“What does the man
profit from all his labor at which he toils under the sun?” ~ Ecclesiastes 1:3
“1-2-3 Push!”, ‘yan ang
madalas natin marinig sa mga manggagawang may mabibigat talagang trabaho,
kargador, pahinante ganyan.
At dahil nga Labor Day
ngayon, pagusapan natin ang mga mother sapagkat sila ang dahilan kung bakit sa
mga ospital ay nakakarinig din tayo ng “1-2-3 Puuush!” or kung nasa nayon ka, baryo
o malayong parte ng probinsya, sa kapitbahay. ‘Yun nga lang “Usa-duha-tulo ire!”
or “Maysa-duwa-talo idik!” or “Metung-adwa-atlo mirii!” and many more ang
madidinig mo.
Sila din, ang mga mother
ang tunay talagang laborer na siyang magsisilang ng mga magiging laborer balang
araw na magse-celebrate ng Labor Day tuwing May 1. Kaya nga magkadikit halos
ang date nila sa kalendaryo, tamo next week Mother’s Day na.
Sila ang totally
nag-e-exert ng matinding effort, distress and exhaustions, naghuhubog at
gumagabay sa mga future laborer. Nine months nila itong dala-dala, ilang oras
na labor bago manganak at ang pain ng mismong panganganak. May kasabihan nga kasi
tayo diyan, “Kapag may isinuksok may madudukot.”
Hindi lang diyan
natatapos ang suffering nila, pagkapanganak padededehin pa nila ang sanggol ng
ilang buwan at ayon sa mga nakakwentuhan kong mga nanay mahirap din daw magpadede,
nakakapanghina kaya sila kain ng kain lalu na daw at dala-dalawa sumususo sayo hindi
naman kambal ang anak mo. Kaya siguro hindi na nakikisuso ang mga daddy pig,
cow, dog nauunawaan nila kalagayan ng esmi nila. Ikaw ba naman magpasuso ng 5-8
babies sabay-sabay. Isa pa wala na silang pupwestuhan.
Pero oo nga no, ang adult
male human species lang talaga ang bukod tanging nilalang na matapos dumede ng ilang
buwan o taon nung bata e mas gusto at sabik na sabik pa din sumuso paglaki at
pagtanda, ewan lang hindi ko sigurado baka meron din sa ibang hayop nito.
To think na “Ma” or “Mama”
ang karaniwang unang nabibigkas ng baby na hango sa Mammary gland ng babae,
walang scientific na dahilan ukol rito subalit marahil baka dahil iyon sa
kakasuso nga natin nung sanggol pa tayo. Pero ibang topic na ‘to, pagusapan natin siguro ang hiwaga ng suso, joga o mammary gland sa “National Puppy Day”,
doon na din natin tukuyin kung totoo bang mabisang panlunas ng sore eyes ang
gatas ng ina o isa lamang itong mahika negra ng ating mga lola.
Dito muna tayo sa Labor
Day. 3-4 stages ang pagle-labor na siyang pinagdadaanan ng mga manganganak, napakahirap
daw talaga ang sabi nga sa oras ng panganganak nasa hukay ang isang paa ng
nanay.
Ang hirap talagang
maging ina kaya napakadakila nila, bukod pa kasi sa pain of childbirth sila din
ang sumasalo ng galit ng kaaway natin o kaibigang na-excite sa tuwa. “Putang
Ina mo!” ansakit ‘di ba? Tawagin ba namang puta ang nanay mo na nananahimik sa
bahay naka-duster, rollers at nagwawalis-walis.
Worst pa niyan pati ang
ari niya idadamay nila, “Puking Ina mo chong lupet mo!”. Sagot mo naman “Tang
ina naman pare ano ba kinalaman ng puke ng ermat ko sa pagdo-dota natin dito?”.
Lagi silang sangkot
kahit wala naman silang kinalaman. Kung minsan nga pati sa sarili natin mismo
kapag sobrang badtrip tayo at gulong-gulo napapa-“Puki ng Ina talaga ‘yan!” na
lang tayo para mailabas ang inis at bugnot. Ewan ko bakit laging puke, bakit ‘di
natin masabi na “Titi ng Ama talaga!” or “Burat ka ng Ama mo!”. At sa babae
lang ba ang pagpuputa? May lalaki din namang puta, kaya logical din kung
sabihin mong “Putang Ama mo dre astig mo!”.
Siguro kaya malimit
nating pagdiskitahan ang maselang bahagi ng katawan ng babae lalu na kung
bwisit tayo sa buhay ay dahil lahat tayo ay doon lumabas papunta sa mundong ito
kaya ganun na lang kung mamutawi iyon sa bunganga natin. Subalit pakaisipin din
natin kung ganong hirap ang pinagdadaanan ng isang vagina, mantakin mo
wawasakin-tatahiin-wawasakin-tatahiin. Paulit-ulit. Mahihinto lang ang tahi
kapag ligate na pero ang wasakan dire-diretso ‘yan hanggang tumanda.
E ang titi? Ayun,
standing proud lang. Isang beses lang ang tahi. Kaya ok lang or marapat lang na
sisihin din natin siya kung bwisit tayo, “Penis, you’re such a dick!”
Samantala hango ang
salitang Mother sa old English na Modor, Latin Mater na nag evolve ngayon into
Ermat, Mamang, Mamu, Mameski, Mudra etc.
Katulad ng word na
Mother na madaming katawagan ay may ibat-ibang uri din ang pagiging ina. May
lalaki biologically pero tumatayo bilang mother, merong Single Mom, Working Mom,
Young Mom. Andiyan din si Mother Mary, Mother Teresa, at higit sa lahat si
Mother Lilly.
Hindi lingid sa ating
kaalaman na kalimiting nangyayari na pagkapanganak ng babae or kasalukuyan pa
lang ay biglang iiwan ng lalaking nakabuntis, napakasaklap. Isa na dito si Mary
Magdalene na kung totoo nga ang chismax na nagdalang tao siya noon at biglang
iniwan, ang kaibahan lang pinangakuang babalikan subalit magpa sa hanggang sa
ngayon, eto pati tayo nakikihintay pa din sa muling pagbabalik ng lalaking
di-umano’y sa kanya’y naka-jontis.
Happy Mother’s Day!