Linggo, Hunyo 23, 2013

Episode 12: “Where You End I Begin”


Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

~Ang Katapusan~

Ang Nakaraan…  
                                                             
Sa sobrang tagal maaari itong makalimutan at hinding-hindi na kaylan man matandaan. Hindi na nga ba talaga matandaan ang nakaraan o hindi na lang alam kung papano duduktungan?

Pero syempre tulad ng napagkasunduan na huling kabanata, narito na ang katapusan. Katulad din ng lahat ng bagay sa mundo, lahat may hangganan, lahat may wakasan…

Parehong naospital si Rogelio at ang guy na nakabukas ang polo na may sandong fit sa loob. Ang kanilang maaksyong suntukan ay nauwi sa malagim na kapinsalaan subalit mas malala ang lagay ng guy na nakabukas ang polo dala ng pagkakapukpok ng bato ni Genoveva sa kanyang ulo. Halos mag 50-50 ang guy na ‘yun at ma-comatose.

Ilang buwan na syang nakaratay sa banig ng karamdaman habang si Rogelio makalipas ang dalawang linggo ay naka-recover na dahil syempre ‘yon sa mapagmahal na alaga ni Genoveva at palakaibigang asikaso ni Jobert as a friend kahit na may plaster of paris pa syang puno ng vandal ng mga kaibigan, kaklase, kaanak at mga kapitbahay sa kanyang nakomang na braso dala ng pagkakatapak-tapak sa kanya ng mga nagsasayaw habang sya’y nakahandusay sa dance floor.

Isang mahangin at ‘di kainitang araw habang naglalambingan si Rogelio at Genoveva sa may bakuran, nagkakatuwaan sila kasama si Jobert as a friend na komang, pinagkukwentuhan nila ang mga masasayang nagdaan nang biglang isang nakakagulat at malakas na ring ng cellphone ang bumasag sa kaunti nilang kasiyahan. “Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg!!!”

“Hello???”, nagtataka at medyo gulat na sagot ni Rogelio habang nakatingin lang sa kanya ang dalawa, nagaabang.

“Yes speaking.”

“Opo kilala ko po. Opo-opo kilala namin.”

“Ha? Ay yes andito po kasama ko sila ngayon. Eh-“

“As in ngayon na?”, pa-hesitate na tugon ni Rogelio sa kausap habang nakakunot na ang noo ni Genoveva at Jobert as a friend na komang na sa kawa-wonder na may halong pagkainip na malaman kung ano kaya ang pinaguusapan at sino ang kausap ni Rogelio sa cellphone.

“San po ulet?”

“Ah yes opo alam po namin ‘yan. Sige po punta kame diyan.. eh-“

“As in ngayon na mismo talaga? Gano daw ba kaimportante?”

“Ah sige-sige po papunta na kame mga after 30mins.”

“Ok. Sige po thank you bye.”

Nakatitig ang dalawa kay Rogelio naghihintay ng makabuluhang impormasyon.

Mga ilang Segundo din muna ang lumipas bago nakapagsalita si Rogelio, huminga muna sya ng malalim ‘yung tipong muntik na siyang hindi maka-exhale sa sobrang lalim.

“Guys need natin pumunta sa ospital.”

“WHAT?!”, oa na sigaw ng dalawa.

“Pinapapunta daw tayo nung guy na nakasuntukan ko sa bar, ano ba name nun?”

“Hindi ko din alam first meet namin dun nun may sasabihin daw sya tapos nung sasabihin pa lang niya name niya bigla ka umeksena kaya ‘yun ‘di na nya nasabi…”, maliwanag na paliwanag ni Genoveva. “Bakit daw ba?”

“May importante daw sasabihin sa atin sabi nung nurse na kausap ko.”, sagot agad ni Rogelio.

“E baka ‘yun ang sasabihin niya sa atin kung anong name niya?”, proud na hirit ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Hindi mukhang seryoso e.”, malumanay na tugon ni Rogelio.

“Guys baka gaya ‘to ng mga napapanood ko sa tv na tipong mamamatay na ‘yung may sakit tas may ibibilin sa atin na misyon o kayamanan, chance na natin ‘to yes!”, proud ule na hirit ni Jobert as friend na komang na.


“Ano pang inaantay natin?”, patanong na kayag naman ni Genoveva.

“Tara.”, nagiisip na sagot naman ni Rogelio.

Hindi na ilalahad dito kung pano sila naglakad papuntang kalsada, pumara ng jeep pero puno lahat kaya napilitan silang mag-taxi na lang papuntang ospital, mabilis ang byahe hindi gaanong trapik. Natural ambagan sa pamasahe P150.00

Pagdating sa kwarto ng guy na nakabukas ang polo, agad silang pinapasok ng nurse na nagbabantay rito.
“Ma…ma…bubu…ti..naka…kaka..ra..ting..kayo.”, nangangatal at hirap-hirap na pagbati sa kanila ng guy na nakabukas ang polo.

“Oo nagmadali nga kame. Kamusta ka na?”, tugon ni Rogelio.

“Hihin…di…na…mahalagagaga…’yon…Ang im…im…por…tatatatan…te…ay mala…mamaman…nyo na hindididi…pwede… maging kakakayo..”, medyo paangil na sabi ng guy na bukas ang polo.

“Hanggang ngayon pa din ba hinahadlangan mo kame? Tama na please… Ang importante gumaling ka at makalabas dito.”, slightly imbyernang sagot agad ni Genoveva.

“Tama sya pare. ‘Wag mo na muna isipin ‘yon, importante lumakas ka…”, segunda ni Rogelio habang si Jobert as a friend abala sa pagdu-doodle sa plaster of paris nya sa braso.

Dinalahit ng ubo ang guy na nakabukas ang polo, hinamas naman agad nila Rogelio ang kanyang umbok na dibdib. Pinipilit nung guy na makapagsalita at mai-deliver ng maayos ang susunod niyang linya.

“Hi-hindi nga pu-pwede maging kayo dahil magkapatid kayo!”, sabay ubo ule na animoy may TB ang guy na may bukas na polo.

Gulat na gulat naman ang tatlo pati na din ang nurse na nakikiusyoso sabay-sabay sila malakas, malagong “WHAAAT!!!”

“Oo tama ang narinig nyo (ubo), magkapatid kayo at kapatid nyo din ako. ‘Yun ang dahilan kung bat ako nandito at yun din ang sasabihin ko sayo sa bar Genoveva. Magkakapatid tayong tatlo…(ubo-ubo-ubo)”, pagpapatuloy ng guy na nakabukas ang polo.

“Papa- She- Hindi ako makapaniwala!”, sigaw ni Genoveva.

“Oh my gad! May nagya- shet o hindi! Bakit hindi mo agad sinabi?!!!”, may halong suklam sa sariling sigaw naman ni Rogelio.

“Ang askad mo kasi bigla ka umeksena nagtatakbo ka pa nung inawat ko kayong maglaplapan.”, paliwanag ng guy na nakabukas ang polo.

“Pare totoo ba ‘yan? Panong nangyari na naging magkakapatid kayo?”, taking tanong na sabat naman ni Jobert as a friend na ngayo’y komang na.

“Nagkahiwa-hiwalay kame nung mga bata pa kame. Dinala sa ampunan at muola doon nagkalayo-layo kame ng landas dahil iba-ibang pamilya ang umampon sa amin… Ilan taon ko kayong hinanap mga kapatid ko salamat na lang sa facebook na-search ko kayo tinaype ko lang name nyo lumabas agad. At tyak naman akong kayo nga ‘yan dahil na din sa sandamakmak nyong photos at pagpost ng lahat ng nangyayari sa inyo. Thank Lord talaga nagkita-kita tayo.”

Isang rebelasyon ang gumimbal sa tambalang GeloGen, papaano na ang mga nangyari sa kanila? Ano ang magiging hitsura ng kanilang anak kung sakali man ngayong magkapatid sila dugo’t laman? Sa tono ng mga tanong na ‘to may mga kasagutan pa kaya ito gayong sinabi na sa unahan na ang episode na ‘to ay ang katapusan na?

Napakarami pang sinasabi subalit ang totoo ay hindi na lang alam kung pano pa tatapusin ang kwentong ‘to. Katulad na lang kaya ng kanta ng Parokya na bigla na lang mawawala o mag-fadeout na lang kagaya ng style ng mga songs nung 80’s na tipong pahina

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina…

Nang pahina.

Hanggang sa hindi mo na lang mabasa…

O maaninag man lang.

Ayod ‘di ba?

End.





Miyerkules, Hunyo 12, 2013

SUBLIMINAL INVASION

Matapos ang Araw ng Kalayaan, oras na upang palayain ang ating mata, buksan ang third eye para makita at maging aware sa mga simple, hidden, occult symbolization sa mga tv ads na ating napapanood o siguro maging sa mga patalastas na makikita natin sa lansangan.

Mahalaga ang tv ad para sa mga istasyon dahil dito sila kumikita, at madalas dito rin nakasalalay ang itatagal ng isang tv show. Mula din rito nakakabuo tayo ng pansamantalang libangan habang nanonood kasama ang mga kalaro, kamag-anak, o mga kapitbahay tulad ng unahan kung sinong makakahula ng produktong kino-commercial, pedeng iskoran pwedeng hindi at ang premyo ay nagba-vary sa kung anong napagkasunduan ninyo. Maaring pitik, kutos, sulat lipstick sa mukha or yung nakahula lang ang may karapatang dumaklot sa bowl ng Korniks na may suka. Pero syempre pagtapos ng palabas lahat pwede nang kumuha, pinagambagan nyo ‘yun e.

Sandali, ano muna ang subliminal? Para sa mga hindi pa nakakaalam ito ho yung mga mensahe na napi-picked up ng ating subconscious mind, malimit itong ipadala sa mga panoorin at mga music nang hindi natin nalalaman dahil nga hindi conscious rito ang ating conscious mind. Subalit ‘yun e kung hindi tayo aware, pero dahil nga binabasa mo ang sulating ito ngayon dahan-dahan mao-open na ang iyong ikatlong mata (grin smile).

But beware, hindi lahat ng subliminal messages madaling ma-detect kahit na aware ka pa rito, iba-iba din kasi ang kanilang teknik sa pagpapadala nito. Meron lang din talagang sobrang obvious lalu na kung may ideya ka na sa mga symbols or rituals. At kung nagtatanong ka kung ano ang kanilang intensyon bakit nila ginagawa ‘yun ay hindi din namin alam. Depende talaga sa sender at kung anong motibo nila.

Ngayon balik sa mga tv ads. Ilan sa mga ito ang nakapukaw ng aming atensyon. Siguro naman napanood mo na rin ‘yung commercial ni Loydi (John Lloyd Cruz) na Lucky Me Pancit Pares Chicken Inasal? Kung hindi pa, masdan mo ang pic ng sulating ito, screen shot ‘yan sa ending part ng nasabing patalastas.



“O ano ngayon?! Ampogi ni Papa John Lloyd!”, sabi mo siguro. But wait, take another look and see how he cover his right eye. “O ano naman? Baka porma lang…”, maaari. Pero isa itong obvious sign para sa All Seeing Eye in occult world na madalas din makita sa mga music video nila Lady Gaga, Rihanna, Nikki Minaj, and many more.

Walang kasiguraduhan kung ano ba intensyon ng commercial na ‘to, kung isa ba ‘tong joke or form of mockery o isa ‘tong “nod” upang sabihin na “We are one of them” na nagpapatakbo behind those foreign artists. Pero andun kasi e, malinaw dahil hindi lang sa All Seeing Eye natatapos ang commercial na ‘to. Masdan din ang left-hand ni Loydi kung pano niya bitbitin ang plato. Nakita mo? It’s a Horn sign, another occult symbol to address or praise the devil, Satan, Baphomet etc. for the power.

Common ito sa mga rockstar subalit maski sa pop culture ginagawa na din nila ito pati na din sa ilang Kpop artists, even Manny Pacquiao na napakamadasalin used this hand gesture to some of his weight-in and after the fight never forgets to thank God, Hmmm… Sinong god kaya ‘yun? Also ang nag-resign na si Pope Benedict XVI ay madalas din makitaan na ginagamit ang Satanic sign na ito, asteeeeeeg…



As we can see, they are everywhere and Lucky Me Pancit Pares Chicken Inasal commercial gets even further sa sandamakmak nitong simbolismo. Check mo din ‘yung babae sa likod niya, chicken inasal ba ang pino-portray nya o isang peacock? Kaw na mag-decide pero para samin malinaw na peacock ‘yan. Feathers pa lang huli na at ang headdress niya, wow ambongga kahawig talaga ng palong ng manok ha.  

“E ano naman ulet kung peacock ‘yun?, again another occult symbol ‘yun para sa mga secret societies. Napakinggan mo naman na siguro ‘yung song na Peacock ni Katy Perry at napanood ang music video ni Miley Cyrus na Can’t Be Tamed ‘di ba? Halos lahat nilalagay nila sa mga pop music dahil ito ang mas nakararaming listener at mas madalas ang airtime.

Pansinin din sa screen shot na ‘to na kahit hindi pasko e naka-Santa Claus costume ang babae, hmmm… bakit kaya? (to know why, read our book The Secret Book of the Philippines). Actually mas mukha siyang pagan goddess kesa sa manok hindi ba?

Isa pang bulgar na tv ad ay ang Mekeni Pork Tocino with Chef Boy Logro, ping-ping-ping-ping! Sa ending ng patalastas sabay-sabay sila kasama ng dalawang babae na nagtaas ng OK sign (sori wala kong nakuhang exact pictures watch mo na lang).

“So what? What’s wrong with Ok sign? ‘Yun naman talaga ang hand gesture ng mga chef?”, oo pero dapat nakatapat sa bibig ‘di ba?



Ok. Bukod sa sign ito ng mga ganja user to show how to smoke Marijuana, ito rin ay secret symbol para sa 666 (the beast) ng mga secret societies and the occults. Tignan maigi ang kamay kung paano na-form ang tatlong six.


Makikita din ito sa commercial at ibang pakete ng Maggi Magic Sarap. Pagmasdan mabuti ang kamay ng mga celebrities na nage-endorse nito kung pano nila i-sprinkle ang nasabing produkto sa kanilang lutuin. 


Touch of the Beast? Sarap ‘di ba? Kaya naman si Chef Boy Logro...


Na-magic. Ping-ping-ping!

Kitang-kita din ito sa logo ng Solaire Resort and Casino na malimit din i-commercial sa tv. Masdan mabuti ang solar flare sa sun logo nila.



Pero ang enigmatic sa lahat ay ang bubble man commercial ng Surf Fabcon kung saan bawat baby na nakakapanood nito ay tumatahan sa pag iyak o humihinto sa kanilang ginagawa kapag narinig na ang tunog ng patalastas na ito. Maganda kasi ‘yung pagkagawa? Makulay, cute ang tunog? Ewan.

Marami na silang version nito na animoy sequel-sequel ang dating pero isa sa version na ‘yun ang nag iwan ng clue. Iyon ‘yung version na nag-sumo ang dalawang bubble man. Kapag ang eksena ay maliit sila mukha silang star. Sa ending nun nagbanggaan sila, bumaliktad and anong na-form nila? A cute bubbly inverted-pentagram na isa na naman sa mga occult and pagan symbols (sori ulet wala kong nakuhang pic watch mo na lang din).

Ang pinakatanong ay “Anong ibig sabihin ng lahat ng ‘to? Nakakatulong ba ‘to sa pang araw-araw na pamumuhay?”. Ewan. Mahirap masabi kasi it’s either good or bad. Depende pa din talaga sa tumitingin at gumagamit ng mga symbols na ito kaya ika nga sa pelikulang The Matrix

“You have to see it for yourself.  I’m trying to free your mind, Neo. But I can only show you the door. You’re the one that has to walk through it…” ~ Morpheus

“For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places.” ~ Ephesians 6:12

Teka, chaper  6 verse 12? OK.
  
  



Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Episode 11: “Catch Me If You Can!”

Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB broken serye)

Ang Nakaraan…

Maraming nagsasabi na hindi na ito mahalaga sapagakat ang importante ay ang ngayon. Subalit papaano kung dumating ang panahon na wala ka nang maalala? Maski mga kapamilya mo hindi mo na nakikilala at ang masama nito, ultimong sarili mo ay hindi mo na din kilala. Ngayon, sino ka?

Mabibigyan ba ng makabuluhang kahulugan kung sino ka ang tanong na sino ka sa pamamagitan ng iyong mga maaalalang mga nakaraan? Samakatuwid ang nakaraan ay isa lamang palang alaala na walang kasiguraduhan kasi marahil ito ay bunga o gawa-gawa lang ng iyong mapaglarong isipan.

Kaya naman kung darating ang panahon na wala ka nang maalala ay wag mo nang piliting alalahanin pa ang hindi mo na maalala lalung-lalu na kung bakit wala ka nang maalala dahil ang importante nga ay ang ngayon, kung sino ka ngayon? Ikaw na ngayon ang Taong Walang Alaala.

Sa pagpapatuloy…

Biglang lumabas ng bar ang guy na nakapolong bukas at may white sando fit sa loob na kasama ni Genoveva at ito ay nagtatalak.

“Ay putang ina anong ibig sabihin nito? Mga hayup kayo anong ginagawa nyo diyan?!”, hurumintadong pagtatanong ng guy na nakabukas ang polo at may white sando fit sa loob.

“Babae, lalake (habang tinuturo ang isa’t-isa), magkadikit ang mga labi, espadahan ng dila. Wag kang magalala nagkukwentuhan lang kame!”, pilosopong sabat naman ni Rogelio, uso kasi.

“E gago pala ‘to e!”, sabay takbo ng guy na nakabukas ang polo at may sandong fit sa loob papalapit kila Genoveva.

“Takbo!”, karipas na kayag ni Rogelio ke Genoveva habang sila ay magkahawak kamay.

Tulad nang nakagawian sa mga primetime at afternoon teleserye na malapit nang magtapos ay biglang nagkaron ng habulan. Sana lang wag mong mahulaan na maaaring magkaron din dito ng patayan o barilan, mabuti na nga lang wala pang anak-anak ang mga bida dito dahil kung hindi malamang magkaron din ng child switching dito. Siguro sa season 2 na ‘yun.

Tuloy ang habulan kahit madulas ang daan.

“Bumalik kayo rito hindi maaari ‘yang ginagawa nyo!”, sigaw ng guy na nakapolo at may white fit sando sa loob.

“Pabayaan mo na kame, wag mo na kame pakealamanan nakikiusap ako sayo!”, pagsusumamo ni Genoveva habang tumatakbo.

“Tama siya! Bayaan mo na kame tol!”, hingal pagsang ayon ni Rogelio kay Genoveva.

“Hindi! Hindi ‘yan maaari! Hindi ako makakapayag! Andito ko upang hadlangan ang pagmamahalan nyo!”, mariing pagmamatigas ng guy na nakbukas ang polo at may sandong puti sa loob.

Mas binilisan pa nya ang pagtakbo. Halos lumapit na ang distansya nya kila Rogelio na ngayon ay magkahawak pa din ang kamay. Subalit nabitiwan nila ang isa’t-isa nang biglang akmang dadakmain ng guy na nakabukas ang polo at may white sando fit sa loob ang kanilang mga braso.

“Ah! Gelo!”, “Gen-gen!”, sigaw ng dalawa.

Napatakbo sa magkabilang direksyon ang dalawa. Tuluyan na kaya silang magkakahiwalay at hindi na muling magkikita pa? Teka hindi pa tapos ang habulan. Si Rogelio ang sinundan ng guy na nakabukas ang polo at may white sandong fit sa loob.

“Hindi mo ko matatakasan!”, nagmamadaling sigaw ng guy.

Tuloy lang sa pagtakbo si Rogelio. Napakatulin tumakbo ng guy gawa ng mahahaba ang mga biyas nito kaya’t sa isang iglap, mistulang leon ay dinamba nya si Rogelio. Sumubsob ang dalawa sabay nagpagulong-gulong sa damuhang medyo maputik. Naputikan ang white sandong fit ng guy na labis nitong kinagalit.

Walang sabi-sabi nag undayan sila ng sapak, basagan ng mukha. Suntok dito, suntok dun. Tadyak dito, tadyak dun habang sila ay nagpapagulong-gulong.

Medyo argabyado si Rogelio sapagkat hindi hamak na mas malaki ang kaha ng guy na nakabukas ang polo kesa sa kanya. Mas maskulado, may abs, at higit sa lahat naka-brush up.

Hanggang sa dumating ang sandali na nakubabawan si Rogelio ng guy na nakabukas ang polo. Hindi na sya makapalag o makapanlaban man lang. Walang habas na pinagsasapak siya nito.

“Sinabi ko nang hindi pwedeng maging kayo! Hindi pwede! Ang tigas ng ulo mo! ‘Yan ang bagay sayo!”, galit na galit na sabi ng guy habang patuloy sa pagsuntok sa barag-barag na mukha na ngayon ni Rogelio.

Papunta na sa puntong mawawalan na ng malay si Rogelio habang ang guy ay abala sa paghahanda at pag umang ng kanyang kamao upang pakawalan sa mukha ni Rogelio ang kanyang final ultimate punch nang biglang dumating si Genoveva at pinukpok sya ng malaking bato sa ulo ng buong puso mula sa likuran.

Bagsak ang guy na nakabukas ang polo at may sandong puti sa loob,  nagkikikisay.

Saan hahantong ang kaguluhang ito? Tuluyan kayang may paglamayan? Kung meron sino sa dalawa? Mahadlangan pa kaya ng guy na nakabukas ng polo at may sandong puti sa loob ang pagiibigan nila Rogelio at Genoveva? Bakit tuwing magpapasukan isinasabay ang pagkukumpuni ng mga daan? Ano kayang misteryo ang bumabalot dito?


Abangan ang mga nagbabagang kasagutan sa nalalapit na pagtatapos at huling episode ng kauna-unahan at wala nang nais sumunod pang brutal drama serye rito sa internet ang, Tilamsik sa Gabing Maligamgam the final chapter.