Sabado, Pebrero 8, 2014

The Great Wall of Vagina



Warning: Ang sulatin na ito ay namumutiktik sa salitang Vagina in tagalog Puke (Puday, Kiki, etc.), if this might offend or insult you or do not like it at all, you can freely hit ‘dislike’ otherwise please continue reading…

“Cock on lock down, she said, "Learn the damn alphabet
I cum before you, get to payin' your dues"

Head down to the tunnel, to get on this Puscifer
Tongue roll, call cadence, hear the school bell ring
This vagina mine, teach ya patient diligence
Keep the chain gang swinging, make a cat-bird sing

Down this vagina mine
Down this vagina mine”  ~ Puscifer (Vagina Mine)

At dahil nga Buwan ng Pag-ibig ngayon, sikat ang Vagina. Ewan lang pero may kung anong misteryo talaga lalu sa mismong Araw ng mga Puso, fully booked ang mga hotel, motel, apartel at iba pang paupahan na may “tel” sa dulo, marami rin ang nadodonselya sa araw na rito. Mataas ang fertility level ng bawat isa at humahalimuyak ang pheromones sa karsada. In the near future tatawagin na itong National Condom Free Day or National Donselya Day.

Kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon aming naengkwentro sa larangan ng pag-gu-Google ng Vagina sa internet ang isang obra na kung tawagin ay The Great Wall of Vagina (see cover picture). Likha ito ng isang artist/sculptor na si Jamie McCartney, ayon sa kanya layunin nito na makakita at makahipo sya ng iba’t-ibang uri-kulay-hugis-edad-laki-luwang-sikip-tambok ng kepyas. Hindi joke lang, artist sya e wala daw malisya for the sake of art lang talaga pramis. Ang tunay na mithiin di umano daw kasi ng masterpiece na ito ay mapakita sa sanlibutan kung gano karaming kepyas na ang kanyang nakita at nahawakan. Joke again. Totoo, layunin daw nito na mabago ang persepyon ng tao lalu na ng mga kababaihan patungkol sa kanilang Vagina.

Naaalarma raw si McCartney sa lumolobong bilang ng mga kababaihang sumasailalim sa labiaplasty upang ma-achieve ang inaasam na “Perfect Vagina”. May mga iniinom pa ngang vitamins o supplement para balik sigla ang nalalantang vagina na kino-commercial sa tv hindi ba? Kaya nakaisip sya ng way upang maparating ang mensahe sa lahat, ang resulta a 30ft. polyptych sculpture na binubuo ng sampung series of panel na hinulma sa aktwal na vagina ng 400 na kababaihang naging kanyang modelo, aged 18 to 76 sa pamamagitan ng pag-plaster upang makuha ang mismong itsura ng vaginas. Maski transgender kasali din.

Anong sinabi ng mga 100 hugs, 100 kiss, 100 boob touch sa youtube ‘di ba? Tunay na si Jamie McCartney ang ‘The Man’!

Fact – Alam nyo bang mali ang title ng obra ni McCartney? Vulva dapat ito hindi vagina, subalit sinadya daw ni Jamie na vagina ang gamitin upang magdulot daw ito ng humor and a sense of wordplay, pero ang totoo katunog lang daw kasi talaga ng China ang Vagina.

Regarding naman sa sulatin na ito, layunin namin na pahalagahan ang kapakanan ng bawat vaginas sa mundo kaya ibinabahagi namin sa pamamagitan nito ang natatanging obra ni Mr. Jamie McCartney upang nang sa gayon mamulat at maliwanagan ang sangkatauhan sa iba-ibang itsura ng vagina. At kung magkakaron man ng movement na maguudyok sa mga gumagawa ng mga tv commercials ng mga feminine wash na ‘wag mahiyang gumamit ng tunay na vagina upang matukoy kung para saan talaga ang produktong kanilang binebenta at ‘wag nang ihalintulad ang vagina sa nalalantang bulaklak ay asahan na matic kasama kami sa laban nyo…

Dahil ayon nga sa pananalita ni Al Pacino sa pelikulang Scent of a Woman, “There's only two syllables in this whole wide world worth hearing: 'Pussy'.”

In this case there is only three syllables worth writing ‘Vagina’.



VAGINA vagina VaGiNa vAgInA

Vagina vagina vagina VAGINA

Vagina Vagina VAgiNA vaGIna

VAGina vagINA VAGINA vagina

Vaginavaginavaginavaginavagina

VAGINAVAGINAVAGINA

VA-GI-NAAAAAAAAAAAA!

V is for Vagina.

V- aluable
A - rtistic
G - enitals
I - nspiring
N - atural
A - roma


Hmmmmmmmmmmm... Aaaaaaaaaaaaaahhhh...

Linggo, Enero 19, 2014

Grid (a digital noise)


*This is our short digital noise improvisation using a generative abstract sound sequencer android app called "KOSM", where what you hear is just a result of chance/chaos and a little experimentation.

- We digitally add ...some delay and reverb effects to give it a bit of flavors.

*The image used is one of our illustrations title "Deus ex Machina" posted last 11.06.2013, we digitally tweak it to make it more abstract parallel to the sounds.

Biyernes, Enero 3, 2014

GABAY AT PREDIKSIYON SA TAONG 2014:



Bagong taon. Bagong buhay. Bagong Pag-asa. Bagong lungkot at ligaya. Tayo ay nasa ikatlong pahina na ngayon ng taong 2014, Biyernes. Enero tres. Ano na ba an gating nasulat sa unang dalawang pahina at ano pa kaya ang ating masusulat?

Kaya’t bago pa man din tayo makapamansila ng kapwa o tuluyang madiskaril ang sariling buhay dahil sa ating mga pagaskol-gaskol at kulpot na mga desisyon at gawain ngayong taon, narito ang ilan sa aming mga lihim na karunungang ibabahagi sa inyo na talaga namang magpapagaan sa pagharap mo sa pang araw-araw na buhay upang sa gayon maging maswerte at masagana ang iyong pagsalubong ngayong taon..

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para rito ‘di ba? Ugaliin lamang na isapuso ang nakagawian na naming tagubilin na kung ano man ang matutuklasan o malalaman mo rito ay ‘wag na ‘wag mong gagamitin sa anu mang uri ng kasamaan o pagmamalabis. Tandaan din na ito ay gabay lamang, may freewill tayo gamitin ito nang sa gayon mamuhay tayo ng payak, mapayapa at may pagkakaunawaan.... 

1. ‘Wag na ‘Wag kang gagawa ni magtangka man lang na gumawa ng New Year’s Resolutions mo. Bad vibes ‘to, madi-disappoint ka lang sa sarili mo at sa huli magsa-sour graping na bawi ka next year. Baka bumaba pa ang self-esteem so ‘wag na lang.

2. Kung nagbabalak naman magnegosyo, Year of the Horse ngayon, patok ang negosyong alak at yosi lalu na yung parehong may kabayo sa logo. Dahil ito sa tax na ipapataw ng Gobyerno, kaya’t asahan na bloom ngayong taon ang Takatak Boys industry.


3. Iwasang maglagay ng electric fan sa kitchen o harap ng gas stove. Malas ito, magtatalo ang element ng air at fire. Gutom ang hatid nito sa pamilya, hindi kayo makakaluto.

4. Malas din ang pagsusuot ng shades at sombrero sa loob ng mall, lalu na kung may bitbit kang martilyo. Iwasan ito, kundi tiyak piitan ang hantungan mo.

5. Pagpasok ng Pebrero bubwenasin ang mga nagtitinda ng tikoy at ng mga dekorasyon o koloreteng pam-feng Shui.

6. Samantala suswertehin naman ngayong taon si Napoles at iba pang sangkot dito, makakalimutan na ng mga Pinoy ang tungkol sa PDAF scandal. Sabi nga past is past, 2014 na let’s move on.

7. Lalu namang mababaon sa utang ang ating bansa dahil sa gagawing pagutang ng Gobyerno sa ibang bansa para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta habang tuluyang mawawala at mababaon sa limot ang bilyong-bilyong donasyon sa atin dala ng super typhoon na si Yolanda. Past is past let’s move on, masaya naman marami tayong nakuhang mga medalya at award sa iba’t-ibang patimpalak.

8. Mahuhulaan na naman ng magigiting nating mga manghuhula na may darating na bagyo ngayong taon at babahain ang Metro-Manila.

9. Natitiyak naman namin na balik eskwela ang mga bata sa January 6 at magsisimula ang Class 2014 sa Hunyo then magtatapos next year 2015 buwan ng Marso, maiba lang.

10. May maninira sa ilang mga national roads sa Kamaynilaan subalit ‘wag mangamba kukumpunihin naman nila uli ito, ibayong pasensya at kooperasyon lang ang kailangan sapagkat matinding trapik ang hatid nito sa sambayanang Pilipino.

11. Maglalabas ng mas makintab at kakaibang kulay ng iPhone ang Apple at tatawagin itong iPhone 5c+

12. Malulungkot ‘yung mga kabibili lang ng iPhone 5c nung Christmas dahil rito.

13. Sa mga kababayan nating may katabaan na nais nang magpapayat at maging healthy, bawas-bawasan ang pagtambay sa kusina o ‘yung mga lugar na amoy mantika. Malas din para sa inyo ang mga pork, hipon, at alamang.

14.  Upang maging positive vibes buong taon iwasan ang negative vibes.

15. Iwasang mag-selfie sa crowded places tulad ng parke, mall, bar etc. bad vibes ‘yun, mawawala ang purity ng selfieness mo.

16. Boom ang negosyong kabayong pigurin ngayong tayon.

17. Kung wala namang pambili ng pampaswerteng kabayong pigurin, pwede naman hong mag-drawing na lang ng kabayo. Ang importante ay maipwesto ito sa tamang lugar na ayon sa Feng Shui. Ipwesto ito sa lugar kung saan hindi makikita ni matatanaw o aninag ng kapitbahay mo or isang tipikal na kakilala upang nang sa gayon makaiwas sa sama ng loob.

18.  Iwasang manood ng teleserye habang nagsasaing lalu na kung hindi rice cooker ang gamit. Malas ito, buong taon kayo matututungan hanggat ‘di natatapos ang istorya ng teleseryeng ‘yun.

19. ‘Wag sasakay sa MRT o LRT sa umaga kapag nalimutan mag-tawas, mamalasin ang katabi mo, respeto sa kapwa ang kaylangan para good vibes buong araw.

20. Bababa ng 25 cents ang presyo ng gasolina ngayong taon, mga bandang first quarter. Subalit tataas ito ng 1.50 bago matapos ang taon.

Muli gabay lamang ang mga ito, nasa atin pa din talaga ang desisyon at gawa. Sundin ito ng buong ligalig na may halong pagnanasa at tyak matatamasa ang hinahanap na ligaya. Happy New Year! J

“From the calm morning, the end will come when of the dancing horse the number of circles will be nine.” ~ Nostradamus

Predictive Programming

Flashback: This stand alone game card was published in the 90's