhan kame walang puknat tapos nung sasabihin na niyang
I love you naputol dahil nga sa lintik na laway mo!”
“Hahahaha!
Chong nananaginip ka pa ba? Tulog ka kaya ulet. Excited ka lang siguro sa date
ninyo mamaya!”, sabay akap sa hotdog na unan at pumikit ulet.
“Ha?!
Anong ibig mo sabihin dude? Anong date naming dala-?”
Biglang
nag-ring ang cellphone ni Rogelio, si Genoveva tumatawag. Nagulat si Rogelio, sinagot agad ang tawag,
marahan ang pag-hello.
“He…ll…looow…?”
“Hello
lang talaga? Hindi mo na nga ko binati ng happy monthsary kaninang umaga, hindi
mo pa ko tinawag sa terms of endearment natin?!! (naghuhurumintado ang boses ni
Genoveva, nawala ang poist. A kikay is now turns into a palengkera) Kanina pa
ko tawag nang tawag at text nang text hindi mo sinasagot!!! Tanghali na hindi
ka pa nakagayak! Ano ba gusto mo ha?
Gusto mo tapusin na natin ‘to e! Ano ha?”
“Teka-teka!
Wait lang. Ano ba pinagsasabi mo? Anong monthsary? Tayo ba?”
“Hindi
ka nakakatawa ha… Sabihin mo lang kung wala kang time sakin… Kung ayaw mo ko
makasama… Bumili pa naman ako ng bagong bistida sa Forever 21 para sa okasyon
na ‘to tapos ganyan ka… Huhuhu… (biglang naiyak)”
Kahit
nawiwirduhan pinatahan ni Rogelio si Genoveva bunsod ng labis niyang pagmamahal
dito.
“Tahan
na babes…”
“Waaaaah!
(humagulgol lalu) Hindi babes tawagan natin huhu!
“Oo
nga alam ko, tinetesting lang kita honey!”
“I
hate you na sobra! Heart ang tawagan natin! Grabe ka talaga! I hate you! I hate
you!”
“Joke
lang heart ‘to naman… Sige na tahan na. Gagayak na ko, napuyat lang kasi ko kagabi
sa lamok. San mo nga pala gusto pumunta?”
“Surprise
me! (sumigla na ulet)”
“Ok
sige meet na lang tayo sa kanto ha dun sa Ministop. Mga bandang 4pm, oks ba
‘yun heart?”
“Sige
heart! I love you mmmmmmwah!”
Kinilig
si Rogelio na hindi makapaniwala.
“I
love you too! Slurp!”
Makalipas
ang ilang oras… 4pm na. On time si Rogelio panay ang ayos ng buhok habang
inaantay si Genoveva. Bumili pa ng hairstyling wax na nasa sachet.
“Hi
heart Happy Monthsary!!! Gift ko sa’yo.”
“Wow
thanks heart nagabala ka pa talaga. Pano ‘yan wala ko gift sa’yo?”
“Ok
lang. Kasama lang kita Masaya na ko. Hihi…”, sabay hawak sa braso ni Rogelio.
“Shall
we?”, tumango si Genoveva at agad silang sumakay ng jeep, ng bus, at ng mrt.
Bumaba sa Ayala station, sa Glorietta pala ang tungo.
Kumain
sa Shakey’s. Bumili ng milktea sa Chatime, winter watermelon. Iniinom nila ‘yun
habang nag-i-stroll sa mall. Maligalig silang dala, walang pakialam sa mundo
puno ng pagmamahalan at umaapaw sa ka-sweetan. Napadaan sila sa sinehan,
showing na ang Iron Man 3.
“Heart
watch natin o Iron Man 3? Type mo ba?”
“Oo
naman heart! Ganda kaya ‘yan.”
“Yey!”,
biglang hug tight sa kanyang hearty.
Agad
bumili ng ticket si Rogelio. Naalala niya bigla ang KKK secret place sa sinehan
na tinuro ni Jobert as a friend. Napa-grin smile si Rogelio. “Haha maaasahan ka
talaga Jobert! Tunay kang kaibigan kahit tumutulo laway mo pagtulog!”, ngising
bulong niya sa sarili.
Tangan-tangan
pa din nila ang biniling milktea na may pearl. Pagpasok sa loob nilamig agad
ang dalawa. Alam na natin kung saan dinala ni Rogelio si Genoveva. Doon sa
pinakataas, pinakasulok at pinakamadilim na bahaging lugar ng sinehan.
“Heart
giniginaw ako.”
Mabuti
na lang naka-jacket si Rogelio kahit summer.
“O
eto mag-jacket ka muna heart.”
“Heart
ang ginaw pa din…”, sumandal kay Rogelio.
Sinamantala
iyon antimano ni Rogelio. Inakbayan niya si Genoveva. Hindi pumalag. Diniinan
ang akbay tipong paakap. Hindi pumalag. Hinawakan niya ang kamay. Hindi din
pumalag. Hinalikan niya sa bumbunan. Hindi din pumalag. Hindi na mapakali sa Rogelio
may kakaibang kislot ang sa kanya ngayo’y bumabalot.
Napaunat
ng ulo si Genoveva at napatingin sa kanya. Tinitigan siya nito, medyo malagkit.
Oo madilim sa sinehan pero nagkakatitigan talaga sila. Walang bumibitaw.
Pumikit si Genoveva, akmang hahalik sa lips ni Rogelio, napapikit na din siya.
Dahan-dahan naglapat ang kanilang mga labi, unti-unting bumubuka, marahan na
ngumangasab-ngasab hanggang sa mapa-atras ng ulo si Rogelio…
“Heart
ang baho ng hini-“, pagdilat niya nasa loob siya ng kanyang kwarto at nakatapat
ang mukha sa pwet ni Jobert as a friend.
“Ay
puta nasa panagi- Fuck you ka Jobert ang baho ng utot mo mamatay ka na sana
hayup ka! Walang hiya ka ba’t sa mukha ko pa?!!!!”
“Ano
‘yun chong? Hasel ka naman pare ansarap matulog nambubulabog ka. Utot lang ‘yan
dude what are friends are for?”
Hanggang
kaylan magtitiis si Rogelio sa mga sleeping habit ni Jobert as a friend na may
halong kababuyan, kawalangyaan, at kabrutalan? May katwiran nga ba si Jobert as
a friend na “What are friends are for?”? At bilang matalik na kaibigan, dapat
pa bang tanggapin iyon ni Rogelio ng buong puso at walang halong
pagaalinlangan? Kailan masasabi na ito ay Sukdulan na at marapat nang kalusin
ang salop?
Sa
kabilang banda, tuluyan na kaya talagang nagising si Rogelio? Hanggang kaylan
siya magpapaikot-ikot sa loob ng panaginip? Magtuloy kaya ito sa dream within a
dream within a dream within a dream within a dream? Siya ba kaya talaga ang
nananaginip o bilang kaibigan ay inako iyon ni Jobert as a friend? Or baka
naman si Genoveva? Walang nakakaalam. Abangan na lang ang lahat ng kasagutan
dito lang sa nagiisa, walang kaparis, walang katulad at walang gustong gumaya
na brutal drama serye sa internet… ang Tilamsik sa Gabing Maligamgam copyright
2013.
Para
sa ating Question of the day Promo:
“Ano
ang amoy ng utot ni Jobert as a friend?”
A.Bulok
na itlog
B.Kulob
na pakuraban
C.Pusali
Follow
up Question:
“Gaano
ka-nose friendly ang utot ni Jobert as a friend?”
A.Slight
B.Nose
friendly talaga
C.No
Reaction
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento