Ang Nakaraan…
Muling umere o pinaskil sa news feed ang episode 1-7 na tulad nang nakagawian ay tinawag ding “marathon” para sa mga mambabasang hindi nasimulan ang brutal drama broken serye na ito o ‘yung mga tamad lang mag-scroll down upang baybayin ang mga naunang episode sa page na ‘to.
Samantala, sa kadahilanang ‘yon, matagumpay din naman naming naisakatuparan ang pinagisipan at pinagplanuhang killer joke ‘yun nga lang kami lang ata natawa, wala atang naka-relate… Sabagay bakit ka nga naman tatawa o matatawa e brutal-drama serye nga ‘to ‘di ba? Kaya sa pagpapatuloy…
Dahil sa lubos na pagkadismaya at labis-labis na pagkalumbay sa reply ni Genoveva, naisipan na lang mag-soundtrip muna ni Rogelio nang sa gayon ay maibsan muna kahit man lang pansumandali ang pagkapagal, kalungkutan, at paghihinagpis na kanyang dala-dala…
I-I-I wanna give you
One last option
I-I-I wanna give you
One last chance
I-If you're looking for the
Main attraction
Just hold on tight and
Let me do my dance
If you want it I'm gonna be
Va va voom, voom
“Ay powtek na ‘yan ba’t ‘yan yoko muna ng masaya…”, click next.
Tell me her name I want to know
The way she looks and where you go
I need to see her face, I need to understand
Why you and I came to an end
Tell me again I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night when I'm here all alone
Remembering when I was your own
I'll let you go, I'll let you fly
Why do I keep on asking why
I'll let you go now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow
“Ayan ganyan sakto…Haaay…”, sabay tingin tingin sa bintana habang nakaupo sa harap ng kanyang desktop computer at sa labas naman ay marahang tumitigaktik ang ambon, unti-unti dahan-dahan hanggan sa ito ay tuluyang naging ulan.
Pumapasok sa loob ng kwarto ni Rogelio ang malamig na hangin na kasinlamig ng puso at damdamin ni Genoveva para sa kanya. Damang-dama niya ito habang dumadampi sa kanyang mukha at hinahawi ang kanyang buhok. Ito ngayon ang nagtulak sa kanya upang buksan ang kanyang Facebook at muling silipin ang profile ni Genoveva.
“Haaay…”, walang ibang masabi sa kanyang sarili kundi ang ubod na lamig na buntong hininga. Haaay…
Dala ng hindi maawat na pagdaramdam mag-i-status ngayon si Rogelio ng isang makabagbagbaging lyrics ng kanta. Nag-type. Click Post.
When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
Ngunit laking gulat ni Rogelio nang bigla itong ni-like ni Genoveva.
LIKE!
“Ay pota! ‘Yun Oh!”, nabuhayan bigla ng dugo ang gago. “Hihihi!”, kilig na kilig. Ginanahan kaya nag-post naman ng Youtube video, ‘yung music video ng new song ni Pink. Just Give Me A Reason feat. Nate Ruess isang bagsak lang.
Tagumpay. Posted. At isang malutong na like na naman ang natamo nito. Dahan-dahan pang binasa ni Rogelio ang notification.
“Ge-no-ve-va-Pu-ting-si-siw-likes-your-post-1-se-cond-a-go… Hihihi! Like niya mga post ko shet! It means super like din niya ko hihi! Page to ni-like niya ibig sabihin may feelings siya talaga sakin, mahal niya ko!”.
Nag-stat ulet. This time picture ni Mark “The Spark” Caguiao habang nagdi-dribble sabay nilagyan ng tagline na, “Inyo ang game 1 amin ang championship! Go-go-go!”, click post.
At ano pa nga ba ni-like din ni Genoveva ang post-pic niya. Ano pa nga din ang bago mas lalung kinilig ang loko, buo na sa kanyang isip at kumbinsido na sa sarili na mahal nga din siya ng natatangi niyang dalaga kaya hindi niya naiwasan na i-chat ito.
“Hi Gen-gen like mo din pala ang Ginebra?”
“Sumagot ka sana…”, mataimtim na panalangin ni Rogelio.
Gen-gen is now typing…
“Oo naman!”
“Yes!”, pabulong na sigaw sa sarili.
“Hehe same pala tayo hihi… Pwede magtanong?”
“Sure!”
“Nahihiya ko pero sige… Pwede ba malaman kung bakit mo nilalike mga pinopost ko?”
Gen-gen is now typing…
Gen-gen is now typing…
“Tagal naman niya mag-type…”
Gen-gen is now typing…
“Mukhang mahaba-habang paliwanag ‘to ah… Kinakabahan ako baka sagutin na niya ko o ipagtapat na niya tunay niyang nararamdaman para sakin na mahal nga din niya ko… YES!!!”
Gen-gen is now typing…
“Hellow? Hoy mister Rogelio Bragancia Junior kung inaakala mo na may feelings ako sayo dahil nilalike ko mga post mo kanina pwes nagkakamali ka. Pwede ba wag ka masyadong assuming?! Wag ka sanang ilusyunado pwede ba ha?!!! BYE!!!!!”
“Teka let me-“
Gen-gen Putingsisiw has signout.
“Shet! Ok n asana e… Putek na ‘yan badtrip naman!”, call a friend agad si Rogelio. “Hello! Tol! May-“
“I-text mo magsori ka.”
“Ha? ‘Di mo pa nga alam ano problema ko e, tol Jobert naman…”
“Isa lang naman ang prob mo tol e kaya i-text mo na siya ng sori.”
“Tama ka nga tol. Sige-sige. Salamat tol, hindi ko alam may sa Jojo Acuin ka pala.”
“Sige tol bye goodluck!”
Agad nag-type sa cellphone si Rogelio.
“Hi Gen-gen. Sori knina. Hndi nman un ang meant q eh. Sori n pls. wag k n sna mglit skin…Kung gus2 mu sugutan mu mukha q pra mp2nyan q syo n im vry sori. Pls nman gen-gen… Sori sobra… D q n uulitin pro sna lyk mu p dn mga post q f u lyk kc lyk n lyk kta e. pls?"
Click Send.
Sent.
1 Message Receive.
“Tangna nagreply agad siya! Kinakabahan ako…”
Click open.
“K”, solid ulet capitalized without period ang reply ni Genoveva sa kanya.
“Whooohoooo! YES!!! Dalawang K na isa na lang! HAHAHA tagumpay!
Ngayong dalawang K reply na ang nare-received ni Rogelio mula kay Genoveva, makatanggap pa kaya siya ng isa pa? Ano ang epekto nito sa magiging takbo ng laban ng Brgy. Ginebra at Alaska Acers? Sino ang magkakampyon? Maapektuhan din kaya nito ang bilangan sa eleksyon?
Abangan ang mga umiigting na kasagutan dito lang sa nagiisang brutal-drama serye sa internet world ang Tilamsik sa Gabing Maligamgam (an FB Broken serye)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento