A prominent secret member of a well-known secret society, a secret group from not so far away invisible landscape who trespass into this physical plane to bring entertainment and enlightenment to mankind manifesting through multimedia form.
Martes, Disyembre 29, 2015
Linggo, Disyembre 6, 2015
Lowercase Music/Sound Art
This surprise us, our track Maxwell's Demon was featured in this Youtube blog (above). d[-_]b
To the team of This Exists Youtube channel, thank you for recognizing our humble and not so accurate (work) contribution to the Lowercase genre. Keep existing! :)
below is our track: Maxwell's Demon
Mga etiketa:
acousmatic,
ambient,
drone,
electronic music,
experimental,
field recording,
Gen Thalz,
john cage,
lowercase music,
merzbow,
microsound,
minimal,
noise,
philosophy tube,
sound art,
steve roden,
this exists
Miyerkules, Setyembre 16, 2015
Feedback Loop [short story]
“FEEDBACK LOOP”
[short story] by Gen Thalz
Aux Send Line/In
4 Tape Cue EQ
3.5mm mono LPF 95%
*Alaala
“Hon, honey! Nakikinig ka ba?
Kanina pa ko nagkukwento di ka man lang kumikibo.”, sita ng misis sa kanyang
mister na nagmamaneho sa highway. “Ha? Eh, sori. Parang nangyari na ‘to?”,
nagulat at nagtatakang tugon ng mister. “Talagang nangyari na ‘to dahil
araw-araw tayo dumadaan dito! Pinagsasabi mo…”, imbyernang sagot ni misis.
“Hindi pramis.”, sagot ulit ni mister, di na kumibo ang babae tumanaw na lang
sa daan at sandali silang nanahimik.
Maya-maya. “Hon, ano ba
nangyayari sayo? Kanina pa kita pinagmamasdan parang di ka mapakali, wala ka sa
sarili baka mabangga tayo niyan. Gusto mo ako na magmaneho?”, usisa ni misis.
“Ha? Hindi, ano. Parang bigla lang sumama pakiramdam ko, para kong lalagnatin”,
paliwanag ni mister sabay himas sa batok. Nagalala naman bigla si misis at agad
nitong hinipo ang noo at leeg ng mister kung mainit ba, “Wala ka naman lagnat,
ano gusto mo hon? Tubig?”. “Ok lang ako hon, don’t worry. Parang may naalala
lang ako na di ko alam kung ano…”, “Ha?”, “Pakiramdam ko may dapat akong gawin
at baguhin pero di ko maisip kung ano ba yun, alam mo yung ganung pakiramdam?”.
Lalung nagalala ang misis, “May
problema ba hon? Sabihin mo sakin, sa work ba? Baka stress ka… May nagawa ba
ko? Anong gusto mong gawin ko hon?”, malambing na pagtatanong nito. “Hindi hon
wala, bigla ko lang naramdaman ngayon ‘to. Siguro dahil ‘to sa panaginip ko
kagabi na may tinutuklas daw ako kasi gusto ko daw mabago sitwasyon ko doon sa
panaginip, tapos ang lungkot-lungkot ng pakiramdam…”, salaysay ng mister.
“Bakit hon ano daw yung sitwasyon mo?”, “Hindi daw maayos eh, magulo.”, “Eh ano
naman daw yung tinutuklas mo?”. Bago makasagot ang mister ay hui na ang lahat,
hindi na niya nagawang makakabig pakaliwa at tuluyan silang bumangga sa trak na
nasa harapan nila, hindi kumagat ang preno. Napasigaw na lang ang misis,
“HOOOOOOOON!!!”
*Panaginip
Saktong 3:30 ng hapon, uwian na.
Agad na nagsitayuan ang mga estudyante nang marinig ang “Class dismiss” sa
kanilang maestra. “Ano Ter sama ka ba?”, “Kayo na lang tol, next time na lang
ako…”, matamlay na sagot nito. “Sige tol, ‘kaw bahala… Oy, tara na! Intay!”.
Hapong-hapo na naglakad pauwi
magisa ang trese anyos na si Dexter. Mabigat na may halong lumbay ang kanyang
pakiramdam na hindi naman niya maintindihan kung bakit. Tahimik siyang
naglalakad, nakayuko, deretso, walang lingon-lingon hangang sa makabanga ang
isang mama. “Sori po.”, malumay niyang pasintabi habang nakayuko pa din at tutuloy
sa paglakad nang bigla siyang hinawakan ng mama sa balikat. Nagkatinginan sila,
bahagyang nagulat si Dexter na parang kinikilala ang mama. Ngumiti ang mama at
nagsabi, “Mangarap ka, habang maaga pa isipin mo na kung ano ang gusto mo.”,
saka ito umalis. Sandaling natulala si Dexter, nawirduhan, “Pamilyar sakin ang
mga matang iyon, saan ko ba siya nakita?!”.
“Sabi ko na e! Hindi ako maaaring
magkamali! Siya nga ‘yung mamang lagi kong napapanaginipan na umiiyak!", bulong niya sa sarili. "Mama
hintay!”, hinabol ni Dexter ang mama subalit bigla naman
itong nawala nang di niya naapuhap kung saan ito dumaan o nagpunta.
*Ang Nakaraan…
“Out of Body, Try Number 23. This
time magagawa ko na ‘to, hindi pwedeng hindi! Focus. Focus. Focus… ”,
bubulong-bulong na kinukumbinsi ng lalaki ang sarili habang inaayos ang manipis
na kutson sa sahig. Matapos nun, pinatay niya ang ilaw at sinindihan isa-isa
ang siyam na kandila at ilang pirasong insenso. Bahagyang nagliwanag sa silid
at unti-unting nangamoy bulaklak ang paligid.
Isang malamyos, banayad, at
atmospheric na musika ang tumugtog nang magsalang ng plaka sa kanyang 2nd
hand vinyl record player ang lalaki. Lumagok siya sa isang basong tubig, humiga
at saka pumikit. Pinapakiramdaman ang paghinga na para bang may ritmo itong
sinusundan hanggang sa siya ay makaramdam ng kakaibang vibration mula sa
kanyang balakang.
6.
6. 6. Sa
isang tahimik na lugar humiga, ituon ang atensyon sa pag inhale-exhale.
7. 7. I-visualize
mabuti ang taon at kung saan.
8. 8. Concentrate,
‘wag matakot.
Sa makailang beses na niyang
sinusubukan ito, ay gamay na niya ang mga dapat gawin sa 17 out of body guidelines
na kanyang sinulat at idinikit sa pader upang hindi niya ito malimutan.
Mga etiketa:
experimental,
feedback,
feedback loop,
loop,
minimal,
short story
Sabado, Setyembre 12, 2015
Sound Interpretation: Paris
http://h-a-z-e.org/archives/4266#.VfPiapfeMnx
Check out this Haze Netlabel new record compilation sound interpretation, our track Lustre Ovuler is included in this album. Click on the link above to view the whole tracklist and its digital in-lay. Thank you...ΓΌ
d[0-0]b
Check out this Haze Netlabel new record compilation sound interpretation, our track Lustre Ovuler is included in this album. Click on the link above to view the whole tracklist and its digital in-lay. Thank you...ΓΌ
d[0-0]b
Mga etiketa:
album,
catacombs,
compilation,
Gen Thalz,
haze netlabel,
lustre ovuler,
paris,
record,
sound design,
sound interpretation
Linggo, Agosto 30, 2015
The Numbers Stations [industrial techno|noise-glitch|minimal] ~ Gen Thalz
*This is an acousmatic techno track. All sampled sounds is from different mysterious Numbers Stations on radio and internet. Sound collage/concoction into something minimally aggressive-harsh-noisy and glitchy with a feel of lo-fi industrial rustiness and dirtiness.
Bandcamp download: http://genthalz03.bandcamp.com/track/the-numbers-stations
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/genthalzspace
Credits:
released 24 August 2015
Track: The Numbers Stations
Creator: Gen Thalz
Genre: Electronic
Style: industrial techno, noise, glitch, minimal
Year: 2015
Type: single release
_Special Thanks to:
The Lincolnshire Poacher
The Swedish Rhapsody
UVB-76 (The Buzzer)
Webdriver Torso
Re-sample, mixed, and arrange by Gen Thalz
Produced by Marlon B. Zoleta
*The video clip is from AT&T archives - Telephone Switchboard (Old and New), from the 1920's onward. We just cut and select a few scenes and speed it up a little bit to sync and match the timing of our audio. We immediately like and chose this AT&T video clip for this track because it really (obviously) has the feel and vibes of the sound per se. We also like the lo-fi look of it and the patching of cables and dialing on those massive machines.
d[0-0]b
Mga etiketa:
acousmatic,
AT&T,
electronic,
glitch,
industrial,
lincolnshire poacher,
minimal,
music concrete,
noise,
numbers station,
radiophonic,
swedish rhapsody,
switchboard,
techno,
telephone,
uvb-76,
webdriver torso
Linggo, Agosto 23, 2015
Gen Thalz ~ catacombs [acousmatic|image to sound}soundscape]
*This is our entry for the Sound Interpretation Dedication to Paris posted on Experimental Music (group). We've never been to Paris that's why we used the medium from where we got some basic info and perceptions about this city, and that is:
- a mini tour guide video on Paris
- two photos of Louvre Pryramid during night and
*We then transformed these video and photos into audio files as our “raw sounds” which is kind a glitchy, harsh and noisy at first. Next, by doing some sonic alchemy and aural sorcery (naks!) ;), we mold these raw sounds into what we feel about this City of Lights - very serene, modern yet classical, seductive and secretive. And like all the cities in the world, we knew Paris also have a dark side, flaws, and haunting memories like the catacombs beneath it. With these mindset, we created this soundscape.
Track: Catacombs
Genre: Electronic
Style: ambient, drone, minimal
Year:2015
*The video is an actual found footage of a man lost in this massive Catacombs of Paris. We manipulate it in some degree just to satisfied our impulsive needs of "What if?".
We hope you enjoy it as we enjoy the process. Thank you... :)
d[0-0]b
Mga etiketa:
acousmatic,
ambient,
drone,
electronic,
found footage,
image to sound,
industrial,
louvre,
minimal,
noise,
paris,
pyramid,
sound interpretation,
soundscape
Miyerkules, Agosto 19, 2015
An Equation [spectrogram/mono channel] ~ Gen Thalz
*Found a simple way to do the Aphex Twin's tricks of embedding an image on spectrogram of an audio. Maybe we're a little too late for this but the process is still fun and interesting, here's our take in mono channel... ;)
Track: An Equation
Genre: Electronic
Style: abstract/noise/minimalism
Year: 2015
d[0-0]b
Mga etiketa:
abstract,
aphex twin,
electronic,
embedding,
Gen Thalz,
image to sound,
minimal,
noise,
sound to image,
spectrogram
Martes, Hunyo 30, 2015
UNPLUGGED (visual poetry)...ΓΌ
Nodes of Disposition (The Further)
Arteries of Temperament
[sound.sculpture|readymades]
*some of our string instruments.ΓΌ
- prepared, arranged, photographed, and remixed by Gen Thalz
d[◆|◆]b
Mga etiketa:
abstract,
arteries,
cables,
disposition,
instruments,
minimal,
nodes,
photography,
readymades,
remix,
sound sculpture,
string,
temperament,
Unplugged,
visual poetry,
wires
Sabado, Hunyo 27, 2015
PAPER CUT-OUTS d[□_□]b
Ratio Oms
[Glitch Paper Cut-Outs]
model = Ms. Tori Amos :)
monomaniac
[Abstract Paper Cut-Outs]
Materials:
- Old Music Magazine
- Bond Paper
- Colored Paper
- Scissors
- Cutter
- Scotch Tape (clear)
*our take for the Paper Cut-Outs, popularized by Henri Matisse d[●_●]b
Mga etiketa:
abstract,
cut outs,
glitch,
henri matisse,
magazine,
minimal,
music,
Paper,
the cut-outs,
tori amos
Martes, Hunyo 23, 2015
Sticky Piss Cocktail Shot [original mix]
by Gen Thalz
Sticky Piss Cocktail Shot [original mix]
This is the result when you try to mix something but didn't get the exact ingredients due to tight budget. So we just experimented on what we have and here's the outcome, an unpleasant looking drink without any particular goal but taste really good (atleast for us and for my mother ;) ). The color and dirtiness reminds us of urine and a photograph by Andres Serrano called "Piss Christ", hence the title.
Ingredients:
- Vodka (plain)
- Mudshake (any flavor)
- Cranberry Apple Juice
- Grape Cocktail Juice
Glass = Shot Glass
Mga etiketa:
alchemy,
cocktail,
concoction,
drinks,
Gen Thalz,
mixology,
piss,
Piss Christ,
shot,
sticky
Sabado, Hunyo 20, 2015
Please Get a Copy of Our New Book :)
Sa Kailaliman Ay May Sukdulan Din...
by Gen Thalz
Available @ Amazon.com
Click link below:
http://www.amazon.com/Kailaliman-May-Sukdulan-Tagalog-Edition/dp/1512326208
Mga etiketa:
amazon,
book,
edition,
Gen Thalz,
kailaliman,
kwento,
novel,
Sa kailaliman ay may sukdulan din,
story,
sukdulan,
tagalog
Martes, Marso 31, 2015
All Fool's Day
ALL FOOL'S DAY
by Gen Thalz
"I don't want to start
Any blasphemous rumors
But I think that God's
Got a sick sense of humor
And when I die
I expect to find Him laughing" ~ Depeche Mode ( Blasphemous Rumours)
Walang sumeseryoso sa kapistahan ng April Fool's Day, lahat ginagawang biro, puro joke, kalokohan, kaululan. Walang matinong kausap. Kaya naman sa sulatin na ito minarapat naming bigyan ng seryoso, payak, at disenteng pagtalakay ang araw na ito dahil ang tanong bakit ba ito ipinagdiriwang? Ano ba ang mabuting madudulot nito sa sangkatauhan at kulay pula pa sa ilang kalendaryong give-away ng Motolite Battery o Pagoda Lotion ang araw na ito? Makabuluhan ba ito sa buhay ng isang indibidwal lalu na sa panahon ngayon ng kompyuter at android? Higit sa lahat, saan at paano ba ito nagsimula? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na aming tatangkaing bigyan ng linaw at patotoong kasagutan...
*Note: Ang susunod na mababasa ay buod na ng kabuuan ng aming pagsasaliksik. Maraming tiyorya, haka-haka, at konklusyon ang aming nakalap kung kelan at pano talaga ito nagsimula. 'Yung iba sa tingin namin kalokohan na kaya maingat at mabusisi ang ginawa naming pagsipi rito. Pinili lang namin 'yung may natural, may batayan, may kahalagahan, at may kongkretong paliwanag.
Nabanggit sakin ng asawa ko na nag-originate daw ito mula sa Hilaria festival ng mga Romans kung saan ino-honor nila ang Trojan goddess na si Cybelle (the Great Mother), maaari din daw na halaw ito sa "Holi" festival ng India o Nepal. Ngunit gaya nang inaasahan hindi pa dito natatapos ang katotohanan.
April 1, ito pala ang nakagawian noon bilang New Year's day ng mga tao dahil dito na nga pumapasok ang spring equinox o ang pagpapalit ng season. Napalitan lamang ang araw ng bagong taon nang baguhin ni Pope Gregory XIII noong 1582 ang ating kalendaryo at i-introduce ang Gregorian Calendar. Naisipan niyang gumawa ng sariling bersyon ng kalendaryo dahil sa simpleng pagkabagot sa loob ng Vatican, pampalipas oras ba hanggang sa kanya na itong sineryoso. Para na din daw may maiwan siyang kapaki-pakinabang na legacy sa sanlibutan nang sa gayon hindi malimutan ang kanyang ngalan.
Subalit isang conspiracy ang nasa likod nito. Nireporma daw talaga ni Pope ang kalendaryo upang mawala sa human psyche at mapagtakpan ang totoong kwentong nagkukubli na ang "fool" sa April Fool's Day ay si Hesu-Kristo. Sabi nga "Walang sikretong hindi nabubunyag...".
Sinasabi kasing nag-ugat talaga ang April Fool's Day sa araw mismo ng crucifixion. Matapos daw kasing matuloy ang sintensya kay Hesus sa salang heresy at blasphemy, hiniling pa ng Sandherin kay Pilato na italaga o gawing opisyal na kapistahang "Fool's Day" ang April 1 upang lalung hiyain at hamakin si Jesus Christ kahit na April 2 talaga naganap ang petsa ng pagpako. Agad naman itong pinagbigyan ni Pilato, mabilis nyang iniutos sa mga sundalo na kumuha ng kalendaryo. Ora-mismo minarkahan niyang pula ang April 1 at isinulat ang katagang "April Fool's Day" gamit ang dugo mula sa sugat ni Hesus sa noo. At 'yun ang dahilan kung bakit siya agad naghugas ng kamay. Ayon 'yan sa librong History Uncut vol. 3 pp.739 ng tanyag na historian na si Lucas Scklaveckzxy (expert in ancient tradition, folklore, superstition, and mythology).
Ngunit para sa The Wickedest Man in the World na si Aleiter Crowley, isang occultist/poet at self-proclaimed reincarnation ng occult magician na si Eliphas Levi, ang April Fool's Day ay may malalim na ibig sabihin.
Para sa kanya, si Jesus bilang Fool ay isang representasyon ng spiritual life nating lahat dito sa mundong ibabaw at ang crucifixion ang siyang transition mula sa fool kung saan nakapaloob ang lahat ng ating suffering and human transgressions to turn us into a higher being o higher state of consciousness - Christ Consciousness (from his ultra-rare influential cult book: Stairway to Heaven - Highway to Hell; kung saan kinuha respectively ng bandang Led Zeppelin at AC/DC ang title ng sikat nilang kanta).
Pero bakit nga ba fool? Masyadong negatibo yung word di ba?
Ayon kay Prof. Yuno Shinton-lok (linguist/etymologist) author ng best renowned book na Word Origin Within the World We Live In, hango ang "fool" sa Summerian language na Fu'hl date back 3,000 b.c. meaning "unknown" or no understanding, nothing. Katumbas daw ito ng "innocent as a child" at hindi ng alam natin ngayon na fool = idiot, imbecile, or tanga. Sa puntong 'to bigla namin naalala ang Fool sa Tarot card.
Trivia: Tinatayang 14th century nang unang malikha ang Tarot card sa Europa, wala itong etymology o word origin. Bawat card ay may sariling konsepto or archetype. Ginagamit ito noon for some form of divination ng mga esoteric and the occult.
The Fool. Sa card na ito ng Tarot matutuklasan kung bakit may April Fool's Day kung ating pagkukune-kunektahin ang mga nasabi sa itaas. Dahil ang Fool sa Tarot ay 0 (zero), nothing, nada, buta. Zero, kung saan nagsisimula ang pagbilang. Parang tao, na sa umpisa ng buhay ay inosente at walang alam. Kaya maaaring tignan ang April Fool's Day bilang reminder sa atin kung ano tayo noon. Kasi katulad din ng The Fool sa Tarot card na madalas nakapwesto sa unahan o minsan sa hulihan ng deck, nasa atin na kung bandang huli pa tayo magpapaka-fool o unwise, 'yun bang walang pinagkatandaan? Nagsimula sa wala, humantong sa wala. Alzhiemer's?
Maiisip din dito kung bakit April 1 ang new year noon na siya ring fool's day, sapagkat simula o hudyat na naman ito ng panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran sa buhay.
Traveller kasi ang The Fool, mapapansin na may dala siyang bag (see cover photo). Symbol ito ng journey o pag-wander natin sa buhay. Nakatingala, na para bang tulad natin naghahanap ng higher purpose o meaning of life. May kasamang aso, symbol ng animal guide/spirit if you may or simpleng "Man's bestfriend". May hawak na rose to symbolize purity, love, wisdom, soul or spirit. Nakatayo sa dulo ng cliff, dalawa ang maaaring ibig sabihin nito.
Una. Depiction ito ng "i give in to the unknown and to the otherside". To be fearless and be more spiritual-being. Material world ang nasa baba. Pero dahil wais tayo hindi tayo mahuhulog sa bangin.
2nd. Pwede din itong symbol na huwag tayong engot sa paghahanap ng higher purpose o meaning of life dahil hindi natin alam na sa ating kahahanap ay malalaglag na pala tayo sa bangin.
Ngayon ang tanong, "Bakit kaylangan mag-joke tuwing April Fool's Day?".
Kasi ang Fool o Jester ay joker. Pagpapaalala isang beses isang taon na huwag masyadong seryosohin ang buhay, tanong nga ni Joker: "Why so serious?" habang si Daniel Orton (Purefoods import) naman: "This game is seriously a joke" nung makaharap si Cong. Manny sa basketball. At may common saying na "Life is a game/ joke." kaya nga napakanta ang Bee Gees ng: "Oh If I'd only seen that the joke was on me..." sa patok na awitin nilang I Started A Joke.
Bonus: (minimal horror story)
9pm. May kumatok sa pinto.
"knock-knock"
Ikaw: hus der?
(walang sumagot)
Ikaw: hus der?!
(wala pa din)
Ikaw: (may hawak nang pambambo) hus de---er..?
(... ... ...)
Mga etiketa:
Aleister Crowley,
April 1,
April Fool's Day,
blasphemous,
Eliphas Levi,
esoteris,
Gen Thalz,
heresy,
occult,
Tarot,
The Fool Joker
Sabado, Marso 28, 2015
Biyernes, Enero 9, 2015
LABABO [short story]
"Lababo"
[a short story] by Gen Thalz
Liquid detergent soap.
2 tasang mainit na tubig
Wanted Tubero/02-3656760
Boy Kuko
10am. Lunes. Tulad nang kinagawian, eksakto-impunto sa oras kung buksan ng mga gwardiya ang mga pintuan ng isang mall sa Quezon City. Madami agad tao, nagaabang, nagmamadaling makapasok. Kaya naman pagbukas ng pintuan mistulang mga nakawala sa hawla ang mga mamimili sa pagmamadali na para bang last day na ng mall. Ambibilis maglakad lalu na yung isang babae na naka-sleeveless, "pek-pek" short, at high-heels na mga 3 inches ang taas. May dala syang paper bag at patungo sa palikuran.
Pagdating sa banyo agad sya dumeretso sa isang cubicle, binuksan ang pintuan at biglang napatili, "Aaaaaaaaaaaaaaaaah!". Umalingawngaw ang tili, naalarma ang mga gwardiya. Pinuntahan agad ang nasabing cr at dito nila nasalubong ang babae na humahangos, "May lalake...may lalake...!", hinihingal nitong sabi. "Anong lalake? Kabubukas lang ng mall.", "Meron! Andun sa female, sa cubicle!". Pinasok ng dalawa sa gwardiyang rumispunde ang cr. Dito nila nakita ang isang lalake, naka-sando, pantalon, ngunit walang sapin sa paa ang hindi magkamayaw kung panong tatakas.
"Hoy! Tigil!", sigaw ng isang gwardiya habang nakatutok ang baril. Huminto naman agad ang lalake at nagtaas ng kamay, "Wala kong kasalanan... Nagaayos lang ako ng lababo, hindi ko alam bat ako napunta dito.. Asan ako?!.", pagsusumamo nito. Agad siyang dinakma at binitbit palabas ng dalawang gwardiya, "Anong hindi mo alam, sa opisina ka namin magpaliwanag! Ang aga-aga nang gugulo ka dito!", yamot na sabi ng isang gwardiya.
Dinala ang lalake sa isang silid ng security office kung saan ini-interrogate ang mga nahuhuling shoplifters, nawawalang bata at iba pang violators ng mall. Medyo mainit sa loob, walang bintana at tanging ceiling fan lang ang nagsisilbing hangin doon. Pagpasok ng chief security sa silid, "Bakit ka nasa cr ng mga babae? Mamboboso ka no? Ang aga-aga, may dala ka pang flashlight ha, at anong gagawin mo dito sa liyabe ha?!", "Sir wala kong kasalanan papaliwanag ko po 'yan, wala ho kong ginagawa, nagaayos lang ako ng-", "Lahat naman sinasabi 'yan...", snob na sagot ng pulis habang nagbubuklat ng notebook gamit ang daliring nilawayan.
"Ganto po kasi 'yun sir, aayusin ko sana 'yung baradong lababo namin sa bahay. Nung binuksan ko yung pinto sa baba mismo ng lababo kung nasan ang tubo, nagtaka ko bakit parang anlayo nito. Kaya kumuha muna ko ng flashlight (sabay tingin sa flashlight na nasa mesa). Gumapang ako paloob para abutin ang tubo kaso nagtataka ko bat parang hindi ko maabot, palayo nang palayo...", "Tapos ano? Bigla ka nahulog sa kawalan at namalayan mo na lang nandun ka na sa cr?", singit ng chief security na bugnot sa salaysay ng lalake. "Ganun nga ho! Pano nyo nalaman sir?", gulat na sabi ng lalake. Suminghal ang chief security, "Lakas ng tama mo boy, ano ba tinira mo?", "Sir maniwala kayo, nagsasabi ko ng totoo! Hindi ko talaga alam bat ako nandito! Hindi ko nga alam anong lugar 'to, kung nasan ako?! Please naman sir...". Hindi nakikinig si chief tuloy lang ito sa pagsulat sa notebook, "Pati binigay mong ID kagaguhan e...", "Sir lisensya ko talaga 'yun... Please sir maniwala kayo...", "Pangalan mo ulet?", "Felisto po (tinignan sya pailalim ni chief). Felisto Swaklantora ho.". Napakunot ang noo ng chief security, "Anong klaseng pangalan 'yan? Sulat mo.". Yamot nitong sabi sabay abot ng notebook at ballpen sa lalake.
Matapos maisulat ng lalake ang kanyang pangalan, tumayo si chief. "Sandali nga, 'wag kang aalis dyan. Tse-tsekin ko lang 'yung pina-research ko.". Naghimas lang ng mukha ang lalake gamit ang dalawang palad pataas sa buhok sabay yuko habang nakadiin ang dalawang kamay sa ulo at pilit iniisip kung nasan sya at panong napunta sya sa lugar na 'yun. Ibinilin naman ni chief sa gwardiyang nakaupo sa labas ng pintuan ng silid na bantayan ang lalake.
"Balita?", "Sir walang record sa kahit saan ang lalake, maski ang ahensyang nag-issue ng lisensya nya wala din.", "Sinasabi ko na nga ba...", "Pero sir may nabasa ko sa net tungkol sa Biringan City na nasa address nung lalake.", "Ano isa daw itong lugar tambayan ng mga batang sabog?", "Hindi sir, kwentong kababalaghan (nagsalubong lang ng kilay si chief). Invisible city raw ito sa may bandang Samar. Parang lugar ng mga engkanto ba na 'di sinasadyang napupuntahan ng mga taga--dun. 'Di ko alam kung totoo sir pero natalakay din pala 'to sa Mel & Joey noon, panoorin nyo to...", salaysay ng gwardiyang naatasang mag-research ni chief. Natatawa si chief pero seryoso pa din nyang pinanood ang sinasabing video sa youtube.
"Kalokohan 'yan! Ginagago lang tayo ng ungas na 'yun!", inis na sabi ni chief habang pabalik sa silid na ilang hakbang lang ang layo mula sa computer desk bitbit ang lisensya ng lalake. "Ok. Tama na ang lok-", napahinto ang chief dahil wala dun ang lalake. Agad sinita ang bantay, "Asan 'yung lalake?!", "Sir andyan po, wala pong lumalabas dito kanina pa...", "PUNYETA! WALA NGA!!!". Nagkagulo ang mga sekyu na naroon sa security office dahil sa bulyaw na 'yun ni chief. Lahat sila walang nakita o hindi nakitang lumabas sa silid ang lalake at maliit lang ang office para hindi nila mapansin 'yun kaya naman lahat ay nagtataka. Pina-check ng chief sa cctv monitors, wala din. Ginalugad nila ang buong opisina kung may posibleng malulusutan, wala din. Tanging liyabe at flashlight lang ang naiwang bakas roon ng lalake pati na din ang lisensya nito na hawak ni chief.
~ END ~
Mga etiketa:
Biringan City,
Gen Thalz,
Lababo,
minimal,
mystery,
sci-fi,
short story,
story
Biyernes, Enero 2, 2015
AKSIDENTE [a short story] by Gen Thalz
Quartz
Lug End Sweep Slip
14.3553 N, 120.5843 E
Black Strap Leather (left)
Disclaimer: kung may kaparehong pangalan ang mga tauhan sa kwentong ito sa totoong buhay ay sadyang nagkataon lamang...
"AKSIDENTE"
[a short story] by Gen Thalz
Escolta, 1992. Dakong alas-onse y medya ng tanghali nang biglang magkagulo ang mga tao sa nasabing kalye dahil sa isang aksidente. Dali-daling tumakbo ang mga nakasaksi papunta sa pinangyarihan upang tulungan ang naaksidente. "Tumawag agad kayo ng ospital!", sigaw ng ilan. "Meron bang may alam dito sa first-aid?!", pasigaw din na sabi ng lalaking pinupulsuhan ang biktima. "Teka tatawag ako ng pulis!", sabi naman ng isang ale.
Ilang minuto din ang lumipas bago dumating ang rescue team ng Binondo Hospital at ilang kapulisan. Subalit huli na ang lahat. Dead on the spot ang lalaking biktima na kinilala sa pangalang Aries Dale Dimayuga. Clean cut ang buhok, may kapayatan, medyo maputi, at tinatayang nasa 5'4 hanggang 5'6 ang taas. Naka-rubber shoes kulay red, off-white skinny jeans, at black t-shirt na may print ng logo ni Flash Gordon. "Pare ayos ka lang ba?", bati ng kasamahan ni SPO1 Santos sa kanya habang siya'y nakatitig na nagtataka sa student ID ng bata.
Alas-dos kinse. Naalimpungatan sa mahimbing na pagsi-syesta si Aling Baby dahil sa katok sa pintuan. Agad naman syang bumangon, sinuot ang Nora na sinelas, at pinatay ang nakatulugang noontime show. "Sandali lang eto na...", sabay bukas ng pinto. Bahagyang nagulat si Aling Baby nang makita ang dalawang pulis. "Magandang hapon po, dito po ba nakatira si Aries Dale Dimayuga?", "Sino ho? Aries...?", "Aries Dale Dimayuga po madam.", "Ay hindi ho, di ko po kilala 'yan. Ano po bang address?", inabot ng kasama ni SPO1 Santos kay Aling Baby ang isang papel. "Tama naman po ang address at apelyido pero wala po kong kilala na Aries Dale...", "E si Mr. Bernard Dimuyaga po madam?", "Opo sir dito nakatira, anak ko po 'yan, bakit ho anong nagawa ng anak ko?!", ninerbyos bigla si Aling Baby. "Andyan po ba sya? Maaari po ba naming makausap?", Tanong ng kasama ni SPO1 Santos. "Nasa Binondo Hospital sila ngayon, sinugod kaninang umaga ang asawa.", mabilis na tugon ni Aling Baby, nagkatinginan naman ang dalawang pulis na para bang may kung anong suspetsa ang naisip. "Sir ano po ba problema? May kasalanan po ba ang anak ko?", tensyonado na si Aling Baby. "Huminahon ho kayo ma'am, walang nilabag na kahit anong batas ang anak nyo, may ilang tanong lang kaming gustong linawin sa kanya. Relax lang po kayo dyan, una na ho kame at kaylangan namin syang makausap agad.", kalmado at magalang na sabi ni SPO1 Santos. "Sige ho...", na lang ang nasambit ni Aling Baby na labis na nagaalala habang tinitignan papalayo ang dalawang pulis.
Magbabandang alas-tres kwarenta ng hapon nang makarating sa Binondo Hospital ang dalawang pulis, pinagtanong agad nila ang hinahanap at mabilis naman nila itong natunton. "Mr. Bernard Dimayuga?", tanong ng kasama ni SPO1 Santos. Alistong napalingon ang lalaki na noo'y nakasilip sa glass window ng isang kwarto sa pagaakalang doktor ang tumawag sa kanya, kaya naman nagtaka siya nang makita ang dalawang pulis. "Ako nga ho, bakit po sir? Ano pong problema?", malumanay subalit malungkot na may halong takang sagot ni Bernard. "Tatanong lang namin kung ikaw ang ama ni -", "Anong ama?! Ano 'to joke?! Wala pa kong anak! Ayan nga ho hindi nyo ba nakikita nakunan ang misis ko first baby namin!", alsa-boses na pagsingit ni Bernard sa tanong ni SPO1 Santos nang mabanggit nito ang pagiging ama. Nagkatinginan naman ang dalawang pulis na para bang naguguluhan na. "Teka sir cool lang tayo, kaya ka nga namin tinatanong e para maliwanagan, ngayon sori tungkol sa nangyari sa baby nyo pero kaylangan kong malaman sayo kung kilala mo ba si Aries Dale Dimayuga?", biglang napatingin naman ng deretso si Bernard sa mata ni SPO1 Santos matapos nitong magpaliwanag. Nagisip sandali si Bernard na ngayo'y humupa na ang inis, marahan siyang sumagot ng "Pasensya na hindi ko kilala, wala kong kilalang ganyan.". "Sigurado ka sir?", sundot na tanong ng kasama ni SPO1 Santos, umiling lang si Bernard.
"Okay. Sige ganto na lang para matapos na, maynangyari kasing aksidente kanina sa may Escolta, patay ang biktima nasa morge sya ngayon dito din mismo sa ospital na 'to, Aries Dale Dimayuga ang pangalan", nagulat si Bernard sa nasabing balita. "Ngayon gusto namin ipakita sayo ang bangkay baka sakaling makilala mo dahil ikaw ang nakasulat na ama sa ID nya, kung ok lang sayo?", lalung nagulat si Bernard, hindi sya sumagot, mga ilang sandali din syang nagisip.
"Jane ikaw na muna bahala dito bantayan mo ate mo tumawag ka agad ng nurse kung ano man ha?", bilin ni Bernard sa nakababatang kapatid. "Opo kuya, ano pong nangyayari? San kayo pupunta?", "Wag ka magalala Jane, wala 'to ok lang ako basta bantayan mo ate mo ha pag nagising sya at hinanap ako sabihin mo may pinuntahan lang saglit.", "Opo kuya.".
Sa morge. "Sigurado ka hindi mo talaga kilala?", mahinahon na tanong ni SPO1 Santos kay Bernard na ngayo'y medyo balisa na matapos nitong makita ang bangkay at sabihing hindi nga nya kilala. "Hawig kayo ng mata o...baka anak mo sa labas di kaya?", singit naman ng kasama ni SPO1 Santos habang inilalapag ang ilang items sa mesa. Tahimik lang si Bernard parang di mapakali. "Tignan mo 'tong sapatos na suot nya, may ideya ka ba kung saan nakakabili nito? Kakaiba, ngayon lang ako nakakita ng ganyang design ng Adidas", may halong manghang sabi ni SPO1 Santos habang si Bernard tahimik na sinusuri ang sapatos at binasa sa isip ang tatak, "Adidas...Rose.". "Eto mas magtataka ka dito kung ano at para saan 'to, nakuha namin 'yan sa bulsa nya.", nakangiti at medyo natatawang sabi ni SPO1 Santos habang inaabot ke Bernard ang isang tim na bagay na hugis bilo-haba, medyo manipis, may apat na pindutan sa baba at malaking screen na kapag hinipo umiilaw. "Blackberry", bulong ni Bernard sa sarili matapos mabasa ang tatak. "Pakiwari namin telepono 'yan dahil sa mga simbolo sa pindutan, ang tanong saan galing 'yan? Dahil sa pagkakaalam namin wala pang ganyang technology sa ngayon, touchscreen? Wala pa kong nakikitang ganyang telepono. Hindi namin makita ang loob may password ata, papasuri pa namin 'yan sa computer expert. Wala ka ba talagang ideya Mr. Bernard?", sabi ni SPO1 Santos, tahimik lang si Bernard na ngayo'y nakatingin na sa bangkay.
"Eto pa nagtataka din kame dito sa laman ng wallet nya.", dito na nagulat ng husto si Bernard, "Ano 'to, bakit ganto itsura ng isang daan at singkwenta?! Saka itong mga five hundred bakit magkasama na si Ninoy at Cori?!", "Yan din ang tanong namin. Mahirap paniwalaan pero kung iisipin mo para syang galing sa future!", sabi ng kasama ni SPO1 Santos sabay abot ng student ID ng bata ke Bernard. Hindi na sya nagulat nang mabasa kung sino ang nakasulat sa In Case of Emergency Please Notify dahil ang labis na pumukaw ng atensyon nya ay ang school year nito.
"2011 to 2012. Diyan kame mismo naguguluhan. Pinakita na namin 'yan sa school kung saan sya nagaaral, malayo sa issue ng student ID nila ngayon at wala silang record ng pangalan nya... Ngayon tinatanggi mong anak mo sya, kung peke 'tong ID na 'to anong ibig sabihin ng lahat ng 'to Mr. Bernard? Bakit ikaw ang nakasulat na ama nya? 'Yung pera, 'yung gadget?!", "Kaya...kaya siguro...Hindi. HINDI! Hindi maaari!", nalilito at hindi makapaniwalang sabi sa sarili ni Bernard. "Ano 'yun Mr.Bernard? May sinasabi ka?", "Aries Dale.", sagot ni Bernard habang nagaantay ang dalawang pulis sa karugtong ng kanyang sasabihin. "Nung binanggit nyo palang kanina sa taas ang pangalang Aries Dale nagtaka na ko...dahil 'yun ang napagkasunduan namin ng misis ko na ipangalan sana sa panganay namin...". Hindi din makapaniwala si SPO1 Santos, "Ibig sabihin... Kung susumahin... 19... Anong oras nakunan ang misis mo?", "Siguro mga bandang alas-onse y medya 'yun? Bakit? 'Wag nyo sabihing-", "Sakto sa oras nung nangyari din ang aksidente...", payak at malumanay na tugon ng kasama ni SPO1 Santos.
~ End ~
Mga etiketa:
accidents,
Aksidente,
escolta,
Gen Thalz,
mystery,
perception,
quantum physics,
short story,
time slip,
time travel
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)