Biyernes, Disyembre 20, 2013

Holiday Reflection (based on true events):

"The White Shoes Mystery"

May nakasabay kameng dalawang lalaki magkaibigan sa FX kahapon, parehong mukhang bachelor at galing work. Aburido ang isa,naglalabas ng inis at yamot sa kanyang kasama. May kalakasan ang boses nila kaya rinig tyak ng lahat.

Namumroblema 'yung isa dahil hanggang ngayon hindi pa din sya nakakabili ng white shoes, wala daw syang mahanap, sa Nike naman daw kasi puro Jordan ang labas.

Bigla kameng natauhan sa aming narinig, mas malaki pa pala ang dinadalang problema ng lalaki n 'yon kumpara sa amin na kung kelan may pera nang pambili saka naman na-out of stock 'yung item...

Naimagine namin kung gano ang pagod, pawis, sakripisyo, ginugol na oras at pagtyatyaga ng lalaki na yun na galugarin lahat ng shopping malls at tianggean para lang sa kanyang natatanging inaasam na "white shoes" pero bigo sya. Hanggang ngayon wala pa din syang mahanap...

Naisip din namin na nakakalungkot ang magiging lagay nya pag di talaga sya nakabili ng white shoes dahil pihadong maiiwan sya sa bahay at di makakasama sa pamilya para magsimba sa araw ng kapaskuhan sapagkat wala syang white shoes na pang simba...

Kaya napakapalad ng mga taong trip ang white shoes ngayon at nakabili ng ganun.

 Moral Lessons:

 1.Mahirap at di biro maghanap ng white shoes.

2.Hindi lahat ng mahilig sa basketball at rubber shoes type ang Nike Air Jordan model.

3.Hinaan ang boses pagnagkukwentuhan sa mga pampublikong sasakyan dahil di mo alam may mga tsismoso ka palang katabi na nakikinig para may mai-post sa blog nila gaya nito.

Huwebes, Disyembre 5, 2013

Psychology of Santa Claus



December 6, feast day ngayon ng ating Christmas icon or our Father Christmas na si Santa. Napagkwentuhan na namin sa aming librong The Secret Book of the Philippines ang tungkol ke Santa at nabigyang pasakalye ang sinasabing alter-ego niya na si Black Pete, subalit hanggang doon lang, bitin.

Sino nga ba si Black Pete? Mahalaga bang malaman ‘to ng sambayanang Pilipino at ng mga netizens? Makakatulong ba ‘to sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa social networks? Napapanahon ba ‘tong pagusapan talaga ngayon gayong andaming nasalanta ng manmade typhoon na si Yolanda? Ewan. Siguro hindi nga, kumakatok lang talaga siya sa aming utak na siya ay pagusapan.

Si Black Pete ang sinasabing companion ni Santa sa pamimigay ng gifts, kilalang-kilala siya sa mga bansang Europa ngunit madami rin tumutuligsa rito dahil masyado daw racist. Sort of slave din daw kasi talaga ni Santa si Black Pete and black pa ang kulay. May mga nagsasabi naman na si Black Pete at Krampus (the evil twin brother/alter-ego) ay iisa o silang tatlo ay iisa sa isang persona? Gulo. Basta ang alam natin mahaba balbas niya kulay puti, pula ang suot, mataba at mahilig uminom ng Coca-cola.

Siguro nga sa likod ng pagiging charming and cuddly looks ni Santa andun ang complexity or multiple personality disorder niya. At isa na dun ang character na si Krampus, common knowledge lalu na sa Germany ang tungkol ke Krampus na siyang evil side o evil twin brother ni Santa (parang Dr. Jekyll and Hyde) na siyang nagpaparusa sa mga naughty children. Katunayan common din sa kanila ang mga greeting cards na may imahe ng grotesque-looking na si Krampus. Imagine, maka-receive ka ng Christmas card na may image ng horned-furry-monster na nakalabas ang mahabang pulang dila hawak ang buhok ng isang batang nakakadena ‘di ba?

Marahil ibig lang iparating ng Santa-Krampus psychology na ito ang duality in everything. Good-bad, happy-sad, polarities, etc. At hindi na din siguro nakarating sa atin ang character na si Krampus dahil sa mataas at malakas na censorship sa ating bansa. Mantakin mo kung may greeting cards tayong ganun dito, bago mo mabasa ang message may paalala munang “Itong Card na ito ay Rated SPG”.

Maaari din na repleksyon ito ng bawat isa sa atin na may tinatagong “beast within” sa likod ng ating mga ngiti, fashion, and gadgets. Pero sabi nga everything works in subliminal form, tulad ng paborito nating kakanin tuwing magpapasko o simbang gabi na Puto Bumbong at Bibingka na siyang simbolo ng human sex organ to celebrate the pagan fertility rites on winter solstice or Christmas. Puto Bumbong is the phallus and Bibinga is the womb or vagina. Kaya ‘wag na tayong magtaka kung bakit isa ang Bibingka sa many alternative names ng kepyas at kung bakit kelangan pukpukin ang Puto Bumbong habang niluluto.

Regarding Santa, overrated na ‘to at sobrang cliché subalit ‘yun talaga e nasa subconscious na kasi natin siya due to centuries of programming. At ang ating subconscious mind ay may kakayanang makabasa ng mga jumbled words or hidden messages and symbols katulad ng bata sa cover photo nito.

Or baka naman sumusunod lang ‘yung bata sa bilin ni Jesus Christ na “love your enemy” ‘di ba?

HO! HO! HO! Happy Holidays ;)   


Lo-fi Digital Photo










Miyerkules, Disyembre 4, 2013

ROM (Reboot Our Minds) ~ Gen Thalz


Another analog session

with live circuit bending and DIY kit

feat. the voice of Mr. Terence McKenna (shaman, psychonaut, ethnobotanist)

*This is the second part of his speech in the video:

Catalysts to say what has never been said, to see what has never been seen. To draw, paint, sing, sculpt, dance and act what has never before been done. To push the envelope of creativity and language and whats really important is, I call it, the felt presence of direct experience which is a fancy term which just simply means we have to stop consuming our culture. We have to create culture.

Don't watch TV, don't read magazines, don't even listen to NPR. Create your own roadshow. The nexus of space and time, where you are now, is the most immediate sector of your universe and if you're worrying about Michael Jackson or Bill Clinton or somebody else, you are disempowered. You are giving it all away to icons, icons which are maintained by an electronic media, so that you want to dress like X or have lips like Y or something. This is shit-brained, this kind of thinking.

That is all cultural diversion and what is real is you and your friends and your associations, your highs, your orgasms, your hopes, your plans, and your fears... and we are told no, we're unimportant, we're peripheral, "get a degree", "get a job", get a this, get a that, and then you're a player. You don't even want to play in that game. You want to reclaim your mind and get it out of the hands of the cultural engineers who want to turn you into a half-baked moron consuming all this trash that's being manufactured out of the bones of a dying world. Where is that at?

Lunes, Nobyembre 25, 2013

Martes, Nobyembre 5, 2013

iLLUSTRATIONS: Codex from Outer Space and Deus ex Machina

iLLUSTRATION no.30: Psychedelic Glitch

"Deus ex Machina"

iLLUSTRATION no.29: 8-bit

"Codex from Outer Space"


Sabado, Nobyembre 2, 2013

ANG BLOG NA WALANG PAMAGAT (a post Halloween special)


“You should dance with the devil, the devil don’t change, the devil change you…” ~ Max California (8mm)

Nagsimula ang lahat taong 1999 nang mapanood ni Jonard ang pelikulang 8mm sa sinehan, may kung anong kumatok at bumagabag sa kanyang kamalayan nang mabanggit sa nasabing pelikula ang Pilipinas patungkol sa pag gawa ng snuff films. “Totoo kaya ‘yun? Meron kaya talagang gumagawa nun dito? Grabe anong klaseng demonyo ang pumasok sa isip ng mga taong gumagawa ng ganun?”, tanong niya sa sarili.

Sakto alas-otso ng gabi nang lumabas sa sinehan si Jonard. Tulala, lutang at lumilipad ang isip habang naglalakad pauwi. Nakayuko siyang naglalakad dahan-dahan nang siya ay mapatapat sa isang abandonadong bahay na nasunog ilang dekada na ang nakararaan malapit sa kanilang lugar. Pinagmasdan niya iyon sandali, wala naman siyang nakitang kakaiba, hindi rin siya nakaramdam ng sindak o takot subalit napukaw ang kanyang atensyon ng isang bandalismo na nakasulat sa gate mismo nito “DEMONYO”, malaki ang titik nun at may malaking letrang X sa gitna, pula ang pinampintura.

Katulad ng karaniwang bara-baranggay na may kanya-kanyang ghost stories, etong bahay na ito sa lugar nila Jonard ang tampulan ng katatakutan at kababalaghan. Balita kasing misteryoso itong nasunog sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, wala rin makapagsabi sa mga taga-roon kung sino o ano talaga ang nangyayari sa loob ng bahay na iyon nung panahong hindi pa ito nasusunog. Kwento ng mga matatanda sa kanila, madalas daw makarinig doon ng mga iyak, sigaw, at pagmamakaawa roon. At nang masunog nga ito at tuluyang naging bakante, may mga nakakakilabot daw na pangitain ang makikita roon kaya bawat nagdaraan doon na sasakyan ay bumubusina o kung naglalakad naman ay nag-a-antanda sa krus.

Sa kabila ng mga nalalaman ni Jonard tungkol sa sunog na bahay na ito, hindi siya nagpaawat, inakyat niya ang bakod at pumasok sa loob.

Tanging ilaw sa street light at liwanag ng buwan ang tumatanglaw kay Jonard habang inaakyat ang marupok na hagdan papasok sa bahay. Malamig ang hangin sa loob at malalanghap pa din ang amoy ng mga sunog na kahoy, abo at ibang kagamitan sa loob…

Tangan-tangan ni Jonard ang kanyang lighter papasok sa basement ng bahay. Umandar ang kanyang imahinasyon at pagkatamang hinala na baka may makita siyang torture chamber doon. Pero wala. Umakyat siya sa 2nd floor, pumasok sa isang kwarto. Natagpuan niya ang isang sunog na kama, kalahati na lang ang foam niyon. May cabinet buo pa, at ilang papel-papel sa may sulok. Sinimulan niya iyong halungkatin sa pagbabakasakaling may mabasa siyang importanteng bagay tungkol sa bahay na ‘yon, hanggang sa makita niya ang isang medyo sunog na diary.

Pinagpag niya iyon at sinimulang basahin.

November 3, 1973 11pm

Hindi ako makatulog, naririnig ko na naman ang mga panaghoy na nagmumula kung saan. Nakakabingi, nakakarindi. San ba nanggagaling ‘yun? Ano bang ginagawa nila papa sa may basement bakit ayaw nila kong papasukin roon at tuwing kabilugan ng buwan may mga iyak at pagsusumamo na umaalingawngaw dito sa loob ng bahay? Ewan. Tang inang ‘yan patulugin nyo ko! Haaay… Makagawa na nga lang ng maikling kwento pampatulog.

Isang lalaki ang mapapadpad sa isang luma at gutay-gutay na bahay. Dinala siya roon ng kanyang instinct dahil sa pagiimbistiga niya tungkol sa katotohanan sa likod ng kwento na kanyang napanood sa 8mm film na bigay ng isang estrangherong nakasalamuha niya sa parke. Binago nito ang kanyang pananaw tungkol sa space and time, rituals, dark arts, and black magic.

Shit! Ang ingay talaga! Hindi na nga makatulog hindi pa makapag-concentrate dito sa sinusulat ko. Bwisit!

Binalot ng paranoia ang buong pagkatao ng lalaking ito at talaga namang tumagos sa kanyang mga buto at tumatak sa isipan ang napanood. Lahat ay kanyang ginawa upang malaman ang katotohanan rito dahil nais niyang matutuhan ang mahika na idinokumento roon.

Sa pagsasaliksik niya sa lumang bahay na sinasabing lugar kung saan isinasagawa ang mga ritwal na kanyang nalaman mula sa matindi at pursigidong pananaliksik nakakita siya ng isang itim na envelop sa loob ng nangungupas na tukador. Nakaselyo pa iyon. Agad niyang binuksan at binasa. Isa itong uri ng card na pag binuksan mo ay tumutunog parang music box na ang tunog na nilalabas ay lalung nagpa-creepy sa ambiance ng bahay. Scented din ang card na kapag iyong naamoy ay para bang dinadala ka sa nakaraan at bakas ng kahapon.

Excited niyang binasa ang liham na para bang siyentipiko na nakahanap ng sangkap para sa kanyang eksperimento.

Sa Iyo,

Kung sino ka man na nagbabasa nito ngayon malamang napanood mo ang aming secret video at ikaw ang bukod tanging nagtagumpay sa paghahanap ng bahay kung saan namin idinaraos angaming lihim na pagtitipon at mga lihim na ritwal.

Hanggang dito ka na lang. ‘Wag mo na kaming hanapin pagkat hindi mo na kame makikita pa. Pero dahil masigasig ka sa paghahanap ng katotohanan, papawiin namin ang iyong uhaw. OO, totoo lahat nang napanood mo sa video. Delikado ang tinatahak mo, wag ka na magtangka pa. Marami na kaming nakita mula sa nakaraan at hinaharap. Katunayan habang binabasa mo to ngayon isang lalaki ang makakabasa ng binabasa mo mula sa isang lumang diary na siyang mababasa ng ilan sa harap ng isang maliwanag na makina.

Maaalala ng mambabasang iyon ang isang video na nagpapakita ng tatlong babaeng dahan-dahang pinapatay sa pamamagitan ng pag-apak ang isang tuta at maiisip niya na baka tama si Jonard sa kanyang hinala na may mga gumagawa nga ng snuff film sa Pilipinas katulad ng nabanggit sa napanood niyang pelikula.

Mababasa niya iyon sa isang sulatin na pinamagatang, Ang Blog na Walang Pamagat.


Visuality in the City

"Pipeline" 
underneath Trinoma mall's front door escalator (Quezon City)
10.26.2013

"Black Pipes"
right side front door of Black Market club (Makati City)
10.26.2013

"The Tree"
near Mind Museum (Bonifacio Global City)
10.30.2013
"Abstract Metal"
in front of Mind Museum (Bonifacio Global City)
10.30.2013



Linggo, Oktubre 20, 2013

CHAMBIRA: improvise Mbira + Monotron Delay (demo)



CHAMBIRA: an improvise ethno-industrial electronic music instrument (demo)

*This is our version of the native instrument Mbira and kalimba

*We used "tsane" or tweezer as a key hence the name Chambira (chane and mbira).

*The case is a hard carton box that we bought on Papemelroti.

*For amplification of the vibration, we just used a simple acoustic guitar pickup.

*We run it through a Monotron Delay analogue synthesizer to tweak and get some delay or echo effects and some noisy sounds.

*The tune is a short composition that we make just for this demo video and call it "Protocol".

Miyerkules, Oktubre 9, 2013

IBA’T-IBANG URI and SECRET TEKNIK NG SELFIE:



“Even the greatest stars dislike themselves in the looking glass, even the greatest stars change themselves in the looking glass, even the greatest stars live their lives in the looking glass” ~ Kraftwerk (Hall of Mirrors)

Dahil nga ang buwan ng Oktubre ay buwan ng lasingan, nasumpungan na din naming talakayin ang ating kalasingan sa pagkuha ng sariling larawan o selfie. Kung noon masisilayan mo lang ang mga pribadong larawan ng iyong mga kaibigan, kamaganakan at mga kaklase sa kanilang photo album sa bahay ngayon hindi mo na kailangang bumisita pa sa kanila.

Selfie, alam na natin lahat ang meaning nito, ito ‘yung pagkuha ng litrato sa sarili o “sariling-sikap” gamit ang camera phone, digicam, etc. then i-a-upload to any social media website nationwide, Selca naman ang tawag sa Korea. Atleast may sarili silang term.

Matic ‘yan pag open mo ng social media account mo dagsa agad ang selfie ng mga friends mo at lahat tayo guilty rito.
Ayon sa Wikipedia ang Russian Grand Duchess Anastasia Nikolaevna ang unang teenager (age 13) na nag-selfie gamit ang portable Kodak Brownie box camera around 1900 at ipinadala ito sa kaibigan na may kaakibat na liham (oldschool caption ‘di ba?). Ilang araw muna ang lilipas bago niya malaman ang comment ng friends nya o like ba nila ito through snail mail.

Ganon kahirap ang teknolohiya noon kumpara ngayon, kaya bago ka mag-post ng iyong natatanging selfie halina’t alamin muna natin ang iba’t-ibang uri ng selfie at ang tamang teknik sa pagkuha nito.

1.Duckface – Kung noon e isa sa icon ng katatawanan ang pag-nguso ng comedian na si Kuhol ngayon epitome na ito ng ka-cutan at kakikayan. Mas mahabang nguso mas cute, samahan pa ng naniningkit at medyo papungay na mata naloko na! “Kaw na!” sabi nga.

2.Lipbite – Simple lang ‘to basta kagatin mo lang ang lips mo na para kang may masakit na singaw sapul ‘yan.

3.Mirror Selfie – Kahit saan pwede mo itong gawin basta may salamin, pero mas cool syempre kung sa CR ng isang mall, hotel, bar, etc. ang dapat lang tandaan dine ay matiyak na makuhaan ng camera sa repleksyon ng salamin ang logo ng mansanas na gamit mo.

4.Asian Looks o Japan-Japanan – Matagal na ‘tong uso, eto ‘yung pag gamit ng peace sign nag-evolve lang ngayon into something na itatapat mo dapat ang peace sign sa gilid ng mata then tiyakin na magmistulang inosente ang aura mo na may pagka Kabuki mask.

5.Emotera – Kung noon halos itago ng mga tao ang kanilang kalungkutan, ayaw magpakita ng kahinaan, pagdadalamhati, at pag iyak ngayon pinagsisigawan na ito. Mas marubdob na lungkot ng larawan mo o mas wasted ka mas cool, tiyakin din na mataymingan mo ang pagpatak ng luha mo sa pisngi bago mo kuhaan para realistic at surrealist ang peg.

6.Aling Simang – Simang short for Simangot, basta simangot ka lang pwede na ‘yan post agad. Tama nga naman kasawa na ang laging naka smile sa picture, maiba naman ‘di ba at sabi nga “smile like you mean it”.

7.Tongue Out – Walang tyak na nakakaalam kung anong meron sa psyche ng sangkatauhan kung bakit may times na naglalabas tayo ng dila pagmagpapakuha ng litrato. Maski ang mga magigiting na psychologist na sila Carl Jung at Sigmund Freud walang payak na paliwanag ukol rito.

Sa pagkakaalam namin si Albert Einstein ang unang gumawa nito, at iyon nga ang iconic press photograph nya na nakabelat. Subalit kung babalikan natin ang history kung saan di pa uso ang camera, makikita sa mga inukit na mga bato ng mga Mayans ang Emblem nilang hugis taong reptile na nakalabas ang dila. Dahil kaya ito sa Reptilian Complex part sa ating utak at same din kaya ito sa sinasabing “Tongue Flickering” na madalas makita sa mga reptile animals, ilang personalidad, at sa ilang pelikula?

May conspiracy kasi na ang nagpapatakbo raw ng mundo ay ang mga reptilian race alien, haka-haka lang ‘yan basta ang sabi ni Chinky (age 15) sure daw niya na si Miley Cyrus ang nagpauso ng tongue out teknik. Dapat daw pabilog ang dila na patulis ang dulo, huwag ilalabas lahat ‘yung tamang kita lang on either side ng lips. Oo ‘wag na ‘wag sa gitna dahil si Yves Dignadice lang ang gumagawa niyan tuwing free throw shot sa PBA noon, at ‘wag mo nga din ilabas buong dila mo hindi ka si Michael Jordan. Pero ang tongue out selfie teknik na ‘yan ay nauna nang ginamit ng bandang Nirvana sa kanilang iconic smiley logo.

8.Sleeping Selfie – Medyo mahirap ‘tong uri na ‘to ng selfie dapat inborn na sleepwalker ka para magawa ito o may sapi ka ng The Conjuring.

9.With Celebrity – Linawin lang natin, hindi ito ‘yung pagpapakuha ng picture kasama ang idol mong celebrity kundi ang pag selfie sa kanilang mga poster. Poster ng pelikula, magazine, billboards, endorsement, commercial sa tv etc.

10.Rocker Gangster – Para din itong Japan-japanan selfie ang kaibahan lang e ang hand sign na gamit. Dapat din ‘di ka nakangiti pag ginawa mo ‘to, suplado ka dapat pakita mo ang angst mo at galit mo sa mundo lalu na sa mga nagpo-post ng pa-cute na picture nila sa FB. Dapat maramdaman nila ang inis, suklam, at suya mo sa tulad nila na puro selfie ang inaatupag sa selfie na ito. Dahil ito ang statement mo na nagsasabing hindi mo sila ka-uri, na iba ka sa kanila. Yeah!

11.Cleavage Kuyukot Selfie – Ay wala kameng ibang masasabi rito kundi isang malaking CHECK! Eto ang the best selfie sa lahat talaga ‘wag ka na kokontra, tuloy lang, malaki ang tulong nito sa mga kalalakihang nagtitipid o walang pambili ng FHM o Playboy magazine. Kaya salamat rito.

12.Kain-kain Pag May Time – Marahil epekto ito ng Last Supper syndrome nang ipinta ni Da Vinci ang huling hapunan ni Kristo kasama ang kanyang mga apostol. Dahil kung sila Jesus nga proud na tinapay at wine lang ang hapunan nila, at ang ating presidente na nakakaawang hotdog sandwich lang ang kinain sa isa niyang conference sa ibang bansa, tayo pa kaya na sangkatutak na putahe ang nasa mesa? Syempre marapat lang na malaman ‘yun ng sambayanang Pilipino.

13.Party-party! – Kung karapatan ng mundo na malaman kung ano ang kinakain mo umaga, tanghali, gabi, karapatan din ng sangkatauhan na malaman kung gaano kasaya ang buhay mo at kung san ka naglalagi sa pamamagitan ng pagpicture na ikaw ay nasa party o inuman. Siguraduhing nakanganga ka, kaakbay ang isa o dalawa sa mga friends mo, mas mainam kung pare-pareho kayong may tangan ng bote o baso ng beer pag ginawa ito para talagang ma-absorb ng mga magbu-view nito kung gano ka kaligaya nung gabi at puntong ‘yun.  

14.With Pet – Statement mo ‘yan na nagpapakita na loving and caring human being ka, pagpapahiwatig mo ‘to na there’s more to life than taking a picture with what you eat because you can do it also with your pet. Siguraduhin na hug-tight o kina-cuddle mo ang pet mo pag ginawa ito para madama ka ng mga friends mo sa social media kung paano ka magaruga at malaman nila na isa kang matino at mabuting Filipino Citizen.

15.Normal – Safe mode ka lang dapat dito, kung maaari poker face ka tipong mala ID picture ang peg mo ‘wag mo hayaang ni katiting na hint mahulaan nila kung ano ang nasa isip mo nung nag selfie ka ng ganito para andun ang mysterious effect mo at mapapaisip sila na isa kang deep person.


16.Morning Selfie - Syempre kung may pag selfie ng tulog dapat meron din ang bagong gising. Importante kasing makuhaan mo ng litrato ang itsura mo pagkagising na pagkagising antimano upang malaman ng mga freinds mo na hindi ka tulo laway at hindi ka nagmumuta sa pagtulog. Dahil ang sabi nga din nakikita ang natural na kagandahan o kagwapuhan sa bagong gising na mukha. 

Gawin ito bago ka pa makapag inat o hikab para talagang sariwa pa ang moment ng pag gising mo. Lagyan ng sinserong caption na "Goodmorning Frenz!" o dili kaya'y "Just woke up" para mas bet ng iyong mga kaibigan.

At ayan ang ilan sa mga uri at teknik ng pagkuha ng selfie, gabay lamang ang mga ito maari kang gumawa ng sarili mong statement at mag-eksperimento. Be creative, para iyong-iyo o selfieng-selfie talaga ang selfie mo. Mangyari lamang na ugaliing tandaan at isa-buhay ang lagi naming paalala na wag na wag gagamitin sa anumang uri ng kasamaan ang inyong natutuklasang mga secret teknik at lihim na kaalaman upang hindi makaperwisyo sa sambayanang Pilipino at kapwa tao.

*Cover photo via Wikipedia, unidentified woman taking her own photograph using a mirror and box camera around 1900.



Martes, Oktubre 8, 2013

INUMAN MYTHS, TRADITIONS, and SUPERSTITIONS:



“Nagsimula sa patikim-tikim pinilit kong gustuhin, bisyo’y nagsimulang lumalim kaya ngayon ang hirap tanggalin” ~ The Teeth

Tayo’y nasa ikalawang lingo na ng October Fest at marahil marami-rami na ang umuwing basag, lugmok sa antok, nanggigitata sa sariling suka at suka ng kaibigan o nanlilimahid sa amoy ng yosi, tilamsik ng pulutan, at espiritu ng 2nd most consumed beverage in the world next to tea – ang Beer.

Mahilig tumoma ang Pinoy, basag kung basag, ubusan ng lahi hanggang wala nang maibentang serbesa si Aling Nena. At sa mahaba-habang inuman din na ‘yun maraming nabubuong matibay na samahan, mga kwento, aminan, ligawan, at bata.

Kaya naman naisipan naming balangkasin ang ilan sa mga mitolohiya, tradisyon, at pamahiin na pumapaimbulog sa loob ng inuman na aming nakalap sa ilang kaibigang nakakwentuhan at nakainuman na.

1. Nangunguna sa listahan, “Unang Tagay Para sa Demonyo”. Syempre san ba maguumpisa ang inuman kundi sa unang tagay, pero hindi para sayo ‘to pare ko kundi para sa katropa nating demonyo. Tradisyon na ‘to dre, pagbukas ng bote, sasalok sa tansan at itatapon, tagay daw ng demonyo. May malalim at katutubong pinagugatan ‘to sa pagkakaalam namin, hindi lang namin maalala ‘yung eksaktong kwento (sori senglot siguro kame nung napanood o naikwento ‘yun). Subalit ang paliwanag dyan ng aming tropa e para daw maging masaya ang inuman, walang magwala at mag-ala-Rambo sa kalagitnaan ng tomahan.

Kumbaga paghingi ng bless sa demonyo, logical naman e lalu na kung naniniwala ka sa devil at sinasabi nga na gawa ng demonyo ang alak. Respeto ba sa pagbibigay niya ng ganitong uri ng kasiyahan at kasarapan. Cheers!

At bakit may nagwawala kung hindi natagayan ang devil kanyo? Simple, nainggit ang devil sumanib sa kainuman mong malakas mamulutan.

2. Ikalawa, “Reserbang Alak Dapat Nakatayo”, sobrang forbidden nyan pards. ‘Wag na ‘wag mong itutumba ang mga nakareserbang alak dahil mabilis daw itong makalasing, hindi mageenjoy ang tropa ‘di ba kung ilang ikot pa lang e senglot na. Kaya ‘wag na ‘wag mo itutumba ang mga nakareserbang alak kung gusto mong makarami kayo, parang sinaway mo ang Saligang Batas ng Pilipinas kapag nilabag mo ‘yan parekoy.
Ni mga dalubhasa’t mga siyentipiko hindi maipaliwanag ang kababalaghan kung bakit napakabilis makalasing ng reserbang alak na itinayong pabaligtad. Subalit may religious friend naman kami ang nagmungkahi ukol rito na marahil kaya daw gayon ay dahil mockery ito ng upside down cross.

3. Pangatlo, “Upos ng Yosi sa Beer”. Secret teknik ito ng mga kainuman mong may masamang balak at pagnanasa sayo. Kapag nilagyan daw kasi ng upos ng yosi ang iniinom mong alak tyak tulog ka at halos walang malay para mong nakainuman ang Ativan Gang. Lalu kung babae ka magigising ka na lang sa isang kwarto na walang bintana, nakatapis ng kumot o tuwalya, may salamin sa kisame at malilit na toothbrush, toothpaste, at sabon sa CR.

Ayon sa mga kwento marami nang nabiktima ang ganitong klaseng istilo, kaya sa mga kababaihan natin diyan, ingat sa mga kainuman.

4. Ang ika-apat, “Huwag Tatanggi sa Tagay ng Nadaanang Inuman”. Nakow para kang nagtampo sa bigas kapag sinuway mo ‘yan, ‘wag na ‘wag kang tatanggi pag inalok ka ng kapitbahay mong shumat kahit isa lang kung ayaw mong samain ka, maliban na lang kung ikaw si Chuck Perez, Charlie Davao o Monsour del Rosario sa karatehan o mala Robin Padilla ka sa pagpatay ng yosi sa palad. 

5. Ika-lima sa listahan ang urban legend ng “Happy Horse” sa Redhorse Beer bottle. Ayon sa paniniwala ng mga lasenggo’t lasyengga, sa isang case daw ng biniling Redhorse ay may isang bote doon na kakaiba ang logo ng brand, para bang naka-smile ang kabayo kumpara sa ibang bote, hence – Happy Horse. Ang cool dito e kung ikaw daw ang nakadampot ng boteng ‘yun ay napakapalad mo sapagkat sayo napunta ang pinakamasarap, malakas, matapang na beer sa isang case na ‘yun. Kakaiba daw talaga ang sipa nun at may hatid na ibayong ligaya, hence – Happy Horse.

Ayaw sana naming basagin ang ganitong trip sa inuman sapagkat exciting naman at masaya subalit sabi nga “In vino veritas” – in wine there is truth, andun ang irony kaya marapat na din naming isulat ang katotohanan patungkol diyan dito.

Ayon sa isa naming friend na hindi na namin papangalanan upang maprotektahan ang kanyang katauhan at pamilya dahil baka balikan siya ng kumpanya ng alak sa pagsiwalat ng kagimbal-gimbal na katotohanang ito. Ayon sa kanya isa lamang daw itong myth, hindi totoo na iba ang timpla ng sinasabing Happy Horse na ‘yun dahil same brewing process lang ang ginagawa nila. Sa packaging lang daw talaga nagkaiba.

Old packaging daw ‘di umano ang pinaniniwalaan ng karamihan na Happy Horse, medyo may binago daw sa logo ng Redhorse taong 1992, naihahalo pa din ang lumang Happy Horse packaging dahil 20 years ang life span ng bote bago tuluyang i-discard.

Sinakyan ng RH ang myth at urban legend na ito for marketing purposes, katunayan nagpa-contest pa sila kung sinong makakagawa ng magandang backup story about sa Happy Horse noon.

E pano ‘yung mga nakadampot ng happy horse at nagsabing iba ang lasa nun? Matatanto natin dito kung gano kalawak ang ating isip at imahinasyon natin, mind over matter, placebo effect. Sori sa mga Happy Horse believer, kunwari na lang hindi nyo nabasa ‘to… Mind over writer.

6. Pang-anim, ang deadly song na “My Way”, stranger than fiction subalit napakarami na talagang winasak na pangarap, buhay, at sinirang pamilya ang nakamamatay na kantang ito. Generic ‘yan tol ‘wag mo na kantahin kung ayaw mong samain. Daig nito ang suicide song na Gloomy Sunday by Rezso Seress at ang pagbabawal ng guard sa Vhal &Vhon amusement center noon sa Northmall Caloocan na “Bawal Nang Kantahin ang Gangsta’s Paradise”.

Pero kung hindi ka talaga maawat ng mga kainuman mo sa pagkanta, Skyline Pigeon o Boulevard na lang ang tirahin mo para safe. At kung nangangati talaga ang diaphragm mo sa pagbirit na feeling mo same kayo ng  esophagus at tonsil ni Ms. Asia's Songbird, My Love Will See You Through by Marco Sison na lang ang kanain mo. Mas ligtas ka rito.

7. Ika-pito ang “Last Tagay Nakakalasing”, self-explanatory ‘yan chong. Ikaw ang last ikaw ang nakalamang sa inuman, ikaw ang mas lasing.

8. Ang pang huli sa listahan ay ang imortal na “Pagsumpa na Hindi na Iinom Tuwing May Matinding Hangover”. Isa itong napakalaking myth o kathang isip pre. Again self-explanatory dre, promises are made to be broken. Dahil ilan na ba ang sumumpa ng ganito at nilabag din ang sariling pangako nang mag aya si Ambet tumoma doon kila Dodo? ‘Yung iba pa nga sinusulat pa sa kanilang diary ang sumpang ito para hindi talaga malabag subalit mahirap talaga hindian si Ambet.

Ayan, sumainyo ang ilan sa mga inuman myths, traditions, and superstions. Marami pa ‘yan at marami pang maiimbentong kwento sa loob ng inuman pero ‘yan muna kaya alak pa!

Huwebes, Oktubre 3, 2013

DIY Mini Analog Bass Synth (demo)


Music, video, and DIY/Circuit Bent by Gen Thalz 

- This is our version of the simple Toy Organ schematic, we reverse engineer it to make it sound more bass-y.

- It is a open circuit 7 key analog bass synth, it means you can add more key if you like or some stuff like filters, white noise, etc.

- It has a pitch pot so you can adjust the tone level that you want, and of course volume control.

*The melody in the video is purely improvise not preconceive or plan, and the droning sound coming from the amplifier is not intentional. We like it so we keep it.

Databending: Monalogues

Monalogue v3

Monalogue v2

Monalogue v4

Miyerkules, Oktubre 2, 2013

CYMATIC EXPERIMENT: Visible Sounds


“Dance of the Frequencies”

Sounds, video, and improvise by Gen Thalz

“The world is sound” ~ ancient wisdom

“Everything is in a constant state of vibration” ~ modern physicist

Combining sound art electronica and psychedelic paranoia; doing simple sorcery through electricity, circuits, and frequencies we attempt to turn sounds into visual geometric patterns using the magical arts of Cymatics.

Cymatics is the study of visible sounds and vibration, explaining how sounds or frequencies creates or interact with physical matter.

As the Bible states, “and God SAID, ‘let there be light’, and there was light…” (Gen. 1:3)

*Sounds were coming directly from a 7W/8ohm speaker vibrating the canister cap of candies we found at home. Frequencies were generated by a DIY astable oscillator.

*Other noises are from outside world.

*Apologize for the clumsy footage.

Linggo, Setyembre 22, 2013

DIY Electronic Music



This Machine (minimal acid glitch) 

Live at The Bedroom 09.23.2013

DIY ELECTRONIC MUSIC: Atari Punk Console with dual monostable and 8 step sequencer

Handmade, Handcraft, Handjob.

Music, video, and performed by Gen Thalz

*This is our realization of the Atari Punk Console (original schematic by Forrest M. Mims III). We modified and circuit bent it by adding one more monostable oscillator.  The 8 step sequencer is based on the Baby 10 Analog Step Sequencer schematic, we just reduced it to 8 step and used a simple 555 timer as a clock.

- All the sounds in the video was created/generated by random tweaking, knobbing, hand grounding of this synth.

- Sounds is coming out from the amplifier.

- No special effects, secret techniques, and formula or other traditional instrument was used. Just pure imagination and modulation.

Fact: We really don’t know how it sounds like that. We just experimented with the values of other components like resistors and capacitors. This simple synthesizer is not so stable, it sound different every once in a while. Our suspicion is because it is not yet solder, the 9v battery is almost draining, or because it is our first attempt to do something like this. What you just saw and heard is an actual live improvisation with the circuit, very generative and cannot be repeated because it has no specific pattern which knobs and parameters to turn. We just go with the flow of the electricity and frequencies. Also there is a glitch, Knob #1 is not fully functioning.



Miyerkules, Setyembre 18, 2013

WALANG MASABE NGAYONG BUWAN NG SITYEMBRE!


“I write to empty my mind and to fill my heart.” ~ Paulo Coelho

Sobrang sang ayon at naka-relate kame sa tinurang ‘yan ni pareng Paulo, kumbaga “He nine inch nail it!”.  Totoo na kapag nai-release mo na ang mga nais mong sabihin ansarap sa pakiramdam ang gaan sa loob, para kang nakawala sa bulid at gapos ng mga sandamakmak na daldalang nagbabatikos sa isa’t-isa sa iyong isipan.

Subalit minsan sumasapit ang punto na wala talaga tayong masabi, walang maisulat para bang may naka-block. Eto ba ‘yung writer’s block? Lahat nakakaranas nito kahit hindi manunulat, kung minsan nga kahit magbuklat ka pa ng aklat sa pagbabakasakali na meron kang maaangkat mula roon ay para bang wala talagang pumapasok sa iyong utak. Nasobrahan ba sa pagka-empty o wala lang masabi?

Pero hindi about sa writer’s block condition ang sulatin na ito o sa pag-empty ng mind, sadyang wala lang talaga kameng maisulat o mapagusapan ngayong buwan ng Setyembre. Masyado naman na kasing gasgas kung tatalakayin pa natin o hihimayin ang mga conspiracies na bumabalot nung Martial Law na dineklara nung September 21, 1972. Let’s move on eka nga, dalamhati nga ni Billie Joe “Wake me up when September ends” pero pilit itong pinapaalala ng Earth-Wind & Fire in a dance-y-groovy tunes “Do you remember the 21st night of September?”

Ang hipster naman kung tungkol sa pork barrel. Ang gulo kung tungkol sa gera na nangyayari ngayon sa Zamboanga. Mooncake festival kaya? Hindi uubra, dehins pa nga namin natitikman ‘yun…

Wala talaga, nakailang tasang kape na, amoy sa singit at kilikili wala pa din masabi kundi “wow solve, solid! Paumbong na pinakurat!”. Hindi mapakali, alumpihit sa upuan, uneasy ang pakiramdam. Bakit ganto? Kung ano-ano na tuloy nasasabi sayo.

Eto siguro ang reverse ng quote ni Paolo Coelho, “When you write with empty mind, it troubles your heart.”, ambigat sa dibdib e. Nakakabanaag. Nakakabagabag.

Kaya siguro ititigil na namin ang kabuangang ito, sumasakit lang ang aming ulo, bawi na lang sa mga susunod na linggo at baka sakaling may matanto. Tatambay na lang muna kame sa kanto doon sa may bahay na bato kila mang Berto.

Pero eto biglaan lang. On the spot joke. Bigla lang naming naisip dahil sa mga words na Tambay, Kanto na ka-rhyme ng Trabaho, at Puso na tagalong ng Heart. Please pabigyan at tawanan mo na, may maisulat lang talaga.

Nanay: Alfredo! Walangya kang bata ka, panay ang twerking mo dyan maghanap ka ng trabaho ngayon din!!!

Alfredo: Nay ang trabaho parang pag-ibig, hindi ‘yan hinahanap bagkus kusa itong darating nang hindi mo inaasahan.

Nanay: Ay punyetang bata to napakapeste mong hinayupak talipandas ka!

Pwede na din di ba? Hindi na masama. May maisulat lang. Hindi ka man natawa, nagalak naman ang aming puso sa pagkaka-release ng pambihirang joke na ‘yan sa aming mura at sariwang kaisipan ;)

Pano hanggang dito na lang muna ‘to, next issue ule. Nyt






Binary Poetry


                                                                 Zero and One


Hex

Huwebes, Setyembre 5, 2013

Metadata (bytebeat, post digital, 8 bit/chiptune)


Music, Codes, and Video by Gen Thalz

Further down the hole of glitch, sound art, and minimal electronic music.

a sound/music from binary world.

Audio-Visual is purely made from esoteric programming language, random coding, and algorithm.

*No traditional music instruments, notes, scales, special effects, cut and paste, sound generator, circuit bending, editing, animation, paint etc. were used in the making of this music video.

Fact: We really don't know what we're doing here or how does it works, what we created here is just a result of observation, trial and error, and basic knowledge of the commands/arithmetics/characters for the program to function.


The code we used is one liner only.

axr9 M d9r10+&9*d3r&x60^9~~%3r|6 

Martes, Setyembre 3, 2013

iLLUSTRATIONS: Bits & Glitches 3 and Strip of Codes

iLLUSTRATION no.28 (Musical Score):

"Bits and Glitches III"

*another Metaphysics of Notation but in glitch mode granular synthesis, using the minimalist approach of Pointillism.


ILLUSTRATION no.27 (glitch pointillism):

"Strip of Codes"

*allowing tadpoles


Lunes, Agosto 12, 2013

Ang Pusa ni Shrödinger (a digital poem)

*No imaginary cat were harmed in the making of this video.

Dahil Linggo ng Wika ngayon...

Kami'y tutula pero hindi ganun kahaba...

Isang digital poem/electronic literature.

Tungkol sa aso? Hindi tungkol sa pusa...

"Ang Pusa ni Shrödinger"

poem, sound art, and animation by Gen Thalz

Karagdagang ambient/drone and beats na tunog ay likha mula sa home made analog synthesizer, toy circuit bending, and some glitches... Baw.


Biyernes, Agosto 9, 2013

WANBU NG BOGCHI


Facts –

1.Agosto ay buwan ng ating wikang pambansa.
2. Iba’t-iba ang dialect sa ating bansa.
3. Marami nang nausong wika sa ating bansa mula pa nung panahon ng mga “hippie” (sa pagkakaalam namin) hanggang sa panahon ngayon ng Facebook at androids.
4. Maski sila Gat. Andres Bonifacio at mga magigiting na Katipunero ay may sariling lenggwahe.
5. May sarili din silang alpabeto.

Kaya naman biglang sumagi sa puyat na isipan namin ang isa sa hit single ng bandang Eraserheads ang “Bogchi Hokbu”, bakit kanyo? Sapagkat bukod sa theme song ito ng Chippy commercial noon, maganda ang groove ng music nito at higit sa lahat ito ang kanta ng Eheads na kakaiba ang language o lyrics, pabaligtad. Tulad ng “Nosi Balasi” ni Sampaguita subalit mas hardcore ang Bogchi Hokbu dahil buong liriko nito in-reverse.

Nauso ang ganitong pananalita (sa pagkakaalam ule namin) noong dekada sitenta kung saan laganap ang mga hippies. Halimbawa imbes na Pare sabihin mo Repa o Erap, minsan dinadagdagan ng ibang shorten word magiging Repapips (Pips = People). Kotse ay Tsikot, Tigas ay Astig. Pwede mo din dagdagan ng S sa dulo para mas masarap bigkasin pampadulas ba kumbaga kagaya ng Hindi = Dehins, Malabo = Bomalabs.

Sa pagsusulat ng pabaligtad tanging si Leonardo Da Vinci lamang ang naitalang nakakagawa nito fluently, ewan lang sa ngayon anrami na kayang smart energy drink at mga gatas na IQ booster.

Bakit nila ginagawa ‘yun at para saan? Sila lang nakakaalam. Marahil bogsa sila o nasa altered-state of consciousness sila katulad ni Alice in Wonderland kaya in-reverse sila kung magsalita o jumbled ang mga words na nabibigkas. May mga nagsasabi din naman na kasi kaisa nila ang devil dahil pabaligtad din raw ang dialect nito.

Ops teka lang, kung kinutuban ka na tungkol sa backmasking ito at biglang nadismaya ay dehins na tenants kaylangan gawin ‘yun repa. Dahil kung totoong may subliminal o hidden message ang Bogchi Hokbu kapag pinatugtog ng pabaligtad ay narinig o naintindihan na iyon ng subconscious mind mo sa unanag pakinig pa lang in-normal play. Kaya 'wag maalarma...

Bogchi Hokbu lyrics –

Wanga tenants ng reksli
Toing takans na toyi
Napha oyats ng nengmi

Nananakirima
Bangbangbangalalala
Tastastasbobona

Bogchi Hokbu

Tokpu yota ng bolo
Bays otsu ng emsdi
Lambig sokpa si Sarsi

Ninhalalaama
Wawawahaginma
Ningningningmamani

Bogchi Hokbu

Sa unang pakinig iisipin mo ano kayang dialect ang ginamit nila rito, foreign? Native? O Alien language? Kung extreme pa ang pagka-paranoid mo at wala ka magawa sa dis-oras ng gabi katulad namin paghihinalaan mo na isa itong secret code o clue na magli-link sa kanta nilang “Spolarium” (same album with Bogchi Hokbu – Sticker Happy) na pinaghihinalaang patungkol di-umano sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma na shrouded of controversies ang pagkamatay. Maghihinala ka din na maso-solve ang enigmatic lyrics na ito gamit ang “Ang Na Ang Na” syllabic pattern na nauso din nung time ng mga hippies.

Bakit si Pepsi? Nabanggit kasi si Sarsi (Sarsi Emmanuel) sa lyrics na ka-batch ni Pepsi Paloma at isa din sa tinaguriang Softdrinks Beauties noon kasama si Coca Nicholas. Tapos may line pa na “Hanap tayo ng meaning” na para bagang naguudyok sa mga listeners to dig more deeper.

Pero ano nga ba ang sinasabi ng Bogchi Hokbu kapag inareglo ang lyrics? Eto sya –

Gawan natin ng lyrics
Itong kanta na ito
Hanap tayo ng meaning

Marikina
Alabang
Navotas

Chibog Buhok

Putok tayo ng lobo
Sabay suot ng DM’s
Biglang pasok si Cesar

Maalalahanin
Maginhawa
Maningning

Anong ibig sabihin kanyo? WALA. NOTHING. BUTA. Sa wikang hippie ALAWS. Kinukulit lang tayo ng Eheads at masyado lang din talaga silang malikhain. Maaari din na gusto lang nilang maiba, experiment ganyan kung maghi-hits pa din ang song kahit ganun ang lyrics.

Subalit para samin "sarcasm song" ‘to ng Eheads para sa mga nagsasabi na kapanalig nila si Satanas, may nakatagong maka-dyablong mensahe sa kanilang mga kanta, o binenta nila ang kanilang kaluluwa sa devil para sumikat. Birit nga ni Tina Arena sa kantang Burn, “Be anyone you want to be, bring to life your fantasies, But I Want Something In Return. I Want You To Burn, Burn For ME Baby”. Yeah as in burn in hell beh.

Umugong din talaga kasi nung mid-90’s na may hidden messages nga daw sa mga song ng heads in backmasking. Ewan, sinubukan ko gibberish lang narinig ko siguro depende sa listener talaga. Minsan kasi tayo na lang nagbibigay ng meaning sa mga bagay-bagay kahit wala naman lalu na kung naghahagilap talaga tayo ng patterns. Ito ang human brain phenomenon na kung tawagin ay “Pareidolia”.

But to make things clear, dehins lahat ng backmasking repapips ay diabolical ang hidden message. Perfect example dito ang song ng bandang TOOL na “Intension”. Sa intro nito ay makakarinig ng gibberish whispers at aakalain mong dinadasalan ka nila na tumalon sa LRT o umakyat ng billboard at magpa-media. Pero hindi. Dahil kapag ito ay binakmas na very positive pala ang mensahe.

“Listen to your mother. Your father is right. Work hard. Stay in school. Listen to your mother. Your father is right. Listen to your mother. Your father is right.”

Sa Bogchi Hokbu na Chibog (means kain) Buhok o Kain Buhok ang literal na ibig sabihin, may mga nag-interpret na about ito sa Cunnilingus = Chibog Buhok. Pwede. Siguro dahil nakita din nila ‘yung line na “Putok tayo ng lobo” as reference to condom kaya nabahirannila ng malisya. Sabi nga sa kantang Balong Malalim -

"Gusto n'yang mag-swimming sa balong malalim...Gusto pang kumain, kumain nang kumain. Hindi naman nabubusog sa kanyang kinain...Sige pa nang sige, kahit na dumudumi ang isipan ng tao dito sa mundong ito. O wala na bang remedyo ang ating mga ULO?" ~ Juan Dela Cruz band

Matagal nang buwag ang Eraserheads subalit mananatili ang kanilang mga iconic songs lalu na sa mga nagkamalay nung dekada nubenta. Walang lihitimong may alam kung talaga bang isa silang PUNKS (People Under New Kingdom of Satan) o isa silang KISS (Knights In Satan’s Service); mga pauso ‘yan nung 80’s naman. Ang tanging sure lang ay isa sila sa most influential bands dito sa Pinas.

Nasa sayo na kung maniniwala ka sa backmasking o hindi. Marubdob nga na tagubilin nila Madam Zenaida at Madam Rosa, “May freewill tayo, gamitin natin ito”.

Ang nakakaloka pumasok sa aming isipan ang kantang Bogchi Hokbu ngayong Agosto which is also The Ghost Month or Hungry Ghost Festival ayon sa Chinese tradition na kung saan open daw ang Gate of Spirit World kaya payo nila magingat sa mga “hungry ghost” na gumagala. Hungry = Gutom, pag gutom kakain. Chibog = Bogchi. Naloko na! Coincidence? I report you decide... Awooooooooooooo!