"And the sun in my disgrace
Boiling heat, summer stench
'Neath the black the sky looks dead
Call my name through the cream
And I'll hear you scream again" ~ Soundgarden (Black Hole Sun)
Tutal terible ang init ngayon, pagusapan natin ang Araw. Sun is the center of our solar system blah-blah-blah, kabisado natin ‘yan nung bata tayo kahit na batang Milkmaid, Bona, Alaska or batang Am ka lang at hindi batang Promil. Dapat alam mo din noon na ang Araw ay isang star, sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran dahil kung hindi kawawa ka sa mga kalaro mong mapang-asar, “Ay hindi siya gifted, hindi siya gifted child hahaha!”.
Alam na alam din natin noon na nakakakuto at nakakabungang-araw ang sobrang pagbibilad sa araw.
Pero alam mo bang may mga naniniwala na hindi daw talaga mainit ang araw? Oows? Bakit daw?
Common notion natin na made of fire ang sun, marami silang argumento ukol dito dahil wala daw oxygen o air sa space kaya hindi talaga ‘to apoy. Agree ang siyensya diyan dahil hindi naman daw kasi talaga made of fire ang sun kundi mostly plasma, magnetic fields, helium and hydrogen. Ang heat energy daw nito ay dahil sa thermonuclear fusion na hindi nangangailangan ng oxygen or air, at ‘di tulad ng fire na isang chemical reaction lamang (tutugtog ang theme song ng Sineskwela).
Hindi kumbinsido ang mga naniniwalang hindi mainit ang araw sa scientifically explanations na ito ng siyensya. Sabi nga “There is no such thing as exact science.”. Bakit daw kasi the more we get higher or closer to the sun the more na mas malamig ang pakiramdam. Halimbawa na nga lang daw pag nasa mataas tayong lugar gaya ng mga bundok, at ‘yung tinatawag na polar ice caps. Bakit daw malamig sa space? At kung malamig sa space paano daw nasusukat ang temperature ng sun at masabing mainit nga ito? Isa pa bakit daw madilim sa kalawakan?
Andaming tanong ng mga skeptics. Subalit kung pagaaksayahan mo ng panahong isipin ang mga tanong nila at sinasabi mapapa-“oo nga no?” din tayo saka masasabi sa sarili na may punto din ang kanilang punto de vista at malamang makasulat ka din ng sulatin gaya nito. ‘Yun nga lang “To see is to believe” ika nga, kitang-kita natin ang liwanag at damang-dama natin ang nanggagalaiting init ng araw so anong paliwanag ng mga skeptics ukol rito?
Simple lang. Para sa kanila ray of energy ang ini-emit ng sun at pagtama daw ng energy na ito sa ating atmosphere makakalikha ito ng friction na magiging sanhi ng light and heat. Dahil din daw sa interaction ng sun rays sa matter kaya nagkakaron ng heat. At sabi nga sa tanong nila sa itaas ang outer space ay napakalamig na lugar kahit na ito pa ay exposed directly sa sunlight, walang clouds o atmosphere man lang na sumasala.
May mga recorded movements din daw mula sa mga camera from outer space ng mga comets na napupunta towards sa sun pero dumadaan lang ito, hindi daw natutunaw o umaapoy man lang.
Para sa kanila ang sun ay isang cool place not a hot place, ancient wisdom na daw ito at ang tunay na kulay daw ng sun ay blue. That’s why sa mga esoteric and occult teachings may sinasabi silang “Blue Sun” metaphor as Blue Apple.
Sabi nga din sa music na ang blue note ay Sol (Latin name ng Sun)
Sir William Herschel (astronomer, composer, famous of discovering Uranus and the two moons of Saturn) gets even further by suggesting na may inhabitants ang sun. He really believed na ang sun ay isang cool body of energy and not a hot flaming gas ball.
Hindi pa open for discussion ang idea na ito at nananatili pa din ang science community na sun is hot. Subalit kung ating pagbibigyan na cold ang sun posible din itong magdulot ng heat tulad ng ice na pagsobrang lamig ay maaaring makasunog or ang tinatawag na ice burn.
Just to get neutral or being agnostic, maaaring ang sun and its sunlight is neither hot nor cold because it is energy katulad din ng electricity. Ewan. Wala pa din talagang kasiguraduhan at nakakaalam kung sinong tama, mali at may tama. Ang alam lang natin lahat sa ngayon kapag tag-araw ay mag-post ng pictures ng ating mga summer get away. Beach tol cool ang summer.
So pano, ingat-ingat na lang tayo sa pagpoposing-posing sa mga beaches at pools ha saka tiyakin nating makaiwas tayo sa mga dikya lalung-lalu na sa yellow submarine.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento