Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gen. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gen. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Abril 30, 2013

1-2-3 PUUUUUUSH!


“What does the man profit from all his labor at which he toils under the sun?” ~ Ecclesiastes 1:3



“1-2-3 Push!”, ‘yan ang madalas natin marinig sa mga manggagawang may mabibigat talagang trabaho, kargador, pahinante ganyan.

At dahil nga Labor Day ngayon, pagusapan natin ang mga mother sapagkat sila ang dahilan kung bakit sa mga ospital ay nakakarinig din tayo ng “1-2-3 Puuush!” or kung nasa nayon ka, baryo o malayong parte ng probinsya, sa kapitbahay. ‘Yun nga lang “Usa-duha-tulo ire!” or “Maysa-duwa-talo idik!” or “Metung-adwa-atlo mirii!” and many more ang madidinig mo.

Sila din, ang mga mother ang tunay talagang laborer na siyang magsisilang ng mga magiging laborer balang araw na magse-celebrate ng Labor Day tuwing May 1. Kaya nga magkadikit halos ang date nila sa kalendaryo, tamo next week Mother’s Day na.

Sila ang totally nag-e-exert ng matinding effort, distress and exhaustions, naghuhubog at gumagabay sa mga future laborer. Nine months nila itong dala-dala, ilang oras na labor bago manganak at ang pain ng mismong panganganak. May kasabihan nga kasi tayo diyan, “Kapag may isinuksok may madudukot.”

Hindi lang diyan natatapos ang suffering nila, pagkapanganak padededehin pa nila ang sanggol ng ilang buwan at ayon sa mga nakakwentuhan kong mga nanay mahirap din daw magpadede, nakakapanghina kaya sila kain ng kain lalu na daw at dala-dalawa sumususo sayo hindi naman kambal ang anak mo. Kaya siguro hindi na nakikisuso ang mga daddy pig, cow, dog nauunawaan nila kalagayan ng esmi nila. Ikaw ba naman magpasuso ng 5-8 babies sabay-sabay. Isa pa wala na silang pupwestuhan.

Pero oo nga no, ang adult male human species lang talaga ang bukod tanging nilalang na matapos dumede ng ilang buwan o taon nung bata e mas gusto at sabik na sabik pa din sumuso paglaki at pagtanda, ewan lang hindi ko sigurado baka meron din sa ibang hayop nito. 

To think na “Ma” or “Mama” ang karaniwang unang nabibigkas ng baby na hango sa Mammary gland ng babae, walang scientific na dahilan ukol rito subalit marahil baka dahil iyon sa kakasuso nga natin nung sanggol pa tayo. Pero ibang topic na ‘to,  pagusapan natin siguro ang hiwaga ng suso,  joga o mammary gland sa “National Puppy Day”, doon na din natin tukuyin kung totoo bang mabisang panlunas ng sore eyes ang gatas ng ina o isa lamang itong mahika negra ng ating mga lola.

Dito muna tayo sa Labor Day. 3-4 stages ang pagle-labor na siyang pinagdadaanan ng mga manganganak, napakahirap daw talaga ang sabi nga sa oras ng panganganak nasa hukay ang isang paa ng nanay.

Ang hirap talagang maging ina kaya napakadakila nila, bukod pa kasi sa pain of childbirth sila din ang sumasalo ng galit ng kaaway natin o kaibigang na-excite sa tuwa. “Putang Ina mo!” ansakit ‘di ba? Tawagin ba namang puta ang nanay mo na nananahimik sa bahay naka-duster, rollers at nagwawalis-walis.

Worst pa niyan pati ang ari niya idadamay nila, “Puking Ina mo chong lupet mo!”. Sagot mo naman “Tang ina naman pare ano ba kinalaman ng puke ng ermat ko sa pagdo-dota natin dito?”.

Lagi silang sangkot kahit wala naman silang kinalaman. Kung minsan nga pati sa sarili natin mismo kapag sobrang badtrip tayo at gulong-gulo napapa-“Puki ng Ina talaga ‘yan!” na lang tayo para mailabas ang inis at bugnot. Ewan ko bakit laging puke, bakit ‘di natin masabi na “Titi ng Ama talaga!” or “Burat ka ng Ama mo!”. At sa babae lang ba ang pagpuputa? May lalaki din namang puta, kaya logical din kung sabihin mong “Putang Ama mo dre astig mo!”.

Siguro kaya malimit nating pagdiskitahan ang maselang bahagi ng katawan ng babae lalu na kung bwisit tayo sa buhay ay dahil lahat tayo ay doon lumabas papunta sa mundong ito kaya ganun na lang kung mamutawi iyon sa bunganga natin. Subalit pakaisipin din natin kung ganong hirap ang pinagdadaanan ng isang vagina, mantakin mo wawasakin-tatahiin-wawasakin-tatahiin. Paulit-ulit. Mahihinto lang ang tahi kapag ligate na pero ang wasakan dire-diretso ‘yan hanggang tumanda.

E ang titi? Ayun, standing proud lang. Isang beses lang ang tahi. Kaya ok lang or marapat lang na sisihin din natin siya kung bwisit tayo, “Penis, you’re such a dick!”

Samantala hango ang salitang Mother sa old English na Modor, Latin Mater na nag evolve ngayon into Ermat, Mamang,  Mamu, Mameski, Mudra etc.

Katulad ng word na Mother na madaming katawagan ay may ibat-ibang uri din ang pagiging ina. May lalaki biologically pero tumatayo bilang mother, merong Single Mom, Working Mom, Young Mom. Andiyan din si Mother Mary, Mother Teresa, at higit sa lahat si Mother Lilly.

Hindi lingid sa ating kaalaman na kalimiting nangyayari na pagkapanganak ng babae or kasalukuyan pa lang ay biglang iiwan ng lalaking nakabuntis, napakasaklap. Isa na dito si Mary Magdalene na kung totoo nga ang chismax na nagdalang tao siya noon at biglang iniwan, ang kaibahan lang pinangakuang babalikan subalit magpa sa hanggang sa ngayon, eto pati tayo nakikihintay pa din sa muling pagbabalik ng lalaking di-umano’y sa kanya’y naka-jontis.

Happy Mother’s Day!
  







Sabado, Abril 13, 2013

COOL ANG SUN TOL

"And the sun in my disgrace
Boiling heat, summer stench
'Neath the black the sky looks dead
Call my name through the cream
And I'll hear you scream again" ~ Soundgarden (Black Hole Sun)

Tutal terible ang init ngayon, pagusapan natin ang Araw. Sun is the center of our solar system blah-blah-blah, kabisado natin ‘yan nung bata tayo kahit na batang Milkmaid, Bona, Alaska or batang Am ka lang at hindi batang Promil. Dapat alam mo din noon na ang Araw ay isang star, sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran dahil kung hindi kawawa ka sa mga kalaro mong mapang-asar, “Ay hindi siya gifted, hindi siya gifted child hahaha!”.

Alam na alam din natin noon na nakakakuto at nakakabungang-araw ang sobrang pagbibilad sa araw.

Pero alam mo bang may mga naniniwala na hindi daw talaga mainit ang araw? Oows? Bakit daw?

Common notion natin na made of fire ang sun, marami silang argumento ukol dito dahil wala daw oxygen o air sa space kaya hindi talaga ‘to apoy. Agree ang siyensya diyan dahil hindi naman daw kasi talaga made of fire ang sun kundi mostly plasma, magnetic fields, helium and hydrogen. Ang heat energy daw nito ay dahil sa thermonuclear fusion na hindi nangangailangan ng oxygen or air, at ‘di tulad ng fire na isang chemical reaction lamang (tutugtog ang theme song ng Sineskwela).

Hindi kumbinsido ang mga naniniwalang hindi mainit ang araw sa scientifically explanations na ito ng siyensya. Sabi nga “There is no such thing as exact science.”. Bakit daw kasi the more we get higher or closer to the sun the more na mas malamig ang pakiramdam. Halimbawa na nga lang daw pag nasa mataas tayong lugar gaya ng mga bundok, at ‘yung tinatawag na polar ice caps. Bakit daw malamig sa space? At kung malamig sa space paano daw nasusukat ang temperature ng sun at masabing mainit nga ito? Isa pa bakit daw madilim sa kalawakan?

Andaming tanong ng mga skeptics. Subalit kung pagaaksayahan mo ng panahong isipin ang mga tanong nila at sinasabi mapapa-“oo nga no?” din tayo saka masasabi sa sarili na may punto din ang kanilang punto de vista at malamang makasulat ka din ng sulatin gaya nito. ‘Yun nga lang “To see is to believe” ika nga, kitang-kita natin ang liwanag at damang-dama natin ang nanggagalaiting init ng araw so anong paliwanag ng mga skeptics ukol rito?

Simple lang. Para sa kanila ray of energy ang ini-emit ng sun at pagtama daw ng energy na ito sa ating atmosphere makakalikha ito ng friction na magiging sanhi ng light and heat. Dahil din daw sa interaction ng sun rays sa matter kaya nagkakaron ng heat. At sabi nga sa tanong nila sa itaas ang outer space ay napakalamig na lugar kahit na ito pa ay exposed directly sa sunlight, walang clouds o atmosphere man lang na sumasala.

May mga recorded movements din daw mula sa mga camera from outer space ng mga comets na napupunta towards sa sun pero dumadaan lang ito, hindi daw natutunaw o umaapoy man lang.

Para sa kanila ang sun ay isang cool place not a hot place, ancient wisdom na daw ito at ang tunay na kulay daw ng sun ay blue. That’s why sa mga esoteric and occult teachings may sinasabi silang “Blue Sun” metaphor as Blue Apple.



Sabi nga din sa music na ang blue note ay Sol (Latin name ng Sun)

Sir William Herschel (astronomer, composer, famous of discovering Uranus and the two moons of Saturn) gets even further by suggesting na may inhabitants ang sun. He really believed na ang sun ay isang cool body of energy and not a hot flaming gas ball.

Hindi pa open for discussion ang idea na ito at nananatili pa din ang science community na sun is hot. Subalit kung ating pagbibigyan na cold ang sun posible din itong magdulot ng heat tulad ng ice na pagsobrang lamig ay maaaring makasunog or ang tinatawag na ice burn.

Just to get neutral or being agnostic, maaaring ang sun and its sunlight is neither hot nor cold because it is energy katulad din ng electricity. Ewan. Wala pa din talagang kasiguraduhan at nakakaalam kung sinong tama, mali at may tama. Ang alam lang natin lahat sa ngayon kapag tag-araw ay mag-post ng pictures ng ating mga summer get away. Beach tol cool ang summer.

So pano, ingat-ingat na lang tayo sa pagpoposing-posing sa mga beaches at pools ha saka tiyakin nating makaiwas tayo sa mga dikya lalung-lalu na sa yellow submarine.